Chapter 26: Jealousy

166 6 1
                                    

Zaylee Park's
P.O.V

Hala mala-late na ko. Minadali ko ang pag alis ng bahay.

"Ano ba naman yan bat ba kasi nakalimutan ko mag alarm?" bulong ko sa sarili ko.

Pagkalabas ko ng bahay nagulat ako nang may makita akong sasakyan. Nang lumabas ang may ari nun nagulat ako nang makita ni Nate.

"Nate? Anong ginagawa mo dito?" tanong ko.

Tiningnan niya muna yung orasan niya bago tumingin sakin.

"Ang tagal mo parehas tayong mala-late niyan eh" sabi nito.

"Sino ba kasing nagsabing sunduin mo ko?"

"Diba nga binilin sakin ni April na ako ang maghatid sundo sayo dali mala-late na tayo" sabi nito sabay pasok sa sasakyan. Napaka gentleman naman.

Pumasok na din ako at mabilis kaming umalis. Mabilis siyang mag maneho kaya wala pang 10mins nasa school na kami. Pag baba namin ng sasakyan sakto nag bell na kaya di kami nalate.

"Nate thanks ah sa pag sundo sakin. Sinunuod mo talaga si April" sabi ko.

"Cause your my friend" sabi nito bago kami pumunta sa classroom.

Nagsimula na yung klase namin.

"Zay sasali ka sa dance contest next week?" tanong sakin ni Violet.

"Wala naman akong talento dyan, ikaw?"

"Sasali sana kaso lang wala kong partner. Pwede din naman along sumali sa singing contest o kaya sa kung anong contest dyan"

"Talent contest nalang kaya para lahat na"

Nag isip siya sandali.

"Alam mo ang talino mo" sabi nito.

Hays ano na kaya tong kaibigan ko pag wala ako. Nang mag uwian na pumunta kami ni Nate sa garden para sa tutor niya. Mag decide kami na wag nalang sa library kasi maingay tong kasama ko.

"Ok lets start" sabi ko.

"Start our relationship?" napatingin ako sa kanya sa sinabi niya. "Haha joke lang"

"Ewan ko sayo"

Hinanap ko na yung page na i-rereview. Pagkatapos namin mag review niligpit ko na yung mga gamit namin.

"Tara na. Ihahatid na kita" nakangiting sabi ni Nate.

"Sure, pero may idadaan lang ako sa office"

"Ok, hihintayin nalang kita sa may parking lot"

Pumunta na ako ng office para puntahan si Ma'am.

"Goodmorning po Ma'am" pagbati ko sa kanya.

"Oh Ms. Park so how is Mr. Lim?"

"Ok naman po. Madali lang po siyang turuan kahit minsan makulit"

"Ganon ba haha. I can see na nag i-improve ang mga score ni Mr. Lim thanks to you"

"Wala po yun Ma'am nag e-engjoy nga po ako turuan siya"

Pagkatapos kong pumunta sa office dumiretso na ko sa parking lot para hanapin ang driver ko este si Nate. Nasan ba nag sususuot yung lalaking yun. Ilalabas ko na sana yung phone ko nang makarinig ako ng boses.

"Haha your so funny Nate" rinig kong sabi ng isang babae na binanggit ang pangalan ni Nate.

Sinundan ko yung boses ng babae at nakita ko si Nate na may kadaldalang babaeng. Mukhang ang saya saya nila ah. Ihahatid niya daw ako pero nakikipaglandian este nakikipag daldalan sa ibang babae.

Umuwi na ko di kita makita saka tumawag bigla si Ate sakin may emergency kasi

Text ko kay Nate bago ko patayin yung phone ko at umalis. Hays nab-bwiset ako for an unknown reason. Dapat yung babaeng yun nalang yung ihatid niya.

Umupo na muna ako sa isang bench at pumikit. Naramdaman kong may umupo sa tabi ko kaya napadilat ako. Pagtingin ko nakita ko si Antonie. Kasama ko siya sa club na sinalihan ko.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya.

"I should be the one asking you that. Nag aasikaso ako sa club eh ikaw bakit ka nandito?"

"Nag tu-tutor ako eh. Katatapos lang"

"Bat di ka pa umuuwi?"

"May mag hahatid sana sakin kaso lang busy ata eh" sabi ko at yumuko.

Tumahimik siya kaya napatingin ako sa kanya.

"Panong busy?" nakangising sagot niya.

"Wala" sabi ko at sumandal.

"Nako nako yung istura mo nga oh di maayos, so ano ngang problema?"

"Pwede mag tanong?"

"Nagtatanong ka na"

Inirapan ko naman siya sa sinabi niya.

"Joke lang. Ano ba yun?"

"Pano kung naiinis ka sa isang tao kasi may kasama siyang iba?"

"Madali lang yan. Nag seselos ka"

"Huh? Diba nag seselos ka lang kapag gusto mo ang isang tao?"

"Meaning gusto mo siya"

"Haha bakit ko naman magugustuhan si Nate?"

Napatahimik ako sa sinabi ko. Hala nasabi ko yung pangalan ni Nate.

"Si Nate. Nate as in Nathan Lim?"

Nanahimik nalang ako.

"Nako kailangan mo nang umamin. Madami pa namang nagkakagusto sa kanya"

"Di ko siya gusto" naiinis na ko ah.

"Mas magiging mahirap lang yang kung idedeny mo"

"Umalis ka na nga"

"You should just admit to him that--" di natuloy ni Antonie yung sinasabi niya nang may biglang sumapak sa kanya.

"Antonie!" napahiga si Antonie sa sahig.

Tinulungan ko naman siyang tumayo at hinarap kung sino yun sumapak sa kanya. Pagkatingin ko nakita ko si Nate.

"Nandito na pala siya sige catch you later Zays" sabi nito at umalis.

Umalis nalang din ako dun nang may humawak sa braso ko at hinila paharap sa kanya.

"Sabi mo uuwi ka na?"

Tahimik lang ako.

"I tried calling you pero di kita macontact"

Di pa din ako sumasagot.

"Bakit ba ayaw mo sumagot? Tas may kasama ka pang lalaki"

"Ano bang problema mo? Sabi ko umuwi ka na. Asan na yun babaeng kasama mo? Bat di siya ihatid mo?"

Napatahimik siya tas ngumiti.

"Ah you mean Heather. Umalis na siya eh" nakangiti pa din siya.

"Ok" sabi ko at umalis.

Habang naglalakad may umakbay sakin.

"Tara ihatid na kita" sabi ni Nate at dinala ako sa sasakyan.

Ang weirdo talaga nito kanina galit na galit ngayon parang bata. I find it cute. Totoo kayang nagkakaroon na ko ng feelings kay Nate?

Next Chapter...

When The Guys Meet The GirlsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon