April Yu's
P.O.VHindi ko pa din mapigilang kiligan kay Gray at Violet. Imagine yung aso't pusa na yun magkakatuluyan pala.
"Hoy tulala ka nanaman" pag gulat sakin ni Austin. Nandito kami sa may court ngayon. May practice daw sila ng basketball at gusto niya kong manuod. Ewan ko ba dito.
"May iniisip lang" sabi ko.
"Sus ako lang nasa isip mo" sabi nito sabay tawa.
Agad ko naman siyang hinampas.
"Tse! Feeling ka naman"
"Austin tara na" pag tawag sakanya ng ka-teamate nila.
"Sige. Manuod ka ah" sabi niya sakin sabay gulo ng buhok ko.
Bad trip. Ayaw ko ngang ginugulo yung buhok ko. Di ba niya alam kung gano ko toh katagal inayos. Sumulpot yung apat sa court at tumabi sakin. Nakaka bitter naman lahat sila may partner ako lang wala. Ay oo nga pala nag lalaro partner ko hihi. Teka partner????
Natapos na ang practice nila kaya nag decide kaming kumain sa canteen.
"Nakita mo ko kanina diba. Galing ko noh" pag yayabang nito.
Nagiging mayabang na tong lalaking toh ah. I must say parang nag iba siya. Pasikat lang ganun.
"Yabang" bulong ko at bumili ng pagkain. Isang tuna sandwich lang at orange juice ang binili ko.
"Seryoso? Mabubusong ka na dyan?" tanong sakin ni Austin.
"Oo naman, bakit hindi?" takang tanong ko.
"Dyan ka lang" umalis ito.
Nakita kong nakangiti yung dalawang lalaki. Whats with them? Sinapian ko. Tingnan ko sila Zay at bakas sa mukha nila ang pagtataka like me. Anong meron kay Austin.
Pag balik niya nagulat kami sa dala niya. Ang dami niyang dalang pagkain. May dala siyang sandwich, spaghetti, adobo with rice, basta madami. Akala ko lahat yun para sakin pero inabot niya yun kila Zay at Violet, pati na din kila Gray.
"Eto sayo" sabi niya at nilapag ang isang tray sa harap ko na nag lalaman ng mga pagkain.
Dalawang tray ang dala niya. Yung isa hinati hati niya yung laman kila Violet habang yung isa sakin as in sakin lahat.
"Uhm ok ka lang?" takang tanong ko.
"Oo naman" sagot nito.
Hindi toh ok. Once in a blue moon ko lang siya makita na nakangiti eh. Pagkatapos namin makidnapped nina Haily naging ganito na siya. Nawala na yung seryosong Austin na nagsasabing p-protektahan niya ko. Naging playful na siya at.....sweet. pero mas gusto ko pa din yung kasweetan niya dati. Teka ano bang pinagsasabi mo April???
"April!" nagising ako sa katotohanan nang pumalakpak sa harap ko si Violet.
"Oh bakit?" takang tanong ko.
"Ang sabi ko bell na kanina pa" saka ko lang napansin na onti nalang ang tao sa canteen.
Lutang nanaman ako. Pumunta na kami sa next subject namin. Magkaklase kami ni Violet. Nakakalungkot na mahihiwalay kami kay Zay.
"Wag kang mag alala miss ka na din non" agad akong napatingin kay Violet habang nag kaklase.
"Huh? Sinong tinutukoy mo?"
"Sino bang iniisip mo? Si Austin" sabi nito sabay asar sakin.
Ahh I see. Kaming dalawa ni Austin nalang ang walang ka love team saming magkakaibigan. Hay justo ewan ko ba toh kay Violet.
"Akala ko ba team Vince ka?" tanong ko referring to his brother na may gusto sakin.
"Masaya ka ba don? Diba hindi? Nakikita ko yung ngiti mo tuwing kasama mo di Austin eh. Aminin mo nga, gusto mo ba siya?"
Saglit akong nanahimik sa tanong na yun. Alam ko naman sa sarili ko na mapaglaro akong babae. Isang beses palang ako naiinlove kaya di ako malilito. Gusto ko nga ba siya o gusto ko lang siyang pag laruan.
"April, kailangan mong makatakas sa past mo kung gusto mong maging masaya. Wag mong ikulong ang sarili mo sa nakaraan. Napatawad mo na siya so you can now move on"
"Naka move on na ko. Matagal na"
"Hindi pa. Nag sisimula ka pa lang. Kasi kung totoong nakapag move on ka na dapat di ka na nanloloko ng mga lalaki. Ngayon na napatawad mo si James sa ginawa niya kaya makaka move on ka na nang walang nakasakal sa leeg mo"
Napaisip ako dun. Minsan lang maging seryoso si Violet at kung maging seryoso man siya laging malalim ang sinsasabi niya at kayang kaya tumagos sa ko. Bakit nga ba ako nanloloko ng mga lalaki? Kasi naiinis pa din ako sa kanya at pakiramdam ko lahat ng lalaki katulad niya? Siguro nga ganon. Siguro nga nagsisimula pa lang akong mag move on.
Mag sisimula na kong mag move on. Sisimulan ko kasabay ng pag aaral ko kung pano mag mahal muli. Hahayaan ko muli ang sarili ko na malaglag kahit na walang kasiguraduhan kung masasalo ako.
I'll have to let myself fall for him even though I'm not sure if you can catch me.
Next Chapter...
5 chapters left!!!
BINABASA MO ANG
When The Guys Meet The Girls
Teen FictionPayapa ang buhay nila pero pagdating ng girls mukhang magkakaroon ng world war Three simple guys met three simple girls whats the problem? They hate each other The girls hate the guys and vice versa Pano kung dahil lang sa isang project ay magkaba...