April's
P.O.VNakalabas na din si Austin ng ospital. Bumalik na ang lahat sa dati except for one thing. Nagkabaliktad si Zay at Nate. Ngayon mukhang si Nate ang galit at umiiwas at si Zay yung nag pipilit kausapin siya.
"Bakit ba siya nagkakaganito? Diba dapat ako yung nagkakaganito kasu siya yung may girlfriend habang ako naiwan" pagmamaktol ni Zay.
"Ano bang napag usapan niyo?" tanong ko.
"Wala naman, sinabi ko lang naman na di ako nag seselos sa kanila ni Heather"
"Gaga ka, nasaktan yun. Obviously he likes you" sabi ni Violet.
"Pano niya naman ako magugustuhan eh may girlfriend na siya. Wag mo nga kong paasahin, Violet"
Nandito kami ngayon sa bahay ko. Actually pupunta kami sa libing ni James. Hinihintay lang namin na sunduin kami ng tatlo.
"April nandyan na sina Austin" tawag samin ni mama.
"Sige po Ma" sabi ko.
Bumaba na kami. Nakita namin yung tatlo sa labas. Nakaupo lang si Nate sa driver's seat habang yung dalawa nakaabang sa may gate.
"Ready na kayo?" tanong ni Gray.
Tumango naman kami at pumasok sa sasakyan. Nag-uusap lang kami habang si Zay at Nate tahimik lang. Minsan nakakausap namin si Zay, si Nate lang talaga ang hindi.
"Parang nakabaliktad ata" sabi ni Austin.
"Kaya nga eh. Sa tingin niyo, anong tingin ni Nate kay Zay" sabi ni Violet.
Hinampas ko naman siya ng malakas.
"Aray! Bakit ba?" tanong niya.
"Nandyan lang sila" bulong ko.
Nanahimik nalang kami papuntang byahe. Nakadating na din kami sa libing ni James. Nakita ko dun sina Tita at iba pang nakiramay sa kanila. Ako lang ata ang ex girlfriend niya na nandon dahil halos lahat nag commit ng suicide.
"Hello po Tita, nakikiramay po kami" sabi ko sa Mommy ni James.
"April, nandito ka pala" sabi niya at nakipag beso sakin.
Nakakatuwa na nakilala pa din ako ng mommy ni James kahit madami nang pinakilalang babae si James sa kanya.
"Hija I heard about what happend. I'm very sorry sa mga ginawa niya. Sa totoo lang wala akong alam na ganon ang mga pinag gagawa ng anak ko at halos lahat ng mga babae niya ay nag suicide. Buti na lang at di ka isa sa mga yon" sabi ni Tita at hinawakan ang kamay ko.
"Ok lang po yun Tita. Nadala lang po siya sa damdamin niya. Ang importante po ngayon ay tahimik na ang buhay niya" sabi ko.
Pagkatapos ng libing ay may sinabi muna ako kay James bago umuwi. Dumiretso kami kila Austin pagkatapos ng libing.
"Girls nandito ulit kayo!!" sabi ni Ate Angie ng makita kami.
Nag group hug kaming apat. Ang tagal na naming di nagkita. Namiss namin siya.
"Dun tayo sa taas tara" sabay dala samin ni Ate Angie sa kwarto niya.
"Namiss ka namin ate, ang tagal na nating di nagkita" sabi ni Zay kay Ate Angie pero di niya matatago na malungkot siya.
Nag daldalan kami about random stuffs at sa lovelife. Syempre di ko sinabi yung about samin ni Austin. Wala naman talaga something samin its just na parang were liking each other. Di ko sure sa feelings niya pero sa feelings ko OO, I think I'm starting to like him.
Napag usapan naman namin ang development nina Violet at Gray. Sa totoo lang para walang development na nangyari sa dalawa. Ganon pa din awayan nabawasan lang ng 2%.
As for Zay inamin niya na may gusto siya kay Nate. Alam naman naming hindi sasabihin ni Ate Angie yun sa bf niya na baka sabihin kay Nate. Malaki ang tiwala namin kay Ate Angie.
"Omg kung ako sayo aminin mo na" sabi ni Ate Angie.
"Pano ngayon na iniiwasan niya ko?"
"Bakit kasi di mo pa aminin na nag selos ka nung time na tinanong ka niya?" tanong ko.
"Di naman kasi ako prepared. Nagulat na nga lang ako nang itanong niya sakin yun. Syempre tatanggi ako, ikaw ba naman sa place ko aaminin mo" sabi nito.
Ok shut up ako dun.
"Pero para sakin aminin mo na habang maaga pa"
"He has a girlfriend" malungkot na sabi ni Zay.
Nanlaki naman agad yung mata ni Ate Angie.
"What? Seriously. Yung lalaking yun? May pumatol don" sabi ni Ate Angie.
Mahina namang pinalo ni Violet si Ate Angie. Mas naging malungkot si Zay. Nanahimik nalang si Zaylee.
"Ok guys movie marathon tayo dali!" pag iiba ni Violet ng topic. Nag movie marathon nalang kami para kahit papano gumaan ang loob ni Zay.
Hanggang sa natapos ang movie marathon namin tahimik lang si Zay.
"Alam niyo medyo late na, gusto niyo mag sleep over nalang kayo dito" sabi ni Ate Angie.
"Wala kaming dalang damit saka baka pagalitan kami ng parents namin" sabi ni Zay.
"No worries may mga clothes naman ako dyan na for sure mag kakasya sa inyo. Tatawagan nalang natin ang parents niyo"
"Talaga? Thanks ate" niyakap naman ni Violet si Ate Angie.
Alam kong matagal na niyang gustong magkaroon ng Ate pero sa kasamaang palad Kuya ang binigay sa kanya. Ok din naman magka kuya kasi protective sila. Wish ko tuloy na sana may kapatid ako.
Next Chapter...
BINABASA MO ANG
When The Guys Meet The Girls
Fiksi RemajaPayapa ang buhay nila pero pagdating ng girls mukhang magkakaroon ng world war Three simple guys met three simple girls whats the problem? They hate each other The girls hate the guys and vice versa Pano kung dahil lang sa isang project ay magkaba...