Chapter 2: Secret Feelings

2.9K 37 6
                                    

Lunch break na. Dumiretso si Jiselle sa canteen para puntahan sina Carlo at Darren.

Jiselle: Oh Darren, si Carlo?

Darren: Magkasama kayo kanina ah, na-miss mo agad?

Jiselle: Siraulo! Asan nga siya?

Darren: Ahh. Kasama si Yssa. 'Yung new girl. As president ng student council, responsibility niya na i-tour ang mga transferee at new students sa campus. Oh, ayan na pala eh!

Nakita ni Jiselle si Carlo, kasama ang isang magandang babae. Siya pala si Yssa, matangkad at girly unlike Jiselle. Nakita sila ni Carlo kaya lumapit siya rito.

Carlo: Oh? Kanina pa kayo?

Jiselle: Sige Darren, una na ako. Sa'yo na 'to. (Binigay ang iced tea niya)

Carlo: Oh? Anong nangyari dun?

Darren: Kanina pa kasi hinahanap! Baka nagselos.

Carlo: Selos? (Napaisip at napangiti)

Uwian na kaya nagmamadali si Carlo na puntahan si Jiselle sa room.

Darren: Hoy! Sa'n ka pupunta? Cleaners ka ah!

Carlo: Cleaner lang! Sub muna! Kita na lang tayo sa gate! Tenkyu! (Umalis na)

Darren: Daya mo! May utang ka sakin ah!

Biglang may dumating, si Lianne. Classmate siya ni Jiselle at crush na crush ni Darren. Kaso, siya ang leader ng fans club ni Carlo, ang CFC.

Lianne: Ahhmm, excuse me. Darren?

Darren: Oh! Lianne! Ikaw pala! Anong.. anong kailangan mo?

Lianne: Si Carlo! I mean, si Carlo, nasa'n?

Darren: Si Carlo? Ahh. Di ko alam eh. Umalis na lang bigla. Di mo ba nakita?

Lianne: Di eh. (Tiningnan ang ginagawa ni Darren) Teka, di ganyan magwalis!

Darren: Ha? Ang alin? Sorry soory.

Lianne: Tulungan na kita.

Darren: Di, okay lang. Nakakahiya naman sa'yo.

Lianne: I insist. Onga pala, maaga uwian namin. Di ba, lagi kayong sabay ni Jiselle?

Darren: Oo, bakit?

Lianne: Umuwi kasi siya agad. Kaya inisip ko na baka umuwi na rin kayo ni Carlo.

Pagkarating ni Carlo sa room nila Jiselle ay wala na siya. Hinanap niya ito sa buong corridor pero wala na talaga ito. Bumaba na lang siya at hinintay si Darren sa gate.

Darren: Hoy! Ano ka ba?! Kanina pa kita tinatawagan ah!

Carlo: Oh, nandyan ka na pala.

Darren: Sa'n ka ba nanggaling? Iniwan ako ng mga cleaners nung nawala ka! Buti na lang tinulungan ako ni Lianne.

Carlo: Lianne? Di ba yun yung kaklase ni Jiselle?

Darren: At leader ng fans club mo, pre!

Carlo: At crush na crush mo? Hahahaha! Teka, bakit mo siya kasama?

Darren: Ahh. Maaga raw kasi sila pinauwi. Teka, siguro pinuntahan mo si Jiselle noh? Kaya ka biglang umalis, noh?

Carlo: Ha?! Hindi ah! May iba akong inasikaso! Bakit ko naman hahanapin yun?!

Darren: Sus! By the way, umuwi na raw siya kaya wag na nating hintayin, okay?

Carlo: Sino nagsabing hihintayin natin siya?! Tara na nga!

 Habang nagba-bike pauwi si Jiselle ay bigla siyang nabangga ng isang magarang kotse.

Jiselle: (Sinubukang tumayo) A-aray. Ano ba?! Marunong ka bang magmaneho?!

Lumabas sa kotse ang nag-drive. Isang guwapong tsinito na halatang mayaman.

Kenneth: Okay ka lang?

Jiselle: Mukha ba akong okay, ha?! Nabangga mo ako oh. Nasira mo yung bike ko ---!

Kenneth: At nagasgas mo ang kotse ko. Hindi mo ba alam kung gaano kamahal ang magpaayos nito?

Jiselle: Excuse me? Gasgas lang yan! Sino ba ang mas dehado sa atin, ha?!

Kenneth: Okay. Sa'n ka ba pupunta, ihahatid na lang kita.

Jiselle: Wag na! Kaya ko na 'to! (Sinubukang maglakad) Aray.

Nang muntik na siyang matumba ay hinawakan siya ng lalaki at binuhat papasok sa kotse nito.

Ken: Di mo kaya! Ihahatid na kita. Kasya naman tong bike mo sa likod eh.

Jiselle: Teka teka, kidnapper ka noh?! Oh my God! Tulong! Tulong!

Kenneth: Shush! Hoy, tumahimik ka nga! Ikaw na nga tong tinutulungan! Sa'n ka ba nakatira?

Hinatid na ni Ken si Jiselle sa bahay nito.

Kenneth: Parang... alam ko tong bahay na to.

Jiselle: Oo, dahil nagtangka ka nang nakawan ang bahay namin! (Lumabas na sa kotse)

Kenneth: Oh? Kaya mo na ba?

Jiselle: Kaya ko na!

Kenneth: Di ka man lang ba magpapasalamat?

Jiselle: Saan? Sa pangbangga mo sa'kin? Sa pagsakit ng paa ko? Sa pagkasira ng bike ko? Okay, fine. Salamat! Maraming salamat!

Kenneth: Sige, you're welcome!

Jiselle: Presko! Manang Josie! Mang Simon! Nandito na po ako!

Kenneth: See you! (Umalis agad)

Jiselle: See you? Asa.

Matutulog na sana si Jiselle dahil pagod at medyo sumasakit pa rin ang paa. Biglang may nag-text.

Carlo Sungit: Psst.

Jiselle: Ano?

Carlo Sungit: Sungit naman. Galit ka?

Jiselle: Di.

Carlo Sungit: Galit ka eh. :|

Jiselle: Di nga.

Di na nagreply si Carlo. Maya-maya, nang patulog na sana si Jiselle ay biglang may tumawag.

Jiselle: (Inaantok) Hello?

Carlo: Uy, Jiselle!

Jiselle: Carlo?! (Tiningnan ang phone: Carlo Sungit) Bakit ka tumawag?

Carlo: Wala lang. Galit ka ba?

Jiselle: Hindi na nga ako galit!

Carlo: So, nagalit ka nga?

Jiselle: (Pause) Oo na! Sige na!

Carlo: (Longer pause) Sorry.

Biglang hindi nakasagot si Jiselle. Nagulat lang kasi siya dahil hindi naman naging ganito ka-expressive si Carlo.

Carlo: Jiselle? Tulog ka na?

Jiselle: Ah. Hindi. Bakit ka nagso-sorry?

Carlo: Basta, sorry. Kung may nagawa man ako na hindi mo gusto, sorry.

Jiselle: Wala yun. Hindi mo nga alam kung bakit ako nagalit eh.

Carlo: Sorry ulit, ha?

Jiselle: Oo na. Oo na. Wag mo na isipin yun. Actually, may favor sana akong hihilingin sa'yo eh.

Carlo: Ano yun?

Jiselle: Pasundo naman bukas. Nasira bike ko eh --- (Binaba ni Carlo ang phone) Hello? Carlo? Hello?? Hoy!

Natawa lang si Carlo. Trip niyang ibaba ang phone para asarin si Jiselle. Maya-maya ay nagtext na rin siya.

Carlo Sungit: Ayoko nga! Ikaw tong mayaman! May kotse ka kaya! Goodnight! :)

 *Picture ni Jiselle at Carlo (nagkakailangan)  ------------------>

Dare You To Move (Krisjoy)Where stories live. Discover now