Chapter 14: The Other Celebrant

2.2K 20 2
                                    

Flashback

Sunday ng umaga yun. Kahapon, actually, isang araw bago ang birthday ni Carlo. Maagang lumabas ng bahay si Jiselle para mag-bike nang makasalubong niya si Darren. Iiwas na sana siya nang bigla siyang ma-corner nito.

Darren: Jiselle! Jiselle, kausapin mo naman ako.

Jiselle: Darren, wala pa ako sa mood makipag-usap kaya pwede, tumabi ka muna?

Darren: Jiselle. Gusto ko lang naman magpaliwanag sa nangyari eh. Ang totoo niyan, ako talaga ang may kasalanan kaya ako ang dapat mag-sorry sa’yo.

Jiselle: Anong kasalanan?

Darren: Kasi sa akin talaga galing yung mga roses at regalong natatanggap ni Lianne. Nasabi ko kasi sa kanya na kay Carlo galing yung mga yun kaya ayun, nadamay siya. Pero maniwala ka, hindi gusto ni Carlo si Lianne. Ikaw lang naman ang gusto nun eh.

Jiselle: Ha?!

Darren: Ahh, wala. Ang sabi ko, bukas! Oo, bukas na ang birthday ni Carlo kaya patawarin mo na kami. Please?

Jiselle: Kung di ko lang kayo kaibigan, matagal ko na kayong inupakan!

Darren: Eh inuupakan mo pa rin naman kami kahit na kaibigan mo kami eh!

Jiselle: Tse!

Darren: So ano? Bati na tayo? Ayiie, bati na kami.

Jiselle: Pero kapag nanloko at inulit niyo pa ‘yan, lagot kayo sa’kin!

Darren: Yes Ma’am! Oo nga pala, bakit ka ba nagalit? Hanggang ngayon ba, gusto mo pa rin si Carlo? Aminin mo!

Jiselle: Siraulo! Kaibigan ko kayo noh! Hindi niyo kaya shinare sa’kin yung mga plano niyo, nakakainis!

Darren: Hahaha! Sorry Ma’am! Teka, may regalo ka na ba para bukas?

Jiselle: Wala pa, bakit?

Darren: Alam ko kung ano yung gustong matanggap ni Carlo.Taralets!

Nagpunta sa mall ang dalawa at binili ni Jiselle ang couple watch na sinuggest ni Darren.

Jiselle: Teka, Darren. Sigurado ka bang ito yung gustong matanggap ni Carlo?

Darren: Oo nga! Ilang beses ko ba uulitin?! Tsaka, plano nga nyang ibigay yung pair sayo eh. Hahaha!

Jiselle: Bakit naman? May gusto ba sa’kin yun?

Darren: Malay mo. Kaya suotin mo na lang.

Jiselle: Sige. Pero, Darren. Ikaw na magbigay sa kanya nyan ah. Nahihiya kasi ako eh. Tsaka baka pag nakita niyang suot ko yung pair, mag-feeling na naman.

Darren: Bakit? Hindi nga ba?

Jiselle: Tse. Basta, ikaw na bahal dyan ah! Sa uwian mo na ibigay.

Darren: Yes, Ma’am!

End of Flashback

Carlo: So ganun? Sinabi ni Darren sa’yo na gustong-gusto ko tong limited edition couple watch na ‘to.

Jiselle: Ganun na nga.

Carlo: At suot mo ‘yan kasi gusto mo rin ako?

Jiselle: Hindi noh! Suot ko ‘to kasi ako ang bumili niyan! At least maramdaman ko rin kung gaano kamahal yan noh!

Carlo: Sus, kunwari pa.

Jiselle: Alam mo, gabi na. Umuwi ka na.

Carlo: Tinataboy mo naman ako agad. Ngayon na nga lang tayo nakapag-usap…

Dare You To Move (Krisjoy)Where stories live. Discover now