Chapter 38: The Almost Perfect Relationship

1.8K 21 20
                                    

Kenneth's POV

Ano raw? Yes? Tama ba ang rinig ko?!

Kenneth: A-anong sabi mo? Y-yes?

Jiselle: Yes.

Kenneth: So.. Meaning..

Jiselle: Payag na akong maging tayo.

Kenneth: Teka, baka nagbibiro ka lang. Hindi naman kita minamadali eh.

Jiselle: Ken, you've waited long enough. Sa tingin ko rin, it's time. Oras na para magmahal naman ako ulit.

Kenneth: Di mo na ba babawiin yan? Totoo ba yan, Jiselle?

Jiselle: Yes.

Niyakap ko si Jiselle. This is the best moment of my life. Sinagot ako ng taong mahal ko. Ng taong hindi ko inakalang mamahalin din ako. As of now, months na ang dumaan mula nang maging kami. Ang gusto ko kay Jiselle, sobrang kalmado siya sa pagdadala ng relasyon namin. Hindi siya mahigpit, hindi niya ako pinagbabawalan, sobrang understanding niya. Minsan, ako na nga 'tong nagtatampo kasi parang hinahayaan niya lang ako. Ni hindi ko siya nakikitaan ng selos. Hahaha! Pero alam niyo, kahit ganun siya, ito na ang perfect relationship para sa'kin. Having her with me is the most important thing. Wala na akong hihingin pang iba.

End of Kenneth's POV

Graduating na sa College sina Lianne, Jiselle at Kenneth. As usual, sila-sila pa rin ang magkakasama. After ng work, sinusundo sila ni Darren. Siya naman daw ang magsusundo sa kanila since almost 4 years na silang hinahatid pauwi ni Kenneth.

Jiselle: Dapat lang noh! Ilang beses na tayong hinahatid nitong si Ken.

Lianne: Naks, pinagtatanggol!

Jiselle: Che. Hahaha! Ang tagal naman niyang boypren mo! Magsisimula na yung program namin.

Lianne: Onga eh. Malapit na raw sya. Traffic daw sa may Nagtahan eh.

Kenneth: Sel, magsisimula na ata.

Jiselle: Lianne, pakisabi na lang kay Darren na mauna na kami.

Lianne: O sige sige, bilisan niyo baka ma-late pa kayo.

Tumatakbo na si Kenneth at Jiselle. Holding hands pa sila. Hindi na nila ito namamalayan dahil normal na ito sa kanila. Nagsimula na ang program. Gumraduate na Cum Laude si Kenneth. Masayang-masaya si Jiselle para sa boyfriend pero naaalala na naman niya si Carlo. Kahit papano, umaasa pa rin siya na sana nandito ito sa isa sa pinakamahalagang event ng buhay niya. Sa wakas ay naka-graduate na siya. Sila. Iniisip na lang niya na kung nasa'n man si Carlo, sana masaya rin ito tulad niya. Pero kahit papano, nakaramdam pa rin siya ng "incompleteness" at "emptiness" tuwing naaalala niya ito. Pagkatapos ng program, nag-celebrate muna ang apat ng magkakaibigan.

Darren: Para sa mga girlfriend na gumraduate na sa wakas!

Lianne: Para sa boyfriend na naging dahilan kung bakit muntik na akong ma-late sa graduation program ko!

Darren: Aruy naman! Sorry na nga eh.

Lianne: Tse!

Kenneth: Hahahaha! Kayo talaga!

Jiselle: Guys. Ano kasi, nag-text si Daddy. May handaan daw sa bahay. Tara?

Darren: Ow, gora!

Lianne: Tara!

Nagpunta na ang apat kina Jiselle. Nagpakain ang Daddy nito. Nandun dina ng pamilya ni Kenneth. As expected, masayang-masaya ang parents nila na sa wakas ay mag-nobyo na ang dalawa. Hindi nila ito minamadali pero nagpaplano na sila sa magiging kasal ng mga ito.

Dare You To Move (Krisjoy)Where stories live. Discover now