Chapter 35: Bittersweet Goodbye

1.8K 23 19
                                    

Darren's POV

Pagkatapos ng mangyari nung Christmas eve na yun, hindi na nagpakita ulit si Carlo kay Jiselle. Hindi ko alam kung anong iniisip niya dahil hindi na kami nag-uusap tungkol dun. Wala na ring communication si Jiselle at Carlo. Halos araw-araw kaming pumupunta ni Lianne kina Carlo. Minsan, ako lang mag-isa. Ayoko naman na isipin ni Jiselle na kinakampihan ko si Carlo pero sa tingin ko kasi, siya ang mas nangangailangan ng kasama ngayon. One week na rin ang lumipas, pasukan na nina Lianne. Medyo malayo pa ang pasukan namin kaya niyaya ko muna si Carlong mag-basketball, tambay lang.

Carlo: Hoy, Darren! Bilisan mo nga!

Darren: Teka, sandali!

Carlo: Ikaw tong nagyayaya, ikaw pa mabagal!

Darren: Oo na. Eto na nga, eto na.

Nag-basketball na kami ni Carlo sa gym ng Westville University, ang dati naming school. Medyo nakaka-miss din, tagal na rin naming hindi nakapaglaro rito. Napapansin ko na medyo wala pa rin sa kondisyon si Carlo para maglaro. Sumasablay na yung mga tira niya. Hindi ito ung Carlong kilala ko. Alam ko marami pa rin siyang iniisip pero natatakot akong magtanong sa kanya. Nalulungkot ako sa nangyayari sa kanila ni Jiselle. We've been friends for so long, at sa isang iglap, mawawala na lang lahat ng yun.

Darren: Okay ka lang ba?

Carlo: Oo naman.

Darren: Wala ka pang nasho-shoot.

Carlo: Masakit lang ata yung braso ko.

Maya-maya, may dumating na hindi namin inaasahan. Si Jiselle!

Darren: Jiselle.

Tinawag ko siya. Nawala sa isip ko na kasama ko si Carlo. Pupuntahan ko na sana siya nang biglang may sumunod sa kanya - si Kenneth. Magkasama sila.

Jiselle: Darren. (Napatingin kay Carlo) C-carlo...

Darren: Anong ginagawa niyo dito?

Jiselle: Ahh.. Ano kasi.. May pinuntahan lang ako sa office. Sumabay lang ako kay Kenneth since may practice raw sila ngayon.

Darren: Ganun ba? Naglaro kasi kami.

Kenneth: Tara, laro muna tayo habang wala pa yung iba.

Darren: Sige. Ayos! Okay lang ba sa'yo, Carlo?

Carlo: Kayo na lang muna. Medyo pagod na ako eh.

Kenneth: Carlo, alam kong marami tayong dapat pag-usapan pero ---

Carlo: Naiintindihan ko na. Tama na. Alam ko na. Please? Tama na.

Darren: Sa'n ka pupunta?

Carlo: Uwi na muna ako. Sige.

Nakayuko lang si Jiselle at sinubukan niyang hawakan si Carlo pero dinaanan lang siya nito. Hinayaan ko ng umalis si Carlo. Baka hindi pa siya handa talaga.

End of Darren's POV

Pagkauwi ni Carlo, napansin niyang may sasakyang nakaparada sa may bahay nila kaya nagmadali siyang pumasok.

Carlo: Nay? Nay, anong meron?

Marlene: Carlo, anak. May naghahanap kasi sa'yo eh.

Carlo: Sino po?

Marlene: Nasa loob sila.

Pumasok na siya sa loob ng bahay nila at nakita niya ang Daddy ni Jiselle.

Carlo: Anong ginagawa nyo rito?

Jeric: Ganyan ka ba tumanggap ng bisita?

Carlo: Anong kailangan niyo? Sabihin nyo na.

Dare You To Move (Krisjoy)Where stories live. Discover now