Chapter 4: Rivalry Begins

2.6K 28 1
                                    

Kinahapunan, sa basketball gym, naglalaro na ang varsity players. Syempre, pinangungunahan sila ni Carlo.

Carlo: Oh sige guys! Break muna.

Biglang lumapit si Kenneth sa kanila. Naka-jersey na ito at suot ang mamahaling rubber shoes.

Kenneth: Pwedeng sumali?

Darren: Oh! May bagong trainee! Buti naman at nadadagdagan na sila!

Kenneth: Wait, trainees?

Jason: Oo Ken. Dadaan muna sa matinding ensayo bago maging varsity.

Kenneth: Eh kaya ko naman eh. Kung gusto niyo, pakitaan ko pa kayo.

Tiningnan siya ng lahat. Syempre, yung iba, ang angas ng tingin sa kanya. Yung iba naman, napabilib sa lakas ng loob niya. Si Carlo naman, walang emosyon ang tingin sa kanya. Sa mga benches naman, na-intriga si Jiselle.

Jiselle: Teka.. si.. si Kenneth yun ah. Anong ginagawa ng mokong na yan dito?

Lianne: Mukhang may balak na sumali sa varsity yung transferee natin ah.

Jasmine (kaklase rin nila): Mukhang may naaamoy akong away ah.

Jiselle: Weh? Ano kayang meron?

Kenneth: Teka, gusto niyo makipag-one-on-one pa ako sa isa sa inyo. (Namimili at tinuro si Carlo) Ikaw! Tara, game?

Tumingin lang si Carlo kay Kenneth.

Carlo: Katulad ng sinabi ni Jason, lahat ng gustong maging varsity ay dapat munang maging trainee. Kung ayaw mong sumunod sa rules, makakaalis ka na.

Nagtitinginan na ang ibang players. Napapansin nilang medyo nagbabago na ang timpla ni Carlo. Nang tumalikod si Carlo..

Kenneth: Eh takot ka pala eh!

Humarap ulit si Carlo at kitang-kita na napipikon na siya kay Ken.

Darren: (Pinigilan si Carlo) Pre, wag. Wag mo nang patulan yan.

Binato ni Ken kay Carlo ang bola.

Kenneth: Oh ano? Game?

Sumugod agad si Carlo. Naglaro sila at halatang-halata na hirap na hirap si Ken sa pagdepensa. Marunong si Ken mag-basketball pero di kasing galing ni Carlo. Natapos ang one on one nila sa score na 15-4. Si huling shot ni Carlo, lay-up, ay napatumba niya si Ken.

Carlo: Sabi ko sa'yo, lahat ng gustong maging varsity ay dapat munang maging trainee. See you on Wednesday, team.

Kinuha ni Carlo ang gamit at agad lumabas ng gym. Hindi pa rin tumatayo si Kenneth. Nagulat din sya at medyo nahiya. Pero nakangiti pa rin siya nang pinatayo siya nina Jason.

Jason: Sabi ko naman sa'yo mag-train ka muna eh.

Kenneth: Okay lang. Gusto ko lang talaga siyang makalaro. (Habang nakangiti)

Jiselle: Carlo! Hoy, hintay!

Carlo: (Huminto at lumingon kay Jiselle) Ano na naman?

Jiselle: Teka, bakit ba ang sungit mo na naman?

Tahimik lang si Carlo.

Jiselle: Tska bakit mo naman pinatulan yun? Sa bagay, ang angas nung Ken na yun.

Carlo: Classmate mo pala siya.

Jiselle: Ha? Ahh, oo.

Carlo: Uuwi na ako.

Jiselle: Ha? Eh pa'no si Darren? Hintayin na natin yun!

Carlo: Nung isang araw, ikaw tong nang-iwan tapos..

Dare You To Move (Krisjoy)Where stories live. Discover now