Chapter 3: The New Boy

2.7K 27 0
                                    

Late nagising si Jiselle at napansin niyang nawawala ang ID niya.

Jiselle: Manang Josie? Nakita niyo po ba yung ID ko?

Manang Josie: Ay hindi po, Ma'am. Wala po akong napansin na suot-suot niyong ID pagkauwi nyo. Akala ko po nasa bag niyo lang. Okay na po ba paa nyo?

Jiselle: Medyo okay na rin. Hala! Nasa'n na kaya yun?! :((

Mang Simon: Ma'am, tara na po. Baka po ma-late pa kayo.

Dingdong! Dingdong! May nag-dodoorbell sa gate nila.

Mang Simon: Ma'am Jiselle! Si Carlo po nasa labas!

Jiselle: Si Carlo? Akala ko ba... (Lumabas na ng bahay)

Carlo: Ang tagal mo naman! Kanina pa kaya ako nandito.

Jiselle: Sorry, sorry. Ahh, Mang Simon, sasabay na lang po ako kay Carlo.

Mang Simon: Sige Ma'am. Ingat po! Carlo, ingatan mo 'tong Ma'am namin ah.

Carlo: Akong bahala. Una na po kami.

Umangkas na si Jiselle sa bike ni Carlo. Ang upuan sa likod (kung saan nakaupo si Jiselle) ay pinagawa talaga ni Carlo 2 years ago para maangkas din si Jiselle nang magka-fracture ang paa nito.

Carlo: Grabe, ang bigat mo na talaga!

Jiselle: Sobra ka! Ibaba mo na nga lang ako!

Carlo: (Hinawakan ang kamay ni Jiselle) Kumapit kang mahigpit. Wag kang bibitaw.

Nagulat si Jiselle kaya napayakap na siya sa likod ni Carlo.

Jiselle: (Sa sarili) Naaalala ko 'tong moments na 'to. Akala ko, di na mauulit. Walang pinagbago si Carlo. Mapang-asar, masungit at tahimik pa rin siya. Pero siya ang kauna-unahang lalaking nagpakita ng halaga ko. Hindi niya ako iniiwan kahit inaaway ko siya.

Nagmo-moment na sana si Jiselle nang biglang may sumalubong na kotse at muntik na silang mabangga.

Jiselle: Parang.. Kilala ko 'tong kotseng 'to.

Binaba ng nag-drive ang window at tama nga si Jiselle. Ito ang bumangga sa kanya kahapon.

Jiselle: Ikaw na naman?! Stalker ka ba?

Kenneth: Easy. Pupunta na sana ako sa inyo, Ms. Jiselle Anne Chua.

Jiselle: Teka, pano mo ---

Kenneth: Sa'yo 'to di ba, Ms. Chua? (Hawak-hawak ang ID ni Jiselle)

Jiselle: Akin na 'yan! Akin na, sabi!

Kenneth: (Tumingin kay Carlo) Sorry pre ah. May atraso kasi 'tong girlfriend mo sa'kin eh.

Jiselle: (Namumula) Hi-hindi niya ako girlfriend.

Carlo: (Tumingin kay Jiselle tapos tiningnan si Ken) Ibalik mo na lang yung ID niya. Nagmamadali kami.

Kenneth: Okay. Oh, catch!

Nakuha na ni Jiselle ang ID at agad sinuot. Umalis na rin si Ken at sumakay ulit si Jiselle sa bike.

Carlo: Sino yun? Pano kayo nagkakilala?

Jiselle: Yun?! Naku, yun yung nakabundol sa akin kahapon at nakasira ng bike ko!

Tumingin lang si Carlo kay Jiselle.

Pumasok na si Jiselle sa room. As usual, late na naman siya. Si Carlo kasi, kahit ma-late ay okay lang sa teachers.

Mrs. Tabarucha: Oh, Ms. Chua. Mabuti naman at nandito ka na.

Jiselle: Good Morning Ma'am, sorry I'm late.

Mrs. Tabarucha: Oh sige, makakaupo ka na.

Jiselle: (Pabulong) Yes!

Mrs. Tabarucha: Nga pala. You have a new seatmate.

Jiselle: Ha? (Sa sarili) Seatmate? Kaya nga doon ako umupo para solo ko eh!

Kenneth: Hi, Ms. Chua!

Jiselle: (Nagulat) I-ikaw?!

Pang-asar na tumungo si Ken. Inis namang umupo sa tabi niya si Jiselle.

Kenneth: Kapag minamalas naman oh.

Jiselle: Hoy, Mister ---

Kenneth: Go. Kenneth Go. You can call me Ken for short.

Jiselle: Kung sino ka man! Kung may minamalas sa ating dalawa, ako yun. Ang yabang!

Kenneth: Hahahaha!

Mabilis nagkaroon ng kaibigan si Kenneth sa bago niyang school. Ang presko niya at ang dami kaagad ng nagkakagusto sa kanya. Lumipas ang ilang araw at linggo, kumakalat na rin ang bali-balita na nakahanap na ng karibal sa kasikatan si Carlo Ramirez. Ang iba ay mas gusto na si Kenneth dahil namamansin at nakikipagkaibigan ito unlike Carlo na suplado. Isang hapon ay napadaan si Kenneth sa corridor ng Seniors kasama si Jason na kaklase niya.

Student 1: Siya ba yung Ken Go?

Student 2: Oo, ng 3B? Ang gwapo!

Student 3: Ay naku! Mas gwapo pa rin si Papa Carlo ko!

Narinig ito ni Kenneth kaya tinanong niya si Jason.

Kenneth: Jason, sino yung Carlo?

Jason: Ahh, si Carlo? Senior yun. 4A. Matalino tsaka ang galing nun magbasketball. Siya yung pinakasikat na estudyante dito sa Westville. Siya yung bestfriend ni Jiselle!

Nagflashback kay Ken ang pangyayari nung binalik niya kay Jiselle ang ID nito. Naalala niya yung kasama nitong lalaki na napagkamalan niyang boyfriend nito.

Kenneth: Ahh. Siya pala si Carlo.

*Picture ni Kenneth Dave Go, ang new boy in Westville. ------------------------->

Dare You To Move (Krisjoy)Where stories live. Discover now