Chapter 45: The Last Goodbye

1.8K 23 12
                                    

Carlo's POV

Pagkarating sa bahay, nagsimula na akong mag-impake. 1 week lang ang stay ko rito pero ang dami ng nangyari. Tiningnan ko yung room ko, mula sa higaan, sa kabinet, bintana, kisame, pintuan. Mami-miss ko ang itsura nito. Kung matuloy man yung plano ko, hindi ko na mababalikan pa 'tong kwarto ko. Tinago ko na rin sa mga boxes yung mga binigay sa'kin ni Jiselle. Hindi ko na lang dadalhin, mas lalo akong magmumukhang kawawa. Isang bagay lang ang gusto kong dalhin na nagpapaalala sa kanya sa'kin --- yung singsing. Binalik niya sa'kin yung singsing na bigay ko sa kanya nung araw na binasa namin yung sulat. Pero again, binalik ko ulit sa kanya yun. Binigay ko un sa kanya at para sa kanya yun. Tanda yun na minahal ko sya at minahal niya rin ako. Habang nagliligpit ako, nilapitan ako ni Nanay at niyakap niya ako sa likod.

Marlene: Sigurado ka na ba, anak?

Carlo: Nay. Sinabi ko naman po diba, nagbakasyon lang po ako. Kailangan ko pong kumita, kailangan ko ng trabaho.

Marlene: Pero kailangan kita dito. Kailangan ka ni Nanay.

Carlo: Nay.. Ang hirap po kasi.. Gumalaw dito.. Limitado.. Parang wala akong karapatan.. Mas -- mas okay po siguro kung umalis na lang ako. Kasi.. parang.. hindi na ako tanggap dito eh.

Marlene: Carlo. Wag mong isipin yan. Nandito ako. Nandito kami.

Carlo: Pero kailangan ko pong hanapin yung sarili ko. Yung dating ako. Yung ako na nawala nung umalis ako. Yung ako na kilala niyo at minahal niyo. Yung dating Carlo.

Nang sabihin ko yun, niyakap ulit ako ni Nanay ng mas mahigpit. Dun, na-realize niya na desidido akong umalis. Alam niya na ito ang makakabuti sa'kin.

End of Carlo's POV

Jiselle's POV

On the way na kami ni Kenneth sa airport. Tina-try kong tawagan sila Lianne at Darren pero wala ni isa sa kanila ang gustong sumagot ng tawag ko. Naalala ko ung pasalubong na bigay niya sa akin kanina. Nakalagay pa sa isang box. Binuksan ko yung box at nagulat ako kasi nandun yung singsing niya. Nasa box rin yung necklace na binigay niya sa'kin, pati yung lumang cellphone niya, ang wrapper ng paborito naming junkfood, label ng paborito kong perfume, at kung anu-ano pang bagay na nag-uugnay sa amin. May sulat rin na nakalagay kaya binasa ko.

Jiselle,

Siguro, pag nabasa mo na 'to, nakaalis na ako. Sorry kung hindi ako nakapagpaalam. Sorry kung.. aalis na naman ako. Sa tingin ko kasi, yun yung tama. This time, aalis ako para sa sarili ko and not for any reason. I'm sorry. Sorry kasi alam kong ginulo ko lang yung buhay mo nung bumalik ako. Hindi ko naman intensyon yun eh. Ang gusto ko lang, makita ka ulit, makasama. Akala ko kasi... okay na. Akala ko, tanggap ko na. Pero hindi pa rin. Sorry, kung hindi ako naging totoo sa sarili ko. Sorry kung naging mahina ako. Sana.. maging masaya ka. You deserved to be happy. Kasama ng sulat na 'to lahat ng bagay na nagpapaalala sa akin sa'yo. Yung singsing.. I think I don't have the right to have it anymore kasi may iba na eh. Yung singsing mo naman, matagal ng nawala ang purpose niya mula nung iniwan kita. Maybe it's time for them go to their real owners. It hurts, pero yun yung totoo. It hurts pero sana balang-araw, pag nagkita tayo, wala na yung sakit, wala na yung nakaraan. Goodbye, Jiselle.

For the Last time,

Bebe Boy

Siraulo ka talaga, Carlo! Kahit kailan, lagi mo na lang ako pinamimigay! Nakakainis ka! Hindi ko na mapigilang umiyak. Hindi ko inakala na mangyayari 'to. Hindi ko inakala na gagawin ko 'to. Dati, nung umalis siya, nagmukmok lang ako buong araw sa kwarto. Wala akong lakas na pigilan siya. Hindi ko ini-expect na ngayon, heto ako, hinahabol siya. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko pag nagkita kami. Hindi ko rin alam ang gagawin. Ang alam ko lang, gusto ko siyang makita ulit. Gusto ko siyang pigilan dahil hindi ko na kakayanin na mawala ulit siya.

Dare You To Move (Krisjoy)Where stories live. Discover now