Chapter 33: Letting Go

1.8K 23 10
                                    

Carlo's POV

Kahit papano, naha-handle pa rin naman namin ni Jiselle ang relasyon namin. Kahit hindi kami araw-araw nagkikita, sinisiguro kong hindi kami nawawalan ng communication. Wala na rin akong tinatago sa kanya. Kahit yung offer sa'kin dati sa University of Toronto na tinanggihan ko, nasabi ko na rin sa kanya at alam niyo, galit na galit siya sa'kin. Hahaha! Chance ko na raw kasi yun na makapag-aral ng libre at minsan lang dumating ang ganung kalaseng oppurtunity. Ang sabi ko naman, hindi ko kayang i-give up lang ng meron ako ngayon para sa ambisyong yun. Mas gugustuhin ko pang tumigil muna sa pag-aaral kaysa iwan ang mga mahal ko. Hahaha! Naks, corny ba? Pero totoo yun. Mababaliw lang ako dun kakaisip sa kanila, kay Nanay at lalong-lalo na kay Jiselle.

Carlo: Oh, ano, Darren? Okay na ba yan?

Darren: Teka lang naman, Sir!

Carlo: Hahaha. Bilis-bilisan mo! Maya-maya lang susunduin ko na sa kanila si Jiselle!

Darren: Teka naman, excited lang? Eh hindi pa nga nila uwian eh!

Carlo: Kahit na! gusto ko perfect lahat! Mahirap na noh, baka pumalpak na naman!

Darren: (Tumunog ang phone) Teka lang pare. Tumatawag na si Lianne. Hello, Santiago?

Lianne: Ledesma, okay na ba? Uwian na namin.

Darren: HA?! Teka, bakit ang aga naman ata?

Carlo: Uwian na nila?!

Darren: Oo raw. Absent daw kasi yung teacher nila sa last subject.

Carlo: Hala! Sige, bilisan mo dyan!

Darren: Eto na po!

Birthday na naman ngayon ni Jiselle. Ang bilis noh? Parang kailan lang.. Haaay, ang bilis talaga ng panahon. Next month, isi-celebrate na namin ang First Anniversary namin. Excited na ako! Marami akong naiisip na plano para sa Anniversary namin. Naisip kong mag-Baguio kami nina Darren, o kaya pumunta sa Palawan. Naiisip ko pa lang, di na ako makapag-hintay! Pero for the mean time, etong surprise ko muna para sa kanya ang aatupagin ko. Nakapag-ipon na rin kasi ako mula sa trabaho ko. Pinag-ipunan ko talaga 'tong araw na 'to kaya sana magustuhan niya! Kinakabahan tuloy ako, bakit kaya? Siguro papalpak na naman 'to. Hay, wag naman sana. Masundo ko na nga!

End of Carlo's POV

Dumating na sina Jiselle at Lianne sa bahay nila Jiselle. Alam ni Jiselle na may hinahandang plano si Carlo. Sinabi na sa kanya agad ni Carlo para raw wala nang surprise-shock-misunderstandings tulad ng nangyari nung birthday niya. This time, alam nila na may date sila at umuwi siya para makapaghanda. Maya-maya ay susunduin na rin siya ni Carlo. Na-eexcite tuloy siya at kinakabahan din. Maya-maya, biglang may dumating. Akala niya si Carlo kaya nagmadali siyang umabas ng kwarto. Naiwan sa loob si Lianne. Nagulat siya nang makita niya ang Daddy niya.

Jiselle: Dad.

Jeric: Sa'n ka pupunta? Kay Carlo na naman?

Jiselle: Dad?!

Jeric: Di ba sinabi ko na sa'yo na bawal ka ng makipagkita sa lalaking yun?!

Jiselle: Dad, mahal ko siya!

Jeric: Wag na wag mo akong susuwayin kung ayaw mong pati yang nobyo mo, madamay pa!

Jiselle: What do you mean?

Jeric: Sa JM Supermarket nagtatrabaho yang Carlong yan diba?

Nagulat si Jiselle na alam ng Daddy niya kung sa'n nagtatrabaho si Carlo.

Jeric: At nagtitinda ng karinderya ang Nanay niya?

Hindi na nagugustuhan ni Jiselle ang nangyayari. Pina-imbestigahan ng ama niya ang background at personal na buhay ni Carlo.

Dare You To Move (Krisjoy)Where stories live. Discover now