Chapter 29: Arranged Marriage

1.8K 19 5
                                    

Kenneth's POV

Sobrang daming nangyari ngayong summer. Unang-una na ang pagiging conscious ni Mommy. I thought imposible na siyang magkamalay ulit but she did. When I saw her, I hugged her immediately. Akala ko hindi na niya ako mayayakap ulit. I missed her arms, I missed her so much. Nagulat talaga ako, after almost a year mula nang tumigil siyang magsalita, makakausap ko na ulit siya, at sasagot na rin siya sa wakas. Akala ko nananaginip lang ako. Pero there are things na alam kong hindi ko dapat i-open up sa kanya. Tulad ng pagkamatay ni kuya. Nagulat ako na alam niya na may nagugustuhan akong girl. Naririnig daw niya habang nagkukwento ako. This time, I told her she wasn't the one for me at sinabi ko na may bago na akong nililigawan.

Almost end of the summer na. Next week, pasukan na naman at upcoming senior na ako. Excited na ako pumasok pero I can't deny na may part pa rin sa'kin na na-eexcite makita ulit si Jiselle. Siguro hindi na mawawala yun pero this time, sure na ako sa feelings ko para kay Yssa. Kahit graduate na siya, mas matanda ako sa kanya. Kahit na hindi kami ganun na katagal magkakilala, kilalang kilala ko na siya. Mahilig siyang magkwento at super kwela kasama kaya hindi ako nabo-bored. Ako nga 'tong natatahimik kapag kasama ko siya. Actually, never akong nagkwento sa kanya sa Family ko. Hindi ko alam kung bakit pero mas kumportable yata ako dati kay Jiselle kaysa kay Yssa. It's unfair, I know but I can't help it. I hope, I can completely give Yssa my heart.

Dennis: Kenneth, magbihis ka. May pupuntahan tayo.

Kenneth: Sa'n, Dad?

Dennis: It's a secret. I'll tell you on our way.

Kenneth: Is Mom coming too?

Dennis: Of course. Nagbibihis na siya. Bilisan mo na, magga-gabi na.

I was curious. Hindi ko pa nakita si Daddy na ganito ka-excited pwera na lang nung nagising na si Mommy. So nagmadali na akong magpalit at sumakay na sa sasakyan.

Kenneth: Sa'n ba talaga tayo?

Dennis: Dear, naaalala mo ba yung kaibigan kong si Jeric?

Kristene: Si Jeric? Yung asawa niyang si Annabel? Oo, naaalala ko sila.

Dennis: Nakita ko si Jeric last week in Australia. We just chatted for awhile at ayun, nalaman ko na dito rin pala sila nakatira sa Manila.

Kristene: Talaga, eh si Annabel? Nagkabalikan ba sila?

Dennis: Mukhang hindi eh. Never niyang na-mention si Annabel and we only talked for minutes. Nabanggit niya na kasama niya yung anak niya sa Manila and he gave me his address.

Kenneth: Excuse me, Dad. I'm not getting it. Sino sila?

Kristene: Ken anak, nakalimutan mo na ba? You and their daughter used to be playmates. Si Jingjing? Hindi mo na naaalala?

Kenneth: Of course, hindi na. Ang naaalala ko lang, you once told me na naka-arranged marriage na ako. Natatawa nga ako pag naaalala ko yun eh.

Kristene: Natatawa? Eh diba ikaw pa nga ang nagsabing papakasalan mo siya?

Kenneth: Ha? I even said that? Woow! Matinik na pala ako dati pa!

Dennis: This time, you'll meet her again.

Kenneth: Dad, may iba na akong gusto.

Dennis: You're still playing around girls today. When you're old and ready enough, you'll settle down. With her.

Kenneth: Dad, I don't even know who this girl is. It's been years tapos ipagtutulakan niyo ako sa kanya. What if panget siya, or even worse?

Dennis: You'll learn to like her. And what the big deal, you haven't seen her yet! Stop making tose stupid judgments!

Dare You To Move (Krisjoy)Where stories live. Discover now