Chapter 23: Missing You

2K 19 6
                                    

Jiselle's POV

That day is the best day of my life so far. Nung araw na yun, ang dami kong na-realize, ang dami kong na-discover at ang dami kong natutunan. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na si Kenneth si Captain America. Sino ba naman ang mag-aakala eh para kaming aso't pusa kung mag-away. Pero ang hindi ko makalimutan eh yung ginawa ni Carlo para sa akin. Ganun pa rin siya, ganung ganun si Carlo. Kahit na lagi niyang sinasabi na "pasensya na, eto lang nakayanan ko" pero ang totoo niyan, ang mga regalo niya ang pinaka-special na natatanggap ko every year. Kahit sulat lang, umaabot ng 3 pages. Hahaha! Hindi niya alam kung gaano ko naaappreciate yun. Umuwi na si Daddy galing sa Thailand. Ganun pa rin siya, malamig pa rin yung treatment pero medyo nakakapag-usap na kami. Magbabakasyon daw kami sa New York for Christmas at sa pasukan pa ang uwi namin. As usual, hindi ko makakasama sina Carlo sa Christmas vacation.

End of Jiselle's POV

Carlo's POV

Halos 3 weeks nang nasa Amerika si Jiselle. Hindi kami nakakapag-usap, sa facebook lang, minsan. Iba kasi ang oras dun. Kapag umaga dun, gabi rito. Nagtatawagan kami pero minsan kapag tinawagan ko siya, tulog na siya. Kapag siya naman ang tumawag, madaling araw dito. Minsan nga, hindi na ako natutulog kahihintay ng text o tawag niya. Eto siguro ang isa sa mga bagay na nagbago sa aming dalawa. Dati, kapag nasa ibang bansa siya, okay lang kahit di kami magkausap ng isang week. Pero ngayon, araw-araw ko siyang nami-miss. Pasukan na pero wala pa ring balita kay Jiselle. Kailan ba siya uuwi? Nang makarating na kami ni Darren sa school, nagmadali akong pumunta sa room ng 3B.

Darren: Ano bang ginagawa natin dito? Sinabi ko na sa'yo, wala pa nga si Jiselle sa Pilipinas. Diba dinaanan na natin yung bahay nila. Walang tao.

Carlo: Baka naman kasi dumiretso dito eh. Nakausap mo ba si Lianne? Ano sabi niya? Nakapag-usap ba sila ni Jiselle?

Darren: Hindi eh. Hindi na nga kami nag-uusap eh.

Carlo: Ha? Akala ko ba okay kayo? Ang sweet sweet nyo pa nga eh.

Darren: Si Jason kasi.

Carlo: Jason? Ano namang meron kay Jason?

Darren: Nakita ko silang magkasama. Dinadalaw pa siya sa bahay. Kairita diba? Ngayon nararamdaman ko na yung feeling na may karibal.

Carlo: Eh tinanong mo ba? Baka naman na-misinterpret mo lang. Kausapin mo kaya!

Darren: Ewan, bahala na.

Carlo: Lianne!

Nang tawagin ni Carlo si Lianne, nagtago si Darren sa may corner.

Lianne: O, Carlo. Kamusta?

Carlo: Okay lang naman. Si Jiselle ba, may balita ka?

Lianne: Ikaw nga sana tatanungin ko eh. Bigla kasing hindi na nagrereply o tumatawag. Biglaan lang. Nag-aalala na nga ako eh.

Carlo: Ganun ba? Bigla ring nawala yung communication namin eh. Sige, salamat. Pinapasabi pala ni Darren, nami-miss ka na niya.

Lianne: Tss. Hindi ako nami-miss nun. Hindi nga nagpaparamdam yun eh. Pakisabi sa kanya, kung hindi siya magpapakita o hindi niya ako kakausapin within this week, wala na siyang pag-asa!

Carlo: Hahahahaha! Makakarating!

Pumasok na ulit sa room si Lianne. Agad inakbayan ni Darren si Carlo.

Darren: Siraulo ka talaga, bakit mo sinabi yun?

Carlo: Bakit? Hindi ba totoo? Sige, babawiin ko sa kanya.

Dare You To Move (Krisjoy)Where stories live. Discover now