Chapter 9: Daddy's Girl

2.2K 23 1
                                    

Nang magsimula nang dumilim ay napagdesisyunan na nina Jiselle at Kenneth na umuwi.

Jiselle: Nga pala Ken, salamat ah. Sa pagpapaayos ng bike ko.

Kenneth: Gulo mo rin noh? Ikaw kaya ang nagsabing ipaayos ko yan!

Jiselle: Kahit na! Wala naman kasi sa itsura mo ang ipaayos talaga to! Kung ayaw mo, eh di binabawi ko na!

Kenneth: Hahahaha! Joke lang. Salamat din pala ah. Sa pagsama sa akin. So, ano? Ihahatid na kita.

Jiselle: Di! Wag na. Para san pa na binalik mo tong bike ko diba?

Kenneth: Eh gabi na eh.

Jiselle: Wow, concerned?

Kenneth: Di ah. Sige na nga, umuwi ka na!

Jiselle: Napaka-gentleman! Sige, bye!

Kenneth: Hahahaha! Ba-bye.

Nang umalis na si Jiselle at medyo malayo na ay di pa rin umalis sa kinatatayuan niya si Kenneth. Hinintay niya lumiko at di na niya makita si Jiselle.

Kenneth: Ingat.. Jiselle.

Habang papauwi si Jiselle ay chinicheck niya ang phone niya. Wala pa ring text si Carlo. Napagod siya kaka-bike kaya naglakad na lang siya. Nang dumating siya ay nagulat siya nang makita niya si Carlo na nakauspo sa may gate ng bahay nila. Nakayuko ito na parang natutulog.

Jiselle: Carlo? Carlo! Anong ginagawa mo dito? (Habang papalapit siya kay Carlo)

Carlo: (Napatingin kay Jiselle) Jiselle. Nandito ka na pala.

Jiselle: Ano bang ginagawa mo rito? Bakit di ka man lang pumasok?

Carlo: Di na. Hinintay lang naman talaga kita eh.

Jiselle: Hinintay?

Carlo: Oo. Di kasi tayo nakapagkita kanina. Teka, bakit ginabi ka na?

Jiselle: Ahh, kasi ---

Carlo: Di bale, kumain ka na ba?

Jiselle: Teka, bakit ba ang dami mong tanong? Ikaw nga tong di nagrereply, simula kaninang umaga eh!

Carlo: Sorry, na-lowbatt ako eh.

Jiselle: Lowbatt, lowbatt. Palusot.

Carlo: Lowbatt nga, empty na nga eh. Tingnan mo pa. (Pinakita ang phone)

Jiselle: Oh sya, parang ang dami naman niyan! (Turo sa dalang pagkain ni Carlo) Birthday mo? Hahaha!

Carlo: Di. Dumaan ako sa bahay. Eh, naisip ko lang na bumawi sa'yo kaya ayan. Tara, kain tayo!

Jiselle: Sana di mo na lang ako hinintay. Mukhang gutom na gutom ka na eh.

Carlo: Ayaw mo ba akong kasalo?

Jiselle: Sus, nagtampo pa! Teka, baka naman may atay dyan!

Carlo: Walang atay. Sayang effort ko sa pagdala nun, di mo rin kakainin.

Jiselle: Hahaha, sige na nga. Wow, mukhang masarap 'to ah.

Carlo: Syempre, luto ni Nanay yan.

Habang kumakain ay may napansin silang paparating na sasakyan. Nang huminto ito sa gate ay nasilayan nila ang Daddy ni Jiselle.

Jiselle: (Napatayo) Dad. Ahh. Andyan na po pala kayo.

Carlo: Good Evening po.

Binuksan na nina Manang Josie at Mang Simon ang gate at pumasok na ang sasakyan.

Dare You To Move (Krisjoy)Where stories live. Discover now