Chapter 19: Secret Admirer

2K 21 2
                                    

Nagulat si Jiselle sa nabasa niya. Chineck pa niya yung envelope kung may nakasulat kung kanino galing o kung para kanino pero wala talaga.


Jiselle's POV

Captain America? Sino naman 'tong lalaking 'to na nagcodename pa ng Captain America? Hindi kaya si Carlo? Eh bakit pa naman niya gagawin 'tong bagay na 'to eh personal naman siyang nanliligaw. Teka, baka naman nagkamali lang ng lagay yung may-ari ng sulat na 'to. Baka para sa katabi ng locker ko. Hindi naman nakalagay yung pangalan ko sa sulat... Biglang may nagtakip ng mata ko. Tsk, sino na naman kaya 'to?!

Jiselle: Alis! Sino ka ba?! (Tinanggal ang kamay)

Carlo: Aray! Parang nilalambing ka lang eh.

Jiselle: Eh kasi naman!

Carlo: (Hinawakan ang ulo ni Jiselle) Arouch! Ang init nga ng ulo mo!

Jiselle: Carlo...

Carlo: Joke lang, sorry na.

Jiselle: Di. Teka, ngayon ka lang ba?

Carlo: Oo, kararating ko lang. Bakit?

Jiselle: May nakita ka bang pinasok na something sa locker ko? O may nakita ka bang tao na nakatayo malapit dito sa locker ko?

Carlo: Wala naman. Bakit? May nawala ba?

Jiselle: Hindi, wala. Kasi, may letter akong nakita sa loob eh.

Carlo: Letter?

Jiselle: Oo. Teka, baka naman ikaw.

Carlo: Ako? Onga noh, magandang idea yun ah, magaya nga.

Jiselle: Carlo, di ako nakikipagbiruan.

Carlo: Baka naman manliligaw mo yan ha?

Nagtinginan lang kaming dalawa. Manliligaw? Wow ah, haba naman ng hair ko. Pero di pa rin ako naniniwala eh. Feeling ko kasi, nagkamali lang talaga siya ng lagay ng letter. Maya-maya, pumasok na ako ng room at tingnan ko isa-isa ang boys.

Lance: Hi Jiselle!

Jiselle: Hello.

Fred: Jiselle, pa-kopya ng assignment.

Jiselle: Kunin mo sa bag, tinatamad ako eh.

Bryan: Jiselle, palaro ng phone!

Jiselle: Che! Lowbatt!

Wala naman akong napansin na kakaiba sa kanila. Ganun pa rin ang turing nila sa akin at derecho sila makatingin. Gayunpaman, inoobserbahan ko pa rin ang mga tao sa room.

Kenneth: Mukhang maaga ka ah.

Nagulat ako. Parang nagskip yung heartbeat ko. Takte, si Kenneth lang pala.

Jiselle: Oo, bakit? Ngayon ka lang?

Kenneth: Oo eh.

Hindi si Kenneth si Captain America, late siya eh. Di rin naman si Lance o si Fred. Haaay, si Jason kaya? Malabo, sumuko na yun sa'kin.

Jason: Guys! Nood tayo ng Captain America 2!

Si-sino yun?! Si Jason?! Siya si Captain America??!

Jason: Ano guys? Tara!

Kenneth: Ayoko nun, baduy naman nun.

Jason: Astig kaya siya!

Hindi. Pwede ngang si Jason pero parang mali. Bakit naman niya ibubuko yung sarili niya sa'kin eh alam naman niya na nandito ako sa room. Hahahaha. Natatawa ako sa sarili ko. Hindi ko pa nga sure kung para talaga sa'kin yung letter pero ginawa ko ng big deal. Hahahaha!

Dare You To Move (Krisjoy)Where stories live. Discover now