Chapter 10: Darren's Dilemma

2.3K 22 2
                                    

Lumipas na rin ang ilang linggo at araw. Lalong naging close sina Kenneth at Jiselle. Si Carlo at Jiselle naman, ganun pa rin. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin umaamin si Carlo sa kanya. Pero once in a while, kapag tumatakas si Jiselle ay sinusundo at hinahatid siya ni Carlo. Pahirapan pa rin sila ni Darren na itakas si Jiselle dahil sa Daddy nito. Birthday ni Lianne ngayong araw at bilang tradition, nagpapakain siya sa room. Dahil nga sa hindi siya gusto ni Jiselle ay lumabas ng room si Jiselle.

Kenneth: Jiselle! Bakit ka nandito sa labas! Ang daming pagkain dun sa loob oh!

Jiselle: Kayo na lang, hindi ako nagugutom.

Kenneth: Alam mo, hindi kita maintindihan. Close mo naman lahat ng tao sa room pero kay Lianne, parang hindi ko kayo nakikitang nag-uusap.

Jiselle: Eh sa hindi kami close eh.

Kenneth: Hindi close o ayaw mo lang talaga sa kanya?

Jiselle: Alam ko Ken, pumasok ka na nga.

Kenneth: Sa'n ka ba pupunta?

Jiselle: Bakit mo tinatanong?

Kenneth: Syempre, sasamahan kita.

Jiselle: Sigurado ka ba? Alam mo, dumadamoves ka ha. Baka may gusto ka na sa'kin!

Kenneth: Aba! Ang kapal ng mukha! Parang sasamahan ka lang eh!

Alam ni Darren na birthday ni Lianne at dahil nga crush na crush niya ito ay naghanda siya ng regalo para rito. Pumunta siya sa room ng 3B para hanapin si Jiselle at ipaabot ang gift nya.

Darren's POV

Nasa'n na ba yang si Jiselle? Naku naman talaga. Pa'no ko to ibibigay kay Lianne? Sayang naman kung di ko to ibibigay sa kanya. Buti na lang nagtanong ako kay Kenneth kung ano ang hilig at gusto ni Lianne. Mahilig siya sa stuffed toys at roses pati chocolates kaya binili ko lahat ng 'to para sa kanya. Wala naman akong problema sa pera, pero nato-torpe ako sa kanya lalo na kasi si Carlo ang gusto niya. Sikat naman ako sa school pero di kasing sikat ni Carlo. Magaling ako mag-basketball pero di kasing galing ni Carlo. Minsan, nanliliit ako sa kanya. Palagi kasi akong pumapangalawa. Pag walang Carlo, walang Darren. Never atang naging "Darren" lang. Ano ba 'tong iniisip ko? Kaibigan ko si Carlo, actually, parang kuya na nga ang turing ko sa kanya. Kapag hirap siya sa buhay lalo na financially, ako lang ang nalalapitan niya. Dahil doon, malaki ang utang na loob niya sa akin at sa pamilya ko. Sa totoo lang, ako ang may malaking utang na loob sa kanya. Mula nung maging magkaibigan kami, hindi niya ako iniwan. Siya ang nagtatanggol sa akin mula nung mga bata kami at tinutulungan niya ako sa studies ko. Kung wala siya, wala ako ngayon sa kinatatayuan ko. At nangako rin siya sa akin na kahit anong mangyari, hindi niya magugustuhan si Lianne. Dahil mas mahalaga sa kanya ang pagkakaibigan namin.

Naalala ko nung mga bata pa kami. Sa aming dalawa ni Carlo, ako ang unang nagkagusto kay Jiselle. Graduating ata kami nun ng Elementary nung nagparamdam ako sa kanya at umamin na gusto ko siya. Kaso, binasted niya ako. Ang sabi niya sa akin, masyado pa kaming bata at hindi kami bagay. Alam din ni Carlo na gusto ko siya noon, siya pa nga yung tumutulong sa akin na gumawa ng love letters. Pero nung ni-reject ako ni Jiselle, hindi ako satisfied sa reason niya. Alam ko naman na di niya ako gusto. Feeling ko, gusto niya si Carlo kaya kinulit ko siya. Napaamin rin siya, si Carlo nga ang gusto niya. Pero siyempre, ayaw niyang umamin kay Carlo, siya ang babae eh. Mula noon, binaling ko na sa iba ang atensyon ko. Mula noon, kapatid na ang turing ko kay Jiselle. Feel ko nga, gusto rin siya ni Carlo eh. Lalo na ngayon, mukhang dumadamoves na siya kay Jiselle. Tanungin ko kaya? Ako ang kinikilig sa kanila eh! Teka, may papalapit. Si.. Si Lianne!

Dare You To Move (Krisjoy)Where stories live. Discover now