Chapter 36: Starting Over

1.8K 22 9
                                    

Jiselle's POV

Yun na ang huli naming pagkikita. It's been months mula nang umalis si Carlo ng bansa. Akala niyo ba pinigilan ko siya? No. I don't have the right. Hindi tulad ng mga palabas na hinahabol nila yung partner nila and in the end, magkakabalikan sila. I think I don't have that kind of story. Still, may part sa'kin na gusto ko siyang pigilan nung araw na yun pero hindi ko alam kung bakit di ko ginawa. I laid down on my bed all day. Hindi ako pumasok. I wanted to be alone. Gusto kong isipin lahat ng magagandang memories. Lahat ng pagkakataong nakasama ko siya na masaya kami. Gusto kong maalala lahat para kinabukasan, may lakas na ako para tanggapin na wala na talagang pag-asa. Gusto kong umiyak at umiyak hanggang sa maubos ang mga luha ko para wala ng maiwang sakit sa puso ko. Gusto kong ibuhos lahat ng regrets ko nung araw na yun para kinabukasan, okay na lahat. I need to move on. I have to move on. For myself, for him, for everyone around us.

Darren: Jiselle!

Jiselle: Oh, Darren! Nandito ka!

Darren: Syempre naman! Mawawala ba naman ako sa Graduation ng girlfriend ko at bestfriend ko?

Jiselle: Naks. Going strong ah!

Lianne: Going strong?! Eh hindi nga nagpaparamdam yan eh!

Darren: Grabe ka naman, parang isang araw lang. Nakatulog nga po kasi ako!

Lianne: Oo na. Oo na. Excuses!

Jiselle: Hahahah! Kayo talaga! Oh sige, Darren. Una na kami.

Lianne: Magsisimula na ata.

Darren: Sige sige. Pila na kayo.

Then nagsimula na yung program. Hindi ako makapaniwala na ga-graduate na ako. Sa wakas! Naiiyak ako sa dami ng memories namin sa High School. Tama nga yung mga nakatatanda na High School life ang pinaka-memorable part ng buhay. Haaay. Pero alam nyo yung hindi ko malilimutan? Yun yung naging kami ni Carlo. Kahit alam kong imposible, nag-eexpect pa rin ako na darating siya. Na isu-surprise nya ulit ako tulad ng dati. Tulad nung kami pa. Tulad nung nanliligaw pa siya. Tulad nung okay pa ang lahat. Top 10 ako ng batch namin. Naks, nakasama pa ako sa Top-top na 'to. Siguro, naging inspired din ako noon. Si Lianne naman, Salutatorian. Matalino talaga 'tong bestfriend ko eversince. Ang pinagtatakahan ko lang, si Kenneth. Matalino 'to eh, mas matalino pa nga 'to sa'kin. Ewan ko lang kung bakit di siya nakapasok sa Top.

Darren: Naks! Congrats, pare!

Kenneth: Thanks!

Jiselle: Oh, si Yssa?

Kenneth: Ha? Ahh -- wala. Busy ata.

Lianne: Sayang. Akala ko pa naman pupunta siya. Magsi-celebrate pa naman sana tayo oh!

Darren: Tamang tama! Nagyaya si Tita Marlene kanina! Naghanda raw sya para sa'tin! Libre!

Lianne: Talaga?!

Darren: Yun daw eh... kung okay sa inyo. Jiselle...

Jiselle: Ha? Ahh... ano kasi... kasama ko si Daddy eh. Alam nyo naman...

Lianne: Sayang naman.. Oh, ikaw, Kenneth?

Kenneth: Ha? O sige. Sure! Teka, papaalam lang ako.

Lianne: Jiselle, sigurado ka bang uuwi ka na? Sasama naman sila Jas eh. Sila Jason..

Jiselle: Lianne, hindi pa kasi.. alam mo na. Alam ko namang maiintindihan ni Tita Marlene yun eh. Next time na lang.

Darren: Sayang naman. Ngayon na nga lang tayo ulit magkakasama eh. Mula nung umalis si Carlo --

Lianne: Ledesma!

Darren: Whaaat?!

Jiselle: Hahahaha. Okay lang, okay lang. Totoo naman eh. Pasensya na talaga. Babawi ako, promise.

Dare You To Move (Krisjoy)Where stories live. Discover now