Chapter 5: The Poor Prince

2.6K 26 2
                                    

Carlo's POV

Kahapon, nakatanggap ako ng sulat galing sa University of Toronto, ang Top 1 University sa Canada. Nang makita ko yun, initial reaction ko syempre ay masaya. Pero panandalian lang yung ganung saya na naramdaman ko. Napatingin ako sa nanay ko habang nagliligpit siya ng mga damit ko. "Paano na ang nanay ko?" Mag-isa na lang siya dito kung aalis ako. Wala na siyang kasama, wala nang mag-aalaga sa kanya. Tinago ko muna ang pinadalang letter of admission sa drawer ko nang makita ko ang lumang picture namin ni Jiselle at Darren. It's been 10 years nang magkakilala kami ni Jiselle, habang si Darren naman ay kaibigan ko na since 5 years old kami. Sa buong buhay ko, sila lang ang tinuring ko bestfriends. Pero di tulad ko, mayaman sila parehas. Si Jiselle, nag-iisang anak. Half-Chinese rin siya at takot na takot kami sa Daddy nya nung mga bata pa kami. Paano kasi, pahirapan bago siya makagala. Lagi kasi siyang nakakulong lang sa bahay. Napaka-strict ng Daddy niya, hiwalay rin ang parents niya at ever since lumipat sila dito sa Pilipinas ay di na niya nakita pa ang Mommy niya.

Sa aming tatlo, si Darren ang pinaka-swerte. Mayaman na nga, mababait pa ang mga magulang. Lagi siyang nandyan para sa akin kaya minsan, nahihiya na akong humingi ng pabor sa kanya. Masyado kasi siyang mapagbigay sa akin. Ang problema nga lang, napakatamad nitong kaibigan ko. Araw-araw, inaabangan na ako para kumopya ng assignment. Ewan ko nga ba kung paano nakarating ng Senior Year niya tong lokong to. Hahahaha! Pero sa buong buhay ko, di ko pa nakakaaway tong si Darren, ni magtampuhan, hindi pa. Napaka-cool niya kasi at kalmado sa lahat ng bagay.

It's been 2 years ago mula nang ma-fracture ang paa ni Jiselle. Nagba-bike kasi kami noon, tinuturuan namin siya ni Darren. Dahil doon, napagalitan ako ng Daddy niya at pinagbawalan na kami ni Darren na makipagkaibigan sa kanya. Mula noon, hindi na kami nakakapasok ng bahay nila. Dahil doon, nakonsensya ako ng todo at naisip kong gawan ng upuan sa harap ng bike ko para if ever kasama namin siya, iaangkas ko siya. Noong mga panahong yun, naramdaman ko kung gaano kahalaga sa akin si Jiselle. Hindi ko alam pero sa tuwing angkas ko siya at malapit siya sa akin, lumalakas ang tibok ng puso ko. Parang sasabog na. Kaya sa tuwing na-iilang ako, inaaway ko na lang siya para hindi niya mahalata. Gusto ko siyang makita araw-araw pero sa tuwing naalala ko na magkaiba kami ng estado sa buhay, nawawalan ako ng lakas ng loob. Akala ng ibang tao, hindi ako marunong magmahal at wala akong panahon sa pag-ibig. Akala nila, puro aral lang ako at basketball. Napakasungit ko raw at suplado. Ang totoo niyan, hindi lang ako marunong umappreciate ng paghanga nila sa akin. Ang totoo niyan, nahihiya ako sa tuwing may sumusuporta sa akin. Ang totoo niyan, hindi ako marunong mag-express ng totoo kong nararamdaman. Kaya nga siguro hanggang ngayon, hindi alam ni Jiselle kung gaano ko siya ka-mahal.

Noong first day of school at hinamon ko ng pabilisan si Jiselle at muntik ko na siyang hindi makita, parang hihimatayin na ako sa kaba. Akala ko, mafa-fracture na naman siya. Kaya nung makita ko siya, tuwang-tuwa ako na walang nangyaring masama sa kanya. Nung nakita niya akong kasama si Yssa, nilapitan ko siya agad para sabay kaming kumain pero umalis agad siya. Nagseselos kaya siya? Ibig sabihin, gusto niya ako? Imposible, bakit niya ako magugustuhan eh puro pang-aasar lang ang ginagawa ko sa kanya. Pero di ako mapakali, kaya tinext ko siya at tinawagan. First time yun na mag-express ako sa kanya na nag-sosorry ako. Hindi ko siya matiis eh. Ang saya ng feeling na kasama ko siya lalo na nung sinundo ko siya. 6AM pa lang, nasa bahay na nila ako. Kinakabahan nga ako eh. Hanggang sa muntik na kaming mabangga nung lalaking nakabundol at nakasira sa bike niya. Napaka-yabang na lalaki pero mayaman at maporma. Di tulad ko, mga ganoong klaseng lalaki ang nababagay kay Jiselle.

Nagulat ako na nag-aaral din pala yung lalaking yun sa Westville. Kaklase pa raw siya ni Jiselle. Hindi man lang siya na-ikwneto sa akin ni Jiselle, nagkakamabutihan kaya sila? Isang linggo pa lang pero sikat na sikat na siya sa campus. May karibal na raw ako sa popularity. Hindi ako threatened, nakakalungkot lang isipin na mula nang dumating siya, marami na akong naririnig na ayaw sa akin. Bakit kailangan nila akong siraan at kamuhian, eh hindi naman nila ako ganoon ka kilala? Hindi ako natatakot na mawalan ng fans kasi in the first place, wala naman akong nagawa para pasalamatan sila. Nakakalungkot lang na hindi ko naipakita kung gaano ko na-appreciate yun. Ang hirap pala ng feeling na nami-misunderstood ka ng mga tao. Medyo mainit ang ulo ko nun lalo na nang dumating sa basketball practice namin yung lalaking karibal ko raw. Kenneth Go pala ang pangalan niya, half-chinese rin ata tulad ni Jiselle. Hinamon niya ako ng one-on-one. Ayoko ng mga ganito kasi mabilis akong mapikon. Ayokong magyabang pero dahil napuno ako ay tinanggap ko ang hamon niya. Aminado akong marunong siya at may potensyal na maging varsity. Kailangan niya lang talaga ng ensayo.

Hinabol ako ni Jiselle. Di man halata pero deep inside, kinikilig ako. Hinatid ko siya sa bahay at nagmamadali na akong umalis. Gutom na kasi ako at ayoko namang makikain kina Jiselle. Pero mapilit siya kaya kumain na rin ako. Wrong timing kasi ang pagtunog ng tiyan ko eh. Nagkwentuhan kami hanggang sa na-open up ko ang mangyayari kapag naiwan na lang siya sa Westville. Gusto ko sanang sabihin sa kanya ang offer sa akin sa University of Toronto pero di pa naman ako sigurado eh. Gusto ko yung ganoon, yung kaming dalawa lang, nag-uusap, nagkukulitan. Pero ang torpe ko pa rin, di ko pa rin maamin na gusto ko siya. Niyakap ko siya, gustung-gusto ko siyang yakapin kasi alam ko na di magtatagal, ma-mimiss ko rin ang mga yakap na yun. Umuwi ako na iniisip kung paano pag tinggap ko ang offer sa Canada. Pangarap ko rin ang mag-aral dun pero napakarami kong dapat isakripisyo. Sana, sana sa tamang panahon, makapag-desisyon na ako para maging handa ang mga taong iiwan ko.

End of Carlo's POV

*Picture ni Carlo. ----------------->

Dare You To Move (Krisjoy)Where stories live. Discover now