Chapter 43: One More Chance

1.8K 26 10
                                    

Jiselle's POV

Hindi ako makapaniwalang ginawa ni Carlo yun. All this time, naniwala akong kaya siya bumalik para tuparin yung pangako namin. Akala ko, kaya siya bumalik dahil sa'kin. Pero nagkamali ako. Iba pala ang pakay niya - maghiganti. Within this week, makakalabas na raw ng ospital si Daddy. Hindi na namin naasikaso ang kumpanya kaya masama na ang records. Wala pa naman akong alam sa pagpapatakbo nito. Nagsisimula pa lang ako. Pero masaya ako kasi kasama ko na ulit si Mommy at ang kapatid ko. Imagine, almost 20 years? Around 5 or 6 years old pa lang daw ako nang mawalay kami and now, I'm turning 23. Alam ko na mula ngayon, magbabago na ang lahat. Kailangan kong masanay na makasama sila sa bahay. Ito talaga ang lifetime wish ko, ang makita ulit sila and I'm so happy na natutupad na.

Darren: Hmm, Jiselle. Pwede ba kitang makausap?

Jiselle: Ano yun?

Darren: Ahh.. Ano kasi. Nagyaya yung barkada ng reunion. Ano, game ka?

Jiselle: Reunion? Akala ko ba, next year pa? Bakit bigla naman ata silang nagyaya.

Darren: Basta. Ibig kong sabihin, ahh.. ewan. Baka trip lang. Alam mo naman, hehe.

Jiselle: Eh, Darren, alam mo naman na yung mga nangyari diba? Hindi naman siguro tama na mag-reunion at outing pa ako.

Darren: Ano ka ba naman?! Hindi ba perfect timing yun para ma-relieve sa stress?

Jiselle: Eh basta. Hindi ako makakapunta. Teka, kasama ba si Carlo?

Darren: Hmm, most likely. Isa siya sa mga nag-agree eh.

Jiselle: Okay. Hindi talaga ako pupunta.

Darren: Sel naman.

Jiselle: Darren, hindi mo ba naiintindihan ang nangyari? Siya ang dahilan kung bakit muntik na akong mawalan ng ama.

Darren: Pero siya rin ang dahilan kung bakit nagkita na ulit kayo ng Mommy mo.

Jiselle: Anong ibig mong sabihin?

Darren: Jiselle, kilala mo si Carlo. Hindi niya kayang gawin yung binibintang mo. Kung magbago man isip mo, kontakin mo na lang ako.

Hindi na ako nakasagot at umalis na rin si Darren. Ano raw? Si Carlo ang dahilan kung bakit nagkita ulit kami ni Mommy? Pa'nong siya?

End of Jiselle's POV

Friday. Ito ang araw kung kailan mag-aouting sana ang magha-highschool barkada. Naisip nilang mag-camping sa isang tahimik na lugar. Yung tipong adventurous at matatawag nilang solo nila yung lugar tutal marami naman sila. After ilang taon, nagkita-kita ulit silang magkakaibigan. Present sina Tina, Lance, ang dating aso't pusa na sina Jasmine at Jason na ngayo'y lovers na. Hinihintay nalang nina Carlo sina Darren at Lianne.

Lance: Tol! Di mo naman sinabing nakauwi ka na!

Carlo: Hahaha, ganun talaga. Biglaan lang din eh.

Jason: Mga ga'no ka na katagal dito? Dito ka na ba for good?

Carlo: Ahhh.. Mga 1 week pa lang. Hindi eh. Kailangan bumalik -- trabaho.

Jasmine: Sayang naman. Akala ko pa naman, magtatagal ka. Teka, diba birthday mo ngayon?

Tina: Onga pala! Happy birthday, Carlo!

Carlo: Hahaha, naalala niyo pa.

Jason: Oo naman noh! Eh parang holiday sa Westville dati pag birthday mo eh. Hanggang ngayon ata, tradisyon pa rin yun. Hahaha!

Carlo: Sira! Ayan na pala sila eh.

Darren: Pare, pasensya na-late kami.

Carlo: Okay lang. (Tumingin sa paligid) Kayo lang?

Dare You To Move (Krisjoy)Where stories live. Discover now