Chapter 41: Letting Go Again

1.9K 33 23
                                    

Dearest Carlo,

Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip mo at trip mo atang mag-emote ngayon. Hahaha. Pero sige, dahil labs kita, sasakyan ko na lang ang trip mo. Hmmm, ano bang sasabihin ko? First time ko lang kasing gagawin 'to. Alam mo namang hindi ako expressive, hindi rin ako sweet. Sa ating dalawa, ikaw 'tong mahilig sa sulatan. Ewan ko nga kung pa'no mo ako napagtatiyagaan eh. Hahaha! Pero, sorry dun ha? Hayaan mo, mula ngayon, magiging sweet na ako at uulanin kita ng letters and surprises! Naisip ko lang, kailan kaya natin mababasa 'to noh? Sa araw na 'yun, tayo pa kaya? Magkasama pa kaya tayo? Pag iniisip ko yung future, kinakabahan ako. Di ko alam. :(

Alam mo ba kung kailan kita nagustuhan? Yun yung araw na nakilala kita sa lugar na 'to. Lahat kasi ng bata, tinataboy ako. Ikaw lang pati si Darren ang kumausap sa'kin. Tagal na noh? Ang galing kong maglihim diba? Ewan ko lang kung napansin mo yun kasi ang tagal mo ata akong kinonfront. Ikaw ang dahilan kung bakit walang pumapasang manliligaw sa'kin, dahil hinihintay kita. Pero parang wala lang ako sa'yo dati, kaibigan lang ang turing mo sa'kin. Sabi mo dati nung mag-away tayo, hinding-hindi mo ako magugustuhan. Hindi mo ba alam kung gaano kasakit yun? Hindi mo ba alam kung ilang gabi kong iniyakan yun? Minsan, nakakainis ka na kasi eh. Naaalala ko pa kung pa'no mo ako ni-reto kina Jason at sa iba mo pang kaibigan. Masakit yun, yung feeling na pinamimigay ka ng taong mahal mo. Pasalamat ka, mahal kita. Corny, pero totoo. :">

Carlo.... Gustong kong magpasalamat. Sa lahat ng tiis, surprises at sayang binigay mo sa'kin. Hindi mo alam kung gaano ako ka-swerte na ikaw ang boyfriend ko. Alam ko, kahit nahihirapan ka, tinitiis mo para lang magkasama tayo, mag-usap tayo. Salamat sa araw-araw na pagsundo at paghatid. Sa paghihintay sa'kin tuwing lunch at uwian. At lalong-lalo na sa pagtatiyaga mong suyuin ako. Kahit ako yung may kasalanan sa tampuhan natin, ikaw ang nagso-sorry, hinihigitan mo pa lagi yung expectations ko. Alam mo, ikaw ang pinakamahalang tao sa buhay ko ngayon pero dahil dun, araw-araw, natatakot akong mawala ka na lang bigla. May mga bagay kasing alam kong hindi pa natin kayang harapin. Carlo, alam ko pag nabasa mo na 'to, alam mo na yung totoo. May arranged marriage kami ni Kenneth. Yun ang dahilan kung bakit kami laging magkasama at kung bakit madalas siya sa bahay. Pero magtiwala ka sa'kin, kahit di ko kayang sabihin sa'yo, gagawa ako ng paraan para maayos namin ''to. Hindi ako papayag na mawalay sa'yo. Hindi ko kaya yun. Para ka ng system sa buhay ko eh. Pag wala ka, hindi ako magfa-function. Hangga't kaya ko, ipaglalaban kita. Hangga't kaya ko, hindi ako susuko. Sana ganun ka rin. Pasensya ka na. Sana hindi tayo magkahiwalay. Sa mga oras na 'to, kung kailan mo man 'to binabasa, sana mahal mo pa rin ako. Kasi ako.... alam kong hindi ka mapapalitan sa puso ko. Masyado na ata akong madrama. Hayaan na, matagal mo pa namang mababasa ''to eh. Wag mong pagtawanan 'to ah. I love you more each day. I'll love you even if it hurts. I will always do.

- Bebe Girl

Carlo's POV

Mixed emotions ako nung nabasa ko yung sulat niya. Nagpapatawa kasi siya tapos maya-maya, nagiging seryoso. Nakakaiyak isipin na ganun pala niya ako ka-mahal dati. Actually, first time niya akong sulatan. Hindi naman kasi mahilig sa ganito si Jiselle. Hanggang note lang. Para ngang ako yung babae sa'ming dalawa noon eh. Pero nung nabasa ko 'to, nararamdaman ko kung gaano siya kaseryoso. Sinabi niya rin dito ang arranged marriage nila ni Kenneth. Ganun na pala niya katagal tinago yun. Naisip ko, kung ganun niya katagal tinago yung sikretong yun, nahirapan talaga siya. Ako rin naman eh, nagtatago rin sa kanya. Pero alam kong mas mabigat yung sikretong yun. Kung dati pa niya sanang sinabi sa'kin, siguro nagawan pa namin ng paraan para i-save ang relasyon namin. Pero past is past, nasa huli talaga ang pagsisisi.

Jiselle: Tapos ka na?

Carlo: Yep. Ang haba. Atat magsulat?

Jiselle: Sira. Nagugutom ka ba?

Dare You To Move (Krisjoy)Where stories live. Discover now