Chapter 7: Jealousy & Mutual Feelings

2.4K 23 2
                                    

Ginabi ng practice sina Carlo at Darren. Medyo napapa-idlip na rin ang mga tao sa bench, pati na si Jiselle. Tanging ang CFC (Carlo's Fans Club) lang ang active na active, lalo na ang leader nilang si Lianne. Napakatino sanang tao nitong si Lianne kung titingnan mo. Medyo napapraning nga lang kapag kaharap o nakikita si Carlo.

Carlo: Sige team! That's all for today. See you on Friday.

Darren: (Umakbay kay Carlo na parang hingal na hingal) Grabe ka pre, binubugbog mo naman kami!

Carlo: Alam mo namang malapit na ang Opening. Kailangan handa tayo sa first game para tuloy-tuloy tayong motivated.

Darren: Oo na, oo na. Tingnan mo nga naman. Pati tong si Jiselle eh nakatulog na kakahintay.

Tumingin si Carlo kay Jiselle at natawa. Kaya nilapitan na nila ito.

Lianne: (Habang nakatingin kay Carlo) Ji-Jiselle! Jiselle, gising! Tapos na practice nila.

Jiselle: Ha? Ahh. Nakatulog pala ako.

Carlo: Jiselle! Tara na. Uwi na tayo!

Lianne: Ahhmm. Hi, Carlo! Nice game ah.

Carlo: Ikaw si.. Lianne diba?

Lianne: Ah, oo. Buti naman kilala mo ako.

Carlo: Ha? Ah, it's nice to finally meet you. (Inabot ang kamay para makipag-shake hands)

Lianne: (Nagulat at natulala, saka naman inabot ang kamay) Nice meeting you rin.

Habang nagkamayan ang dalawa at nagtitinginan, nakatingin naman sa kanila sina Jiselle at Darren.

Darren: Ahhh, Lianne! Hello!

Lianne: Uy, Darren! Galing mo kanina ah!

Darren: (Napakamot sa ulo) Yun? Sus, wala yun! Hahahaha!

Nairita naman si Jiselle. Nawala kasi sa kanya ang atensyon ng dalawang kaibigan. Siya, na naghintay sa kanila hanggang sa matapos ang practice. Kahit nakatulog siya, hahaha!

Jiselle: (Tumayo sa bench at kinuha ang gamit) Akala ko ba uuwi na? Magtatagal pa ba kayo?

Carlo: Ah, hindi. Sige, Lianne. Una na kami. Gabi na rin kasi.

Lianne: Ahh, sige. Ingat kayo! Jiselle, thank you!

Darren: Bye, Lianne! Ingat ka rin!

Lianne: Bye, salamat!

Dire-diretso si Jiselle sa paglabas ng gym. Sinundan naman siya agad ni Darren.

Darren: Naks, walk-out? Selos din ang peg?

Jiselle: Che! Ikaw, tigil-tigilan mo ako, ha?!

Darren: Masama ata gising mo ah, gusto mo ba ulit matulog?!

Jiselle: Di na, uuwi na ako!

Carlo: Tama na yan, umuwi na tayo.

Jiselle: (Pabulong) Uwi raw. Nakikipaglandian.

Carlo: Hoy hoy. Anong malandi sa pag-hi? Ikaw nga tong concerned na concerned sa bipolar mong seatmate eh!

Jiselle: (Lumalapit na kay Carlo) For your information, hindi ako concerned sa kanya!

Carlo: At hindi rin ako nakikipaglandian!

Darren: Onga naman, Jiselle. Tska di papatulan ni Carlo si Lianne noh. Nakareserve na yun! Tsaka tara na nga! Baka mag-wrestling pa kayong dalawa dyan!

Dare You To Move (Krisjoy)Where stories live. Discover now