Chapter 17: Tropang MMDA

2.1K 28 3
                                    

As requested, I dedicate this chapter, Tropang MMDA, to you SimplyJC. Salamat sa pag-appreciate ng Dare You To Move. Sana magustuhan mo hanggang sa huli! :)

__________________________________________________________________________

Lianne's POV

Nagmadali akong lumabas ng World of Fun para maghanap ng CR. Ang sakit na kasi talaga ng tiyan ko. Kaso pinigilan ako ni Darren. Why? Bakit ngayon pa? Wrong timing naman. May sasabihin daw siya? Please bilisan mo, Darren. Kaya lang, BOOM. Hindi ko na napigilan.

Lianne: So-- sorry. Mamaya na lang?

Darren: (Gulat na nagtakip ng ilong) Si-sige. (Binitiwan ang kamay ni Lianne)

Tumakbo na agad ako. Oh My God, nakakahiya yun sobra. Dumiretso na ako sa banyo. Hindi ko mapigilang isipin yung nangyari. Ano nang sasabihin ni Darren, na nakakahiya akong babae? Grabe.

End of Lianne's POV

Darren's POV

Kagabi pa ako nagpa-practice ng sasabihin ko kay Lianne. Hindi ko talaga alam kung paano mag-confess sa kanya. Na-uutal ako pag nakikita ko siya eh. Darren naman, nasa'n na yung killer techniques mo? Kanina, habang nasa World of Fun kami, gumagawa na ako ng paraan para ma-solo si Lianne. 'Tong si Lianne naman kasi, laging nakasunod kay Jiselle. Eh si Jiselle naman, hindi hinihiwalayan ni Carlo. Ako, Forever Alone. Joke, emo mode? Hahaha. Sa wakas ay humiwalay si Lianne sa dalawa kaya sinundan ko siya. Napansin kong nagmamadali siyang lumabas sa World of Fun. Uuwi na kaya siya? Hindi pwede, kailangan ko siyang pigilan. Habang patago ko siyang sinusundan, nagkabanggaan kami. At dahil alam kong malabo na kaming magkaroon ng pagkakataong makapag-usap na kaming dalawa lang, hinawakan ko ang kamay niya. Aamin na sana ako hanggang sa may naamoy kaming kakaiba. Nag-sorry siya at agad umalis. Gets ko na. Magsi-CR pala siya. Hahahahaha! Natawa ako sa nangyari. Siguro nahihiya na siyang harapin ako ngayon. Pero para sa akin, wala lang yun. Natural lang sa tao yun. Pero kakaiba talaga siya. Lalo tuloy akong natuwa sa kanya. Bumalik na lang ako sa loob para talunin si Carlo sa Basketball. 2-2 na kasi kami eh. Hahaha!

End of Darren's POV

Nang bumalik na si Lianne sa WOF, nakaupo na lang sa benches ang tatlo. Napagod sila kakalaro. Tahimik at nahihiyang lumapit si Lianne sa kanila.

Jiselle: Oh. Buti naman bumalik ka na!

Carlo: Oh, tara na sa loob.

Lianne: Hindi pa kayo pagod?

Carlo: Pagod? Tss. Si Darren pagod kahihintay sa'yo. Hahaha!

Darren: Sira.

Nagkahiyaan tuloy ang dalawa.

Jiselle: Oh, tama na. Tara na mag-videoke!

Darren: Asus, makaaya ka parang kakanta ka ah! Gusto mo lang marinig si Carlo kumanta eh!

Jiselle: Che! Manahimik!

Pumasok na ang apat sa videoke room.

Carlo: Oh Darren, kanta na!

Darren: Ayoko, ikaw muna.

Carlo: Aba, bago yan ah! Kapag magkakasama tayo eh di ka maawat sa kakakanta!

Lianne: Yun naman pala eh. Sige na, Darren.

Darren: Ehem. Ehem. (Pinili ang You and Me by Lifehouse)

Jiselle: Wooohoho! Go Darren, go Darren!

Nagsimula nang kumanta si Darren. Simula pa lang, deep inside ay kinikilig na si Lianne. Paano ba naman siya di kikiligin eh sa kanya nakatingin si Darren. Maganda ang boses nito kaya naman hindi mapigilan ni Lianne ang mapangiti. Lalo na sa chorus:

Dare You To Move (Krisjoy)Where stories live. Discover now