Chapter 13: The Confession

2.2K 27 6
                                    

Hindi na makapaghintay si Carlo. Wala siyang pakialam kung sumbatan o saktan pa siya ni Jiselle. Excited na talaga siyang makita ito. Nung papalapit na siya sa bahay nito, napansin niyang may sasakyang pamilyar sa kanya na huminto sa tapat ng bahay nina Jiselle – ang sasakyan ni Kenneth. Hinatid nito si Jiselle. Si Kenneth na naman, siya pala ang kasama ni Jiselle mula nung uwian. Napahinto bigla si Carlo, medyo nabawasan yung excitement niya. Hindi niya kasi maintindihan ang nararamdaman niya nung makita niya na namang magkasama yung dalawa. Napaisip tuloy siya: May gusto rin ba ‘tong si Kenneth kay Jiselle? Pumasok na si Jiselle sa bahay at umalis na si Kenneth.

Jiselle: (Napadungaw sa bintana) Umulan na. Buti na lang nakauwi na ako. (Nakita ang bike ni Carlo) Teka. Manang? Manang Josie? Nandito po ba si Carlo?

Manang Josie: Ma’am? Ay, dumaan po sila kanina nina Darren po. Kaso wala po kayo eh kaya umuwi na po sila. Bakit po?

Jiselle: Hindi eh. Bisikleta ni Carlo yun eh. Bike niya yung nasa labas!

Manang Josie: Po? Hindi pa pala sila umuwi?

Jiselle: (Kumuha ng payong) Teka lang po ahh.

Manang Josie: Ma’am, sa’n po kayo pupunta? Baka lumakas ang ulan!

Lumabas agad si Jiselle. Lumalakas na kasi yung ulan. Sigurado siya sa nakita niya, bike ni Carlo yung nasa labas.

Jiselle’s POV

Buti na lang di ako naabutan ng ulan pero nung sumilip ako sa bintana, nakita ko yung bike ni Carlo. Hindi ako pwedeng magkamali, kay Carlo ang bike na yun! Nandito si Carlo! Pinuntahan niya ako, hinintay niya ako. Hindi na ako nagdalawang-isip na lumabas. Nasa labas siya, alam kong nasa labas siya.

Jiselle: Carlo! Ano bang ginagawa mo rito?! Ang lakas ng ----

Napatigil na lang ako. Nabitawan ko rin ang payong. Nung nakita niya ako, niyakap na lang niya ako agad. Basang-basa siya, hindi ko na alam ang sasabihin.

Carlo: Sorry. I’m so sorry. Sorry talaga, Jiselle. Sorry.

Nagso-sorry siya at naiiyak na ako. Kahit umuulan, nararamdaman kong umiiyak din siya dahil nanginginig sya habang nagsasalita. Hindi niya kailangang mag-sorry. Alam ko na ang lahat. Ako ang dapat magsorry sa kanya. Ako yung naging over-acting. Ako yung nag-judge. At isa pa, wala naman akong karapatang magalit kasi hindi naman kami. Kaya ko lang siya di nilalapitan at kinakausap kasi nahihiya ako sa ginawa ko. Akala ko kasi pagtatawanan niya lang ako. Niyakap ko na rin siya at lalong humigpit ang yakap niya sa’kin.

Manang Josie: Ma’am! Naku, Carlo! Bakit kayo nandyan?! Ang lakas ng ulan! Tara, pumasok na kayo sa loob! Baka magkasakit pa kayo.Tara na!

Manang Josie naman, medyo panira ng moment. Tss. Hahaha. Pumasok na kami sa loob ng bahay. Maya-maya, kinuha ni Manang si Carlo ng t-shirt dahil basing-basa ito. Tumayo ako para magbihis din sa kwarto pero hinawakan niya ang kamay ko kaya napatigil ako.

Carlo: Sa’n ka?

Jiselle: Magbibihis lang. Sa CR ka na magbihis. Dun sa may kanan. Mabilis lang ako.

Ngumiti si Carlo at binitiwan na ako. Kinuha na rin niya ang t-shirt at pumunta sa banyo. Nagmadali akong magbihis. Naghilamos, nag-ayos, nagpabango. Iba na ang prepared. Baka mamaya, pagtawanan pa niya ako. Pero napaka-sincere ng sorry niya kanina. Akala ko sa movies lang nangyayari yung mga ganun. Ang sweet lang. May tinatago rin pa lang ka-sweetan tong mokong na ‘to. 

Carlo: (Kumatok) Jiselle? Tapos ka na ba?

Jiselle: Sandali lang! (Binuksan agad ang pinto) Oh?

Carlo: Ka-kasi, kakain na raw sabi ni Manang.

Dare You To Move (Krisjoy)Where stories live. Discover now