Chapter 6: The Past

2.5K 26 1
                                    

Halos 11pm na nang makauwi si Kenneth sa bahay nila.

Manang Tessa: Sir! Naku, sir! Napa'no po kayo?

Ken: Wala 'to, Manang. Pakikuha na lang ng ice tsaka, araaaay!

Manang Tessa: Oh sige sir. Maupo na muna kayo. Dahan-dahan. Giinaaa! Obet! Issiiiing! Magdala kayo ng ice at betadine at alcohol! Dalian niyo!

Ken: Manang naman. Pasa lang 'to ohh.

Maya-maya ay dumating na ang kasambahay at boy ni Kenneth. Natuwa naman si Ken sa pinapakitang pagmamalasakit ng mga ito sa kanya.

Ising: Naku sir, mabuti nang nakakasiguro!

Gina: Ang dami naman po nito sir. Napaaway po ba kayo?

Ken: Hahaha! Hindi po, nagbasketball po kasi ako.

Obet: Basketball? Nag-babasketball po ulit kayo?

Ken: Ha? Ahh, sinubukan ko lang ulit kung marunong pa ako. Ang tagal na rin kasi.

Maya-maya ay may narinig silang busina ng kotse.

Obet: Sir! Nandyan na po si Sir! Si Sir Dennis po!

Nagmamadaling magligpit ang lahat. Pati si Kenneth ay nagpa-panic sa pagtatago. Sa tuwing lumilipat kasi siya sa bagong school, wala pang isang buwan, it's either napapaaway siya o umuuwi na ng umaga. This time, di na niya alam kung ano ang ia-alibi.

Ken: Manang! Dali! Itago niyo ako!

Naririnig na nila na papalapit na sa pinto si Mr. Dennis Go. Pagkabukas ng pinto...

Manang Tessa: Good Evening, Sir!

Dennis: Evening.

Ising: Sir, kumain na po ba kayo?

Gina: Onga po, sir. Ang sarap po ng niluto namin!

Dennis: Busog ako, thank you.

Obet: Sir, masahe po? Mukhang pagod na pagod kayo eh.

Dennis: Di na, aakyat na ako.

Nakahinga ng maluwag ang apat na kasambahay.

Dennis: (Tumalikod) Nga pala, si Kenneth?

Nagkatinginan ang apat. Nagtutulakan kung sino ang sasagot.

Ising: Ahh-- si.. Si Sir Ken po kasi. Ano...

Manang Tessa: Ah, mali-late raw po siya. Oo, tama. Di'ba? Di'ba?

Gina: Ahhh.. Opo! Tumawag po siya kani-kanina lang. May tatapusin lang daw po siyang group work.

Tumingin si Dennis sa apat na parang nagdududa. Dahil dito, kabado ang apat. Umakyat na rin sa wakas si Dennis at nabunutan ng tinink sina Manang Tessa pati na rin si Ken na nagtatago sa ilalaim ng dining table.

Ken: Bakit niyo naman niyayang kumain? Alam niyo namang nasa ilalim ako ng lamesa nagtatago!

Gina: Sorry po, sir. Wala na kaming ibang naisip na excuse eh.

Ken: Osya! Okay lang yun! Di naman tayo nahuli eh, hiihihi.

Kinabukasan, bakas pa rin ang onting pasa sa noo at braso ni Kenneth. Pagkababa ay nasalubong niya ang kanyang ama sa hapag-kainan.

Dennis: It's always either away o lakwatsa. Now, both? It's been only a week, Kenneth.

Ken: Come on, Dad. I need a break.

Dennis: You've had enough, Kenneth! Wala ka ba talagang ambisyon sa buhay? When will you ever grouw up?

Tahimik lang si Ken.

Dare You To Move (Krisjoy)Where stories live. Discover now