Chapter 28: Start of Something New

1.9K 21 0
                                    

Kenneth’s POV

Kontento na ako na nakasayaw ko si Jiselle at masaya na rin ako na nakapag-usap kami ng maayos. Gusto niya ako, bilang kaibigan, at yun lang ang kaya niya talagang ibigay sa’kin. Panahon na para magmove-on na ako. Ako pa? Ako ang nag-iisang Kenneth Dave Go. Pagkalipas ng ilang araw, gumaling na ang paa ni Carlo at bumalik na siya sa pag-eensayo. Nakakasundo ko na rin siya. Hindi kami ganun kakumportable sa isa’t isa pero alam ko naman na hindi siya galit sa’kin. Minsan nga, tinuturuan pa niya ako at pinapasali niya ako kapag naglalaro sila sa court. Balik din kami sa dati ni Jiselle pero hindi naman basta-basta mawawala yung feelings ko para sakanya. Inuunti-unti ko muna para hindi naman ako ma-praning. Pero inaamin ko na hinahanap-hanap ko pa rin siya at siya pa rin ang tinitibok ng puso ko. Baduy man pero tanggapin niyo na. Hahaha. Finals na pala ng Interschool Basketball Tournament ngayon at kabado kaming lahat!Sanamanalo kami,sanamag-champion kami! Ang totoo niyan, wala naman talaga akong hilig sa basketball. Mas gusto ko pang nasa bahay at naglalaro ng computer games rather than playing basketball outside. Pero dahil na rin kay Jiselle, nagka-interes ako sa larong ‘to. Number 14 pala ang jersey number ko habang 24 si Carlo at 11 naman si Darren.

Carlo: Nininerbyos ka ba?

Kenneth: Medyo. Ikaw?

Carlo: Palagi. Galingan natin.

Kenneth: Goodluck.

Hindi nila ako pinalaro sa First Half at masasabi kong magaling talaga ang kalaban namin. Siguro kung wala si Carlo, hindi ma-momotivate ang team. Magaling talaga siya, hindi ko ‘yun idedeny. Kaya naiinggit ako sa kanya eh. Kabado pa siya sa lagay na ‘yan? Bitch please. Yabang mo, ikaw na! Hahahaha! Hindi magkalayo ang scores, 34-31, lamang kami. Habang Half-time, nagpahinga sila at napansin kong nanginginig ang tuhod ni Carlo kaya nilapitan ko siya.

Kenneth: Pare. Okay ka lang?

Carlo: Okay lang. Kaya ko pa ‘to.

Kenneth: Sigurado ka ba? Baka mapano yan.

Carlo: Wag kang mag-alala. Kaya pa naman.

Coach: Carlo.

Carlo: Coach.

Coach: Magpahinga ka muna.

Carlo: Pero Coach. Malamang babawi sila sa quarter na ‘to.

Coach: Alam ko kaya magpahinga ka muna. Kailangan ng team ng malakas na Carlo. Kung isasalang kita agad, hindi ka lang mapapagod, baka kung ano pang mangyari dyan sa paa mo.

Carlo: Kaya ko, Coach!

Coach: Carlo. Hindi sa bawat oras kaya mo. Mag-ipon ka muna ng lakas. Sasabihin ko kung kailan kita ipapasok. Kenneth, palitan mo muna siya pansamantala.

Kenneth: Opo.

Coach: Pero, Kenneth. Malakas sila, ‘wag mo silang maliitin.

Carlo: Kenneth. Si Jade De Leon, yung number 8. Siya ang bantayan mo. Sigurado akong ipapasok siya ngayon. Sa kanya ibibigay lagi ang bola. Higpitan mo pagbabantay sa kanya, 3-pointer siya.

Kenneth: Sige.

Pinaglaro nila ako ng 3rd Quarter at inaamin kong nanibago ako. Ang lakas ng kalaban namin, naduduling ako sa pasahan nila. Pinasa ang bola kay Jade! Shet, 3-points! Hindi ko siya nabantayan! Tama nga si Carlo, siya ang secret weapon ng team na ‘to! Grrrr. Natapos ang 3rd Quarter sa score na 51-60. Lumamang na sila ng 9points! Nakita ko na ang pananabik sa mga mata ni Carlo na pumasok na sa laro. Ilang segundo pa lang nang mag-umpisa ang 4th Quarter, hinard foul na ng Center ng kabilang team siRoy. Kailangan siyang ilabas at nakita kong pinapasok na ni Coach si Carlo. Naging madugo ang game namin, hindi madaling makipagsabayan sa kanila pero pinilit pa rin namin. Hanga ako kay Carlo, never say die siya. Hindi siya bakaw, nagpapasa rin siya ng bola. Di nagtagal, lumamang na naman kami at natapos ang game sa score na 77-73. Nanalo kami! Champion kami! Hindi ako makapaniwala. Baguhan lang ako sa larong ‘to pero nag-champion ang team namin. Sobrang tuwang-tuwa ako at sa tuwa ko hindi ko napansin na may yumakap sa’kin. Nagulat ako, si Yssa ang yumakap sa’kin, ang babaeng nakasayaw ko nung prom. Nilapitan din ako nina Lianne, Jiselle at iba pang kaibigan ko. Tuwang-tuwa sila. Sa huli, binigay sa amin ang trophy at dineklarang MVP ng taon si Carlo. Deserving naman siya eh. Kahit nagkakaangasan kami, masasabi kong para sa kanya talaga ang karangalang ‘yun.

Dare You To Move (Krisjoy)Where stories live. Discover now