Chapter 31: A Second Chance

1.7K 20 4
                                    

Jiselle's POV

Birthday ngayon ni Carlo. Since busy kami these past few days, na-isip ko na i-surprise siya sa birthday niya. Ilang araw pa bago mag-August 6, nagpaplano na kami. Gusto ko ako naman ang mag-surprise sa kanya kasi lagi namang ako ang sinusurprise niya. Gusto ko, maging special ang araw na yun sa amin. Gusto ko maging perfect lahat. Mahalaga 'tong araw na 'to eh dahil hindi lang niya Birthday 'to. Ito rin ang araw na nag-confess siya sa'kin. Teka, tawagan ko kaya siya. Baka makahalata pa siya eh.

Carlo: Hello?

Jiselle: Hello? Bebeboy! Happy Birthday! Bakit ngayon ka lang sumagot?

Carlo: Sorry, kumakain na kasi ako ng lunch. (Kahit na nag-aayos siya ng mga products sa grocery) Salamat ah.

Jiselle: Nakasampung text na ata ako sa'yo eh. Busy ka pa rin?

Carlo: Hindi, hindi. Okay lang. Ano ba yun?

Jiselle: Ahh... Iniisip ko lang kung magkikita ba tayo?

Carlo: Ha? Ahh, titingnan ko pa eh. Baka kasi pag-overtime-in ako eh.

Jiselle: Birthday na birthday mo ah.

Carlo: Ganun talaga. In demand eh. Hahaha.

Jiselle: Ganun ba? Ahh, sige Carlo, next class na eh. Text na lang mamaya, ha? Love yoo!

Carlo: Love you, Bebegirl!

Buti naman ganun. May oras pa kaming maghanda nina Lianne. Tsk, lowbatt na pala ako! Nakalimutan kong i-charge. Tagal ko kasing nagising eh. Pa'no ko mako-contact si Carlo? Tsk, bahala na mamaya. Ay, nandito na pala si Ma'am.

End of Jiselle's POV

Pagkauwian nila, tuluyan nang na-emptybattery ang phone ni Jiselle.

Jiselle: Tsk. Patay na phone ko! Pa'no ko mako-contact si Carlo? Lianne, pa-text.

Lianne: Sige. Check mo ah. Baka wala na akong load, hindi pa ako nakapag-load eh.

Jiselle: (Hiniram ang phone ni Lianne at tinry mag-text) Ayaw eh. Not enough balance.

Lianne: Naku, sorry. Maki-text na lang tayo sa iba.

Kenneth: Oh, may problema ba kayo?

Jiselle: Ha? Wa-wala. Wala, okay lang kami.

Lianne: Anong okay? Kenneth, please, pwede pa-text kami? Importante lang kasi.

Kenneth: Oh, sure. Eto. (Sabay abot ng Iphone 4S niya kay Lianne)

Biglang may tumawag kay Lianne.. si Darren.

Lianne: Teka lang ah. Hello, Ledesma?

Darren: Santiago! Dali, kailangan niyong pumunta rito. Nagka-problema kasi eh.

Lianne: Ha? Anong nangyari?!

Jiselle: Lianne, anong nangyari? Anong sabi ni Darren?

Lianne: Ano? Nasira yung ibang pan-decorate? Ano ba namang klaseng bantay ka?! (Binaba ang phone)

Jiselle: Anong nasira?

Lianne: Nasira raw yung mga pan-decorate sana. Pinaglaruan daw ng mga bata eh.

Jiselle: O, tara na! Puntahan natin siya!

Kenneth: Teka yung phone ko!

Jiselle: Oh. (Sabay abot sa phone ni Kenneth)

Kenneth: Sa'n ba kayo pupunta?

Jiselle: Wala ka na dun.

Kenneth: Pwede akong makatulong.

Dare You To Move (Krisjoy)Where stories live. Discover now