Chapter 37: Unrequited Love

1.7K 21 5
                                    

Kenneth's POV

Few weeks after ng graduation, Yssa and I find it hard to sustain and maintain our relationship. After what happened to Jiselle and Carlo, natakot ako para sa relasyon namin so I told her everything. As expected, nagulat siya. I also told her about my thing with Jiselle before. Alam ko na confused sya nun at kahit sinabi niya na okay lang, deep inside, alam kong nasaktan siya. Pagkalipas ng ilang araw na hindi kami nagkita at walang communication, we decided to meet-up. The break-up was mutual. I told her I was not strong enough, she told me I was not sure of my feelings. Somehow, totoo yung sinabi niya. Habang kami kasi, concerned pa rin ako kay Jiselle. Alam kong napansin nya yun. Ayokong maging unfair sa kanya dahil minahal niya ako ng buo. I tried my best to save our relationship, I did love her. I really loved her. Pero hindi ako sure kung enough ba yung pagmamahal na yun. So we parted ways. 

Jiselle: Naks. Seryoso ah! Sino yan?

Kenneth: Ha? Wala. Teka, nasa'n na sila Darren?

Jiselle: As usual, late na naman. Haay, dumidilim na! Sigurado, traffic na naman!

Si Jiselle... We are already in our Junior Year. Haay, ang bilis ng panahon noh? Parang kahapon lang, Junior High School students palang kami, ngayon Junior College na. Ang tagal na rin pala. Pero don't get me wrong, hindi kami. Lagi na lang kasi ganyan ang sinasabi ng mga tao pag nakikita nila kaming magkasama. Kung kami na raw ba o kung nanliligaw na raw ba ako. The truth is, hindi. I tried that already and it didn't work out so mas pinili ko kung saan kami magtatagal. Pero hindi ko made-deny na may times na na-iimagine ko na sana kami nga. Na sana kahit konti, magkagusto rin siya sa'kin. Ang totoo kasi niyan, hanggang ngayon, gusto ko pa rin siya. And I admire her more each day. Ewan ko nga ba kung bakit ang lakas ng impact ng babaeng 'to sa'kin. Imagine, 4 years? Ano ba, Kenneth? Di maka-move on?! Hahaha.

Darren: Oh! Sorry pare, ang tagal namin!

Jiselle: Ano na naman kayang rason, pareng Darren?!

Lianne: Sorry guys. Ano kasi...

Kenneth: Ano?

Hindi sumagot si Lianne at nagtutulakan pa sila ni Darren na magsalita.

Jiselle: Ano ba kasi yun?!

Lianne: Sorry ha pero pwede bang hindi muna kami sumabay?

Kenneth: Bakit? Anong problema? Sana nag-text na lang kayo diba?

Lianne: Ano kasi eh...

Jiselle: Ano?

Darren: Magsi-celebrate kasi kami ng anniver ---

Tinakpan ni Lianne ang bibig ni Darren. Ahh.. magsi-celebrate pala sila ng anniversary. Onga pala, birthday ngayon ni Darren at 4th anniversary rin nila. Napatingin ako kay Jiselle. Kaya pala ayaw nilang sabihin dahil alam nila na maaalala na naman ni Jiselle si Carlo.

Jiselle: Bakit, bawal ba kami sumama?

Darren: Hindi naman sa bawal pero.. alam mo na.. gusto sana namin na.. kaming dalawa lang.. alam nyo na yun.

Lianne: Pero okay lang naman talaga na sumama kayo eh. Si Ledesma kasi --

Jiselle: Okay lang! Uuwi na lang kami ni Ken. Una na kayo, gabi na oh.

Lianne: Sigurado ka ba, Sel?

Jiselle: Oo naman.

Nauna na silang umalis. I looked at Jiselle. Alam ko naaalala na naman niya si Carlo pero she still gave me a smile. Hinatid ko na siya sa bahay. Eversince naging magkaklase kami, never na nagkaroon ng away si Jiselle at si Tito Jeric. Halos araw-araw ko kasi siyang hinahatid at alam kong natutuwa yung Daddy nya na nagiging close kami. Pero ayokong mailang si Jiselle at purely friends lang talaga kami.

Dare You To Move (Krisjoy)Where stories live. Discover now