Chapter 15: A New Friend

2.1K 21 5
                                    

Jiselle's POV

Mula nang umamin na si Carlo sa'kin nung gabing yun, panay na ang palitan namin ng text. I mean, nagkaka-text naman kami dati pero ngayon, parang iba na eh. Parang everytime na lang, tumitingin ako sa phone ko. Hahaha. First time? Di rin, may ilan nang nanligaw pero walang pumasa. Wow, proud? NBSB po ako. Hinihintay ko lang kasi si Carlo, joke. Araw-araw, sinusundo niya ako. Buti na lang wala si Daddy. Ang saya pala kapag yung taong gusto mo, gusto ka rin noh? Lagi siyang nagso-sorry sa akin dahil wala raw siyang nagagawang special. Pero ang totoo niyan, lahat ng ginagawa niya sa akin: paghatid, pagsundo, pagsabay sa lunch at paghintay tuwing uwian, sobrang okay na. Walang nagbago sa aming dalawa, hindi kami yung tipong sobrang PDA dahil hindi naman kami at hindi kami sanay sa ganun. Parang dati lang, parang barkada. Ang pinagkaiba lang, alam ko at alam niya na gusto namin ang isa't isa.

Halos dalawang linggo na siyang nanliligaw at unang araw pa lang ay alam na sa campus yun. Ang bilis talaga kumalat ng balita. Hindi lang yun ang balitang kumakalat. Ewan kung totoo pero nagsimulang kumalit ang chismis na nagpapanggap lang raw na mayaman si Lianne. Si Lianne? Maski ako nagulat. Sa'n naman napulot yung balitang yan eh alam naman ng lahat na mayaman ang pamilya niya. Nagsimula na siyang pag-usapan sa batch namin, kahit sa room.

Vanessa: Oh. Nandito na pala ang mahal na prinsesa. Kamusta ang biyahe mula sa kaharian DAW ninyo?

Nagulat ako dun. Pinagtawanan nila si Lianne na dati nilang ka-grupo.  Actually, sa mga sosyalera girls, si Lianne ang pinakamabait. Para ngang naggagamitan lang sila at ngayong nalaman nilang mahirap lang raw si Lianne ay tinataboy na nila ito. Ang sama naman ni Vanessa, hindi naman siya kagandahan, hindi rin naman matalino. Kung makapagsalita naman siya. Nakayuko lang si Lianne nung pumasok sa room, nakatingin ang lahat sa kanya. Tahimik siyang umupo sa upuan niya na katabi ng mga sosyalera girls.

Clarisse: Yuck, wag ka ngang tumabi sa akin.

Maggie: Oo nga. Hindi ka ba nahihiya? Lianne dear, alam na ng buong campus ang sekreto mo kaya ako pa sa'yo mahiya ka naman sa sarili mo!

Vanessa: Girls tama na. Para namang wala tayong pinagsamahan. Tingnan niyo, na-iiyak na siya. Ganito na lang. Lianne, pwede lumipat ka ng upuan? Kasi nangangamoy ka na eh, naligo ka ba?

Tumawa lalo ang mga loka. Ang sarap tirisin isa-isa. Maya-maya lumabas si Lianne ng room. Hindi pa rin sila maawat sa kakatawa. Hindi kinaya ng konsensya ko. Hinabol ko siya. Wala naman ni isa sa room ang umintindi sa kanya.

End of Jiselle's POV

Lianne's POV

Alam na pala ng lahat ang totoo. Pati sa room, unti-unti na nila akong nilalayuan. Ang sobrang ikinalungkot ko lang, pati sina Vanessa ay tinatakwil na rin ako. Sila, na tinuring kong mga kaibigan, sila pa yung malakas mang-asar at mang-api sa akin ngayon. Pinandidiriin nila ako na parang wala kaming pinagsamahan. Hindi ko na napigilan ang sarili ko kaya lumabas ako sa room, umiiyak. Nalaman na ng lahat ang matagal ko nang itinatago. Kahit ako, naiinis sa sarili ko. Kung hindi lang ako mahirap, matatanggap nila ako. Pero ang buong katauhan ko, puro kasinungalingan, puro pagpapanggap. Dati kaming mayaman kaya nasanay ako sa buhay marangya hanggang sa nadawit si Papa sa Pyramid Scam kaya nakakulong siya ngayon. Mahirap lang din silang dalawa ni Mama dati pero dahil masipag si Papa at kung anu-anong trabaho ang pinasukan kaya naiahon niya kami sa hirap. Pero panandalian lang yun. Mula nang makulong si Papa at kinuha ng gobyerno lahat ng ari-arian namin, namasukan si Mama bilang maid ng isang mayamang pamilya. Mabait ang amo niya kaya pinatira niya rin kami ng kapatid kong si Lester sa mansion niya. Mula nun, sinasabi ko sa mga kaibigan ko na apo ako ng amo ni Mama. Hindi ko nga lang alam kung paano nalaman ng iba yun. Maya-maya, unti-unti na akong nahimasmasan at may napansin akong papalapit sa akin.

Dare You To Move (Krisjoy)Where stories live. Discover now