Chapter 18: Codename: Captain America

2.1K 18 1
                                    

Sunday na naman. Balik sa dati ang gawi ng tatlo: ang magsimba ng sabay. This time, apat na sila.

Carlo: Naks. Ano 'to? Accidental or intentional?

Darren: Sira, tara na nga. Malapit na magsimula.

Carlo: Sige, una na kayong pumasok. Hintayin ko pa si Jiselle eh.

Lianne: Yun naman pala eh. Hintayin na rin natin siya. Malapit na raw siya eh.

Darren: Sureness!

Carlo: (Pabulong) Mukhang nagkakamabutihan na kayo ah.

Darren: Ako pa?

Flashback

Habang naglalakad pauwi si Lianne galing sa mall ay may napansin siyang sumusunod sa kanya. Binilisan niya ang lakad niya pero napansin niya na papalapit nang papalapit ito sa kanya. Nang maramdaman niyang nasa may likuran na niya ito ay hinampas niya ito ng bag niya.

Darren: Araaaay!

Lianne: Darren? Ikaw ba yan? Naku, Darren, I'm so sorry.

Darren: Bakit mo naman ako hinampas ng bag?

Lianne: Eh bakit mo naman kasi ako sinusundan?

Darren: Wala. Ihahatid sana kita kasi delikado sa daan ngayon.

Lianne: Eh ikaw nga 'tong napahamak eh.

Darren: Sorry.

Lianne: Masakit ba?

Darren: Hindi. Okay lang. So pano, hatid na kita?

Lianne: Ha? Ano kasi eh...

Darren: Diba sabi mo walking distance lang naman? Tara.

Lianne: Ang totoo kasi niyan, medyo malayo pa eh. Pero sige, mag-tricycle na lang tayo.

Darren: Di, wag na. Lakad na lang. Okay nga yun eh, exercise.

Lianne: Sigurado ka ba?

Darren: Oo naman.

Nagkukwentuhan sila habang naglalakad. Naikwento ni Lianne rito yung pamilya niya, ang estado nila sa buhay pati na rin yung pagpapanggap niya.

Lianne: Oh? Puro ako na nagkwento ah. Ikaw naman.

Darren: Ako? Wala namang interesado sa buhay ko eh. Walang thrill. Hahaha.

Lianne: Hindi naman siguro.

Darren: Pero may isang tao na mahalaga sa'kin.

Lianne: Ta-talaga? Kilala ko ba?

Darren: Oo naman. Kilalang-kilala. Matagal ko na nga siyang crush eh kasi di ko siya malapitan.

Lianne: Bakit naman?

Darren: Kasi iba yung gusto niya eh.

Lianne: Pa-pano mo naman nasabi na iba ang gusto niya. Malay mo, hinihintay ka lang niya umamin diba?

Darren: Teka, kilala mo ba yung tinutukoy ko?

Lianne: Sabi mo kilala ko diba?

Darren: (Hinawakan ang kamay ni Lianne) Lianne. Sorry.

Lianne: Alam mo, puro ka sorry pero hindi mo naman sinasabi kung ----

Darren: I like you. I like you so much.

Lianne: Teka. Sa'yo ba galing yung Teddy bear?

Tumungo lang si Darren.

Lianne: Eh yung Chocolates?

Dare You To Move (Krisjoy)Where stories live. Discover now