Chapter 32: Secrets Revealed

1.9K 25 5
                                    

Ang totoo niyan, madaling patawarin ni Jiselle si Carlo. Mabilis lang mawala ang tampo niya rito. Naisip niya, sa dami ng ginawa ni Carlo na mabuti, isang pagkakamali lang, hahayaan ba niyang masira lang agad? In the first place, magkaibigan din sila, bestfriends.

Carlo: Uy, yan ka na naman eh. Tahimik mo na naman.

Jiselle: Wala, may iniisip lang ako.

Carlo: Pwedeng i-share?

Jiselle: Ayaw. :P

Carlo: Tss. Ganyan ka na ha, gumaganti ka ah!

Jiselle: Nga pala. (May kinuhang box) Happy Birthday!

Carlo: (Natawa) Ano naman 'to?

Jiselle: Yan dapat ibibigay ko nung birthday mo, kaso...

Carlo: O, tama na. Kalimutan na natin yun, please? Kahit ako, ayoko nang maalala yun.

Binuksan ni Carlo ang box. Isang frame ang laman nito... At silang dalawa ang nakalagay rito -- isang charcoal painting nilang dalawa. Sobrang natuwa si Carlo sa regalo ng kasintahan.

Jiselle: Maganda ba?

Carlo: O-o naman! Jiselle, ang ganda nito. Thank you ah. (Tiningnan ang sign ng painter) I-ikaw gumawa nito?

Ngumiti lang si Jiselle.

Carlo: Wow naman. Galing mo talaga! Ikaw na artist!

Jiselle: Itago mo yan ah, pinaghirapan ko yan.

Carlo: Oo naman po. Ito na ang pinaka-importanteng bagay sa buhay ko ngayon!

Jiselle: Nuks! Lakas mang-PR!

Carlo: Totoo kasi yun! Ayaw maniwala! Tsss.

Jiselle: Oo na! Naniniwala na!

Kiniliti ni Carlo si Jiselle at nagkukulitan na naman sila. Balik sila sa dati as if walang nangyari. Kahit naman sino pa ang magsabi, magkaibigan sila dati pa kaya kahit mag-away pa sila, mabilis nilang mapapatawad ang isa't isa at di nila matitiis na di sila makapag-usap. Maya-maya ay tumila na ang ulan at nagpaalam na si Carlo kay Jiselle.

Carlo: Salamat sa pagkain ah?

Jiselle: Sa pagkain lang talaga?

Carlo: Bakit, sa'n pa ba?

Jiselle: Wala. Umalis ka na nga lang.

Carlo: Asus. Hahaha. Sige, una na ako.

Nalungkot si Jiselle. Akala niya kasi balik na sila sa dati pero mukhang nakalimutan na ni Carlo kung paano siya magpaalam dati. Maya-maya, tumalikod na si Jiselle para pumasok pero napansing niyang nasa likod na niya si Carlo. Sa tuwa niya, humarap siya kaagad dito. Hindi niya alam na sobrang lapit na pala nito sa kanya. Sa di inaasahang pagkakataon, nahalikan niya nang lumingon siya. Parehas silang nagulat at nanlaki ang mga mata. Pero masyadong maganda ang moment na yun na kahit si Jiselle ay napapikit. Neither of the two wanted to let go. Parang tumigil ang mundo sa oras na yun. They.. Jiselle and Carlo.. just shared their.. First Kiss. Gayunpaman, si Carlo ang unang tumigil.

Carlo: Sorry. Hi-hindi ko sinasadya. Magpapaalam lang sana ---

Nagulat siya. Hinalikan ulit siya ni Jiselle -- sa pisngi.

Jiselle: Alam ko. Okay lang. Uwi ka na, baka di pa kita mapakawalan!

This time, hinawakan ni Carlo si Jiselle at niyakap ng mahigpit. Just like the old times.

Carlo: Akala mo nakalimutan ko na noh?

Jiselle: Oo.

Carlo: I love you.

Dare You To Move (Krisjoy)Where stories live. Discover now