(Jisoo) Summer's POV
Ngayon na ang araw ng School Festival. Pagod na naman ako nito. Suot ko yung pink dress na binili nila Maya at Anthonio para sakin. Maganda naman pweede na..
Pababa ako ng hagdan napatayo silang lahat sa kinauupoan nila at natulala sakin. Ano bang istura ko? Mukha ba akong multo? Hindi naman white dress suot ko para mag Mukhang white lady..
"Mga Kuya okay lang kayo?"
"Summer bakit yan ang suot mo? Masyadong maikli" -Kuya Evan
"Umakyat ka sa taas at mag palit ka" -Kuya Dwayne
"Ang OA nyo mga kuya, eh kayo bakit ata bihis na bihis kayo?"
"Pupunta kami sa school festival nyo" -Kuya Syndrome
"Lahat kayo?" anong gagawin nilang lahat don? Si kuya Evan lang naman pinapapunta ko..
" oo saka sabi ni Maya kakanta ka kaya kailangan mo ng mga poging supporter's" -Kuya Alijah
Nalintekan na! Maya bakit sinabi mong kakanta ako. Mapapakanta ako ng wala sa oras..
"Mga kuya okay lang naman kahit hindi kayo pumunta"
"Hindi na pacancel ko na mga schedule ko" -Kuya Syndrome
"Ako rin na pancel ko na mga meeting ko. Kaya pupunta kami" -Kuya Dwayne
"Pati ikaw kuya Red?"
"Oo! masama?" -Kuya Red
Pati si kuya Red dinamay nila..
Biglang dumating si Maya laging naka sigaw pag papasok ng pintuan.
"Let's go" sigaw ni Maya naka offshoulder syang dress. Ang ganda nya. Kaya itong si kuya Ahyen papasukan na ng langgaw ang bibig sa sobrang laki ng bunganga. Maka nganga wagas.
"Maya ikaw ba yan?" -Kuya Alijah
"Ay hindi poster ko lang to. Naku kuya Alijah wag ako utang na loob. Hindi ako pumapatol sa mas matanda sakin" -Maya
"Ang sakit naman nong sinabi mo" -Kuya Alijah
"Alin don yung mas matanda?" -Maya
"Yung hindi ka pumatol sakin" ang corny ni kuya Alijah. Pero alam ko naman binibiro nya lang si Maya ganyan naman minsan si kuya Alijah may saltik.
"Kuya tigilan mo nga si Maya" -Kuya Ahyen
Naku selos yung isa.
"Tara na Summer malelate na tayo kaloka ka, pero ang ganda mo sa dress mo. Mukha ka ng tao" -Maya
"Bakit hindi ba ako mukhang tao noon?"
"Joke lang ito naman pero bagay sayo yung dress. Taralets" -Maya
YOU ARE READING
Brother's Conflict (On-Going)
Teen FictionEverything is connected On-going Started: April 14, 2017 All Rights Reserved