(Kai) Syndrome's POV
Ang boring talaga pag nasa bahay lang tsk. Tapos ang kasama ko pa si Ahyen na lintek.
Si Evan may date ata, si Dwayne naman malay ko kung saan naman pumunta yun si Alijah kasama si Ali namasyal. Si Red naman ewan ko sa lalaking yun walang pake sa mga tao dito sa bahay kung saan sya pupunta. Si Max naman tulog lang ng tulog. Si Summer naman nandito nga sa bahay kaso nasa kwarto lang. Ganito ba talaga pag walang lovelife? Nasa bahay lang? Kagaya ni Ahyen."Mukha kang tanga kuya Syndrome, parang nag feface dance ka"
"Manahimik ka na lang Ahyen"
Nanahimik naman sya, text ko na lang kaya si Yumi tutal may number nya pa naman ako...
Tsk edi sabihin mo sa kanya. Mahirap ba gawin yun?
Malaman ko lang kung sino tong Boyfriend nya patay sakin to."Kung ako sayo kuya tawag mo na lang" nasa likod ko pala tong si Ahyen
"Hoy Ahyen wag kang tsismoso"
Bumalik na sya sa kinauupuan nya. Bakit nga di ko na lang tawagan?
Tinawagan ko sya kaso walang sumasagot.
"Walang sumasagot kuya Syndrome?"
"Wala, yung operator lang"
"the number you have dialed is not available in your life. Please call again pag sya ay single na again" binato ko ng sapatos si Ahyen. Tawa sya ng tawa sarap tirisin nito.
"Bwesit ka Ahyen"
"Kuya Syndrome, kung noon kasi pinahalagahan mo sya. Edi sana wala kang problema ngayon. Ayan tuloy hindi na sya available"
"Ano bang alam mo sa pag ibig? Ha?" akala mo naman may alam
"Pag ibig? Yan yung binigay sayo ni Yumi. Kaso sinayang mo" tumakbo sya pag akyat dahil alam nyang babatuhin ko ulit sya. Totoo naman yung sinabi nya sinayang ko lang. Gago kasi ako noon. Makapunta na nga lang ng bar.
Pumunta na ako nga bar nakarating naman agad ako buti di traffic. Yung pag asa ko lang ata yung na traffic.
Nag park na ako ng kotse sa parking lot. May dalawang nag aaway. Parang pamilyar yung babae. Bumaba na ako sa kotse. Mga tao nga naman dito pa nag aaway.
Palapit ako sa kanila kasi nasa daanan sila mga peste.
Teka parang... Si Yumi yung babae.Hinawakan nung lalaki si Yumi sa braso.
"Ano ba bitawan mo ako, nasasaktan na ako" nung narinig kung nasasaktan si Yumi nandilim ang mata ko agad akong lumapit sa kanila. Kaya sinuntok ko yung lalaki.
"Hoy! Sino ka ba?" sigaw nya
"Ako? Hindi mo ba ako kilala?" peste ulol sikat na model tong kaharap mo.
YOU ARE READING
Brother's Conflict (On-Going)
Novela JuvenilEverything is connected On-going Started: April 14, 2017 All Rights Reserved