(Jisoo) Summer's POV
Bakasyon na malapit na kasi Christmas at ito ang unang Christmas ni Ali sa bahay. Buti na lang gumawa ng paraan tong si Kuya Alijah. Nagising sya sa reality na kay langan nya ipaglaban si Ali..
Pupunta nga pala kami sa Mcdo ni Maya Syempre kasama si Ali niyaya ko na rin si Ate Yumi.
Wala kasi sila kuya sa bahay as in lahat sila pati si kuya Ahyen. San kaya sila nag punta araw araw na lang sila wala...
"Mag shopping kaya tayo ng mga bagong damit ni Ali" -Maya
"Ako din mag shoshopping mga pang regalo" - ate Yumi
"Sayang wala si Anthonio wala tulay tayong taga bitbit" itong si Maya gagawin pang alalay si Anthonio kaya lagi kayong nag tatalo..
Nakarating na kami ng Mall
"Tita kakain po ba muna tayo ng MCDO?" -Ali
"Ali dapat huli na yung pagkain, kasi mamasyal muna tayo. Hindi maganda mamasyal pag katapos kumain kasi nakakatamad na" -Maya
Tumango naman si Ali.
Nag shopping na kami..
Nag lakad lakad na kami mukhang pagod na si Ali at napansin ni ate Yumi yun."Ali gusto mo kargahin kita?" -Ate Yumi
"Kaso tita Yumi mabigat po ako" -Ali
"Okay lang yun" kinarga na ni ate Yumi si Ali. At nag lakad lakad na kami ito namang si Maya kulang na lang lahat ng daanan namin bilhin shopping ng shopping.. May bigla akong napansin yung dalawang lalaki na laging naka sunod sakin. Nakasunod na naman. Nakakairita na.
Bigla naming nasalubong si kuya Syndrome may kasama syang babae. Tsk! Akala ko ba gusto nya makipag ayos kay ate Yumi. OMG kasama ko nga pala si ate YUMI. Mukhang wala namang paki si ate yumi.
"Hi Ali" lumapit si kuya Syndrome kay Ali kaso karga nga pala sya ni ate Yumi awkward. Kiniss nya sa pisngi si Ali mag kalapit mukha ni Ali at ate Yumi kaya medyo nilayo ni ate Yumi yung mukha nya.
"Hi Tito Syn! Sino po kasama mo?" ali bakit mo pa tinanong?
"Ah si Megan ka tatrabaho ko" sus kuya style mo. Alam ko na mga ganyang galawan.
"Hi Little boy, ang cute mo naman" lumapit sya kay Ali "Anak mo?" tanong nya kay Ate Yumi. OMG maldita yang ate ko patay ka...
Sasagot sana si ate yumi kaso biglang nag salita si kuya Syndrome
"Anak namin" nag katanginan kami ni Maya.. Yung babae naman parang nag tataka."Pero tinawag ka nyang Tito" oo nga nama kuya
"Kasi po tita Megan, tito po talaga tawag ko sa daddy ko. Diba daddy?" hala pati si Ali sinakyan trip ni kuya Syndrome.
"Yes baby" ginulo ni kuya buhok ni Ali. Itong si Ate Yumi parang gulong gulo.
"Mommy sama natin si Daddy sa pag shopping natin" OMG Ali magiging tulay ka na ba ng YUDROME? Mana ka nga talaga sakin.
"Huh?" -Ate Yumi
"Oo nga naman ate Yumi sama na natin yang asawa mo para naman hindi ka mahirapan sa pag karga ng anak nyo" isa pa tong si Maya. Patay ka mamaya kay ate Yumi..
"Sige una na ako sa inyo, mukhang makakaabala ako sa family bonding nyo" paalam nung Megan. Umalis naman sya..
Binaba na ni ate Yumi si ali sa pag kaka-karga.
"Tutal sasama ka samin, at pati si Ali dinamay mo sa trip mo. Ikaw na mag karga sa kanya" yan kasi kuya Syndrome matatarayan ka na naman ni ate Yumi.
YOU ARE READING
Brother's Conflict (On-Going)
Teen FictionEverything is connected On-going Started: April 14, 2017 All Rights Reserved