(Jisoo) Summer's POV
Comeback school na Yes!
Buti naman kasi makakalabas na ako lagi na lang ako nasa kwarto. Nag bibihis na ako ng school uniform ng may biglang kumatok."Tita Breakfast na po" sigaw ni Ali
"Sige Ali, mag bibihis muna ako"
Mukhang bumaba naman si Ali. Pag kabihis ko kinuha ko na yung bag ko at bumaba na ako. Pumunta na ako ng kitchen.
Nakita ko na ang suot na uniform ni Zyrha kaparehas ng akin..
"Bakit naka uniform ka ng William Zyrha?"
"Don na mag aaral si Zyrha sa William" -Dad
"Bakit ikaw ang sumagot Zyrha ka ba? Bakit hindi ka sa Kingdom na lang mag aral"
"Summer sit down!" sigaw ni Dad "Mas gusto ni Zyrha na sa William mag aral"
"Bakit dahil nandon ako? Para gulohin nya rin ang buhay ko sa William? Tahimik na ako don at masaya na. Tapos ano? Pag titripan nyo lang? Ikaw tinanong mo ba ako kung okay lang sakin na don sya mag aral?"
"Hindi ko na kailangan itanong sayo dahil parehas ko kayong anak" -Dad
"Summer kumain ka na lang" -Kuya Dwayne
"Wag na! Nawalan na ako ng gana"
halumabas na ako ng bahay. Pumunta ako kila Maya sakto naman pag doorbell ko si Maya naka bukas."Oh! Papunta pa lang sana ako sa inyo. Dito ka na pala"
"Tara na Maya"
"Teka! Okay ka lang ba? Parang iiyak ka na, anong nangyare?"
"Sa kotse na lang natin pag usapan"
Sumakay naman kami ng kotse nasa likod lang kami ni Maya.
"Summy! Anyare ba talaga?"
"Si Zyrha
"Teka anong ginawa ng italyanang yan sayo? Manong balik tayo sa bahay bibigwasan ko lang yung Italyana na yun"
"Maya! Wag na ayoko silang makita. Si Zyrha Pati sa William don na sya mag aaral" umiiyak na ako ng bongga. Niyakap naman ako ni Maya
"Summy wag ka ng umiyak pati ako naiiyak na. Saka hayaan mo pag tutulongan namin ni Anthonio yang si Zyrha. Saka pati ang Campus Queen's balita ko close ka na sa kanila. Ipapa todas natin sya sa kanila"
"Maya! Bakit ganun? Feeling ko wala na silang pakialam sa mararamdaman ko. Parang wala na akong papel sa buhay nila" ang sakit sakit na ng puso ko. Ayoko na ng ganito. Nahihirapan na akong huminga
"Summy! Ano ka ba wag ka ng umiyak. Ano papasok ka ng school na namamaga ang mata? Duh! comeback school na"
Pinunasan ko yung luha ko "Tama! Hindi ako Pweede pumasok ng ganito istura ko. Kaya di ako papasok" ayoko munang pumasok feeling ko sasabog ang puso ko..
"Huh? San ka naman pupunta? Uuwi ka na?" -Maya
"Pupunta na lang ako ng Mall, ikaw na lang pumasok Maya. Manong paki baba na lang po ako sa tabi"
"Summy! Ihahatid ka na namin sa mall kung ganun"
"Wag na Maya malelate ka pa, kaya ko sarili ko, ikaw na lang mag abot nito pasalubong ko kay Anthonio"
"Sigurado ka? Pag di ka okay tawagan mo lang kami ni Anthonio. Dadating agad kami" tumango ako sa kanya. Binaba naman ako ni Manong sa tabi.
YOU ARE READING
Brother's Conflict (On-Going)
Teen FictionEverything is connected On-going Started: April 14, 2017 All Rights Reserved