Chapter 5: Hangover with EX

922 41 17
                                    

(Kai) Syndrome's POV

Nandito ako ngayon sa labas ng gate ng school ni Summer ako ang mag susundo sa kanya ngayon.

Bigla kung nakita si Yumi na palabas ng gate.

"Yumi!" bingi ba sya o nag bibingi bingihan lang?

"Yumi!"

"What?" galit nyang sigaw

"Init ng ulo nito galit ka ba?"

"Tawag ka kasi ng tawag taga bundok ka ba?"

"Ito naman may favor lang naman ako sayo"

"Ano naman yun?"

"Pweede paki tawag naman si Summer"

"Tsk! Ano ako utosan mo? Bakit hindi ikaw ang tumawag sa kanya" itong babaeng to parang di nya rin kapatid yung pinapatawag ko

"Hindi nga ako pweede pumasok sa loob. Kasi alam mo naman marami akong fans dyan baka pag kagulohan ako"

"Who cares?" maldita talaga to

"Alam mo Yumi, ikaw yung ex ko na may hangover pa sakin" ex ko nga pala si Yumi kaso hindi alam ni Summer yun. Kaming dalawa lang ni Yumi ang may alam.

"Tsk wharever" paalis na sya

"Ice candy girl" sigaw ko naalala ko kasi nung bata pa sya mahilig sya sa ice candy kulang na lang pati plastik kainin nya..

"Shut up! Pweede ba wag mo akong tawagin ng mga trip mong pangalan. Saka kailan pa ako naging ice candy?"

"Para ka kasing ice candy. Masarap na malamig pa"  okay umiiral na naman kamanyakan ko

"Alam mo SS hindi ka pa parin nag bago puro parin kamanyakin ang nasa utak mo. Pigain ko yang utak mo" SS pala tawag nya sakin sya lang ang tumatawag nyan Syndrome Sy in short SS.

"Kalma para namang wala tayong pinag samahan"

"Pweede ba manahimik baka mamaya may makarinig" kinahihiya nya ba ako ?  Swerte nya nga naging ex nya ang model na si Syndrome.

"Nahihiya ka na naging Ex mo ako?"

"Oo kinahihiya ko" sumakay na sya ng taxi wow kinahihiya nya ako?

Biglang dumating si Summer

"Kuya binubwesit mo na naman si ate Yumi"

"Pikon kasi sya"

"Kuya kapatid ko si Ate Yumi kaya parang kapatid mo na rin sya" yan ang dahilan kaya di ko masabi na naging kami or naging ex ko si Yumi kasi laging sinasabi ni Summer na parang kapatid ko na rin si Yumi. Kahit na ayaw ko.

"Oo na sumakay ka na"

"Bakit mo nga pala ako sinundo?" bakit nga ba? Sabi nga pala ni Dad nung nag usap kami sa mansion kailangan namin bantayan ng mabuti si Summer. Baliw yung gurang na yun ginawa pa akong babysitter.

 Baliw yung gurang na yun ginawa pa akong babysitter

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Brother's Conflict (On-Going)Where stories live. Discover now