Summer's POV
Ang boring ng bakasyon....
Mas mabuti pang may pasok kesa nandito sa bahay naka stock. Nakakaloka, mag damag lang naman ako naka kulong sa kwarto kasi pag umalis ako papagalitan na naman ako btw malapit na birthday ko my sweet sixteen. Sana naman maalala nila yung birthday ko. Biglang may kumatok kundi si Ali yan isa sa mga kuya ko yan malamang chenicheck nila kung nandito ako bantay sarado sila. Kaso mali si Maya at Anthonio.."Omyghad Sammie, mukha ka ng may hepa sa sobrang putla mo. Ano kinukulong ka ba nila dito? Tse! Yang mga kuya mo ang OA sobra na!" -Maya
"Bakla! Kung ako ikukulong ayos lang basta sa kwarto ni fafi Dwayne"
"Hoy Anthonio mag tigil tigil ka nga dyan kilabutan ka naman. Hindi ka papatulan non kahit ikaw na lang matira sa mundo di papatol sayo yun" -Maya
"Hoy Maria! Di hamak na mas bongga naman ang beauty ko kesa sayo no. Saka alam kung type ako ni fafi"
"Ewww! Di kayo talo bes"
"Pumunta lang ba kayo para dito kayo mag talo?" kakarating lang nila nag aaway na naman
"Hindi naman, ito kasi si Anthonio napasugod sa bahay namin istorbo tong baklang to"
"Maria hindi naman ikaw ang sadya ko kadiri ka. Kaya ako nag punta dito para makita si fafi Dwayne"
"Hay naku! Buti pa Sammie para hindi boring ang summer mo bakit kaya hindi tayo mag Summer job?"
"OMG good idea Maria! Sa salon tayo mag Summer job para bongga ang beauty natin"
"Ay naku Anthonio mag isa ka basta kami sa isang coffee shop. Tapos ang uniform katulad nung sa Maid Sama na anime. Diba Sammie mas bongga yun?"
"Kung pweede nga lang, bakit hindi?" malamang kokontra na naman sila kuya saka bawal ako mapagod baka dahil don mapabilis pa buhay ko.
"Yang mga kuya mo ang kj, duh! Ano buong Summer naka kulong ka dito? Puro aral na nga lang inaatupag mo nung may pasok. Tas ngayong bakasyon ikukulong ka naman nila. Tse tse tse... Uupakan ko na sila" -Maya
"Ang boring naman ng life mo Summer. Bakit ba ayaw ka nila palabasin? Bakit may kikidnap ba sayo?" -Anthonio
"Sana nga yun ang dahilan kaso hindi eh. Dahil sa ka praningan nila mema trip lang. Eh kayo ano plano nyo ngayong Summer?"
"Dahil di ka pweede mag Summer job at wala akong maidahilan kila mom and dad sa pag sama sa probinsya nila malamang sasama naku wala naman akong choices" -Maya
"Ako naman mga bakla buong Summer kailangan ko mag pakalalaki myghad mag kaka pimples ako nito"
"Huh? Bakit naman?"
"Paano ba naman buong Summer nasa bahay si papi"
"Hahahaha goodluck Anthonio kung kakayanin mo mag tagal bilang lalaki." -Maya
"Hoy Maria mag tigil tigil ka halikan kita dyan"
"Ewww! Anthonio kadiri ka yuck!" nakakaloka tong dalawa na to pumunta lang dito para mang gulo.
"Mag silayas na nga kayo ang gugulo nyo. Saka matutulog na lang ako"
"Ang kj mo girl, ano hawa hawa na ba sa mga kuya mo? Baka mag kasakit ka kakakulong mo dito? Naku labas labas din pag may time ng di mamuti" -Maya
"Ay buti pa mag mall na lang tayo ipaalam ka namin bakla sa mga kuya mo" -Anthonio
"Wag na di rin naman papayag sila thank you na lang"
"Okay gogora na kami bakla ha! Pag may kailangan ka batuhin mo lang yung bubong nila Maria"
"Pweede namang itext or iChat na lang ako ang cheap kung babatuhin yung bubong"
"Duh mas makakatipid pag binato, gorabells na nga tayo bye bakla"
"Bye Sammie" -Maya
"Bye ingat kayo"
Lumabas na sila ng kwarto ko.. Gusto ko mang sumama sa kanila kaso hindi pweede ako na umiiwas na mag kasagutan kami nila kuya. Biglang pumasok si kuya Ahyen aish! Naalala ko na naman yung perfume.
"Bakit umalis sila agad?"
"Napadaan lang sila, pupunta pa yun ng mall"
"Bakit di ka sumama? Kesa nandito ka sa kwarto mo nag kukulong"
"Naku kuya! Kung sasama ako sa kanila malamang mag rereact na naman sila kuya Dwayne kaya wag na lang"
"Dapat sumama ka, kasi walang mag babantay kay Mayang baka san pa dalhin nung Anthonio na yun si Mayang ko" kung alam mo lang na hindi type ni Anthonio si Maya kasi type non si Kuya Dwayne. Pero kung gusto ni kuya Ahyen si Maya bakit sya nag bibigay ng flowers sakin saka notes?
"Kuya may tanong ako"
"Ano naman yun?"
"Anong gamit mong perfume?"
"Kahit ano"
"Anong kahit ano? Ano yun wala kang permanent na ginagamit?"
"Kung ano yung mabango yun na yun" hays pambihira naman
"Ay naku lumabas ka na nga lang ng kwarto ko."
"Wow mas mainit pa sa panahon yung temperature mo dyan ka na nga" lumabas na si kuya Ahyen makapag relax nga muna ang init ng panahon. Bumaba ako para mag hanap ng ice cream sa ref... Kaso nasalubong ko si kuya Syndrome na may kasamang babae teka ngayon lang to nag dala ng babae sa bahay kahit si ate Yumi di nya madala dito aba naman bilis maka move on.
"Oy kuya Sino yang kasama mo?"
"Hi! I'm Phoebe" sabi nung babae di ko sya pinansin
"Hoy kuya wag mong sabihing dito ka gagawa ng lagim?"
"Anong lagim pinag sasabi mo Summer? Ikaw ha!"
"Ay pa feeling innocent ibig kung sabihin kamanyakan. Mahiya ka naman may batang nakatira sa bahay na to"
"Aba baby girl san mo natutunan yan ha?"
"Kuya wag mong ibahin ang usapan. Sige ka malaman ni ate Yumi na nag dadala ka ng babae dito"
"Wait Yumi? Sya ba yung ex mo yung nakita ko sa condo?"
"Kilala mo si ate Yumi ko?"
"Ah oo na kwento sakin ng kuya mo na ex nya si Yumi"
"Aba naman mahilig ka pala mag kwento kuya story teller ka pala di ako na inform"
"Summer wag ka mag susumbong kay Yumi"
"Ano naman kung sabihin ko sa kanya? Saka wala naman syang pake sayo saka higit sa lahat WALANG KAYO" iniwan ko na sila nag punta naku ng kitchen. Sana naman kahit ice cream meron dito....
YOU ARE READING
Brother's Conflict (On-Going)
Teen FictionEverything is connected On-going Started: April 14, 2017 All Rights Reserved