Chapter 10: Weird

703 36 24
                                    

(Jisoo) Summer's POV

Pag katapos ng Festival ang weird nila kuya. Lalo na si Kuya Syndrome akala mo lalim ng iniisip. Pero kamanyakan lang naman joke lang.

Si Kuya Dwayne ang weird din minsan mainit ulo laging naka sigaw. Nakakaloka sya.

Si Kuya Evan naman ewan kung anong nangyare sa kanila ni Miss Chloie ang weird din kasi ni kuya nakaka intriga ang mga kaganapan. Gusto ko sila tanungin kaso baka masigawan ako.

Sa ibang kuya ko naman wala namang bago sa kanila.

Saturday nga pala ngayon kahapon yung festival buti na lang walang pasok may oras ako mag pahinga..

Sino kaya sa kanilang tatlo ang una kung iinterviewhin?

Unahin ko muna si kuya Dwayne handa na akong masigawan.. One two three Go!

"Hi Kuya Dwayne" busy sya sa pag babasa

"Hi baby girl" -Kuya Dwayne

"Kuya may problema ka ba?"

"Bakit mo naman natanong yan?" -Kuya Dwayne

"Kasi simula tayo kahapon galing ng school ko ganyan na mood mo. Anong ganap?"

"Si Pau" -Kuya Dwayne

Omejii! Anong nangayare? Sila na ba ulit? Pero bakit ganyan mood ni kuya?

"Anong meron kay ate Pau?"

"May bago na syang boyfriend" hala! Kaya pala ganito si kuya ngayon brokenhearted. Kawawa naman ang kuya ko. Eh kasalanan nya naman yan.

"Kuya! Boyfriend pa lang naman yun. Kung mag asawa nga nag hihiwalay mag jowa pa kaya. Saka kaya mong agawin si ate Pau sa bago nyang jowa. Gwapo mo kaya"

"Summer masaya na sya, kaya wala na akong karapatan na gulohin at saktan ulit sya" -Kuya Dwayne

"Kuya naman ang nega mo, bahala ka nga dyan di ka naman nakikinig sakin"

Iniwan ko na si kuya Dwayne. Matalino nga bobo naman pag dating sa love nakakaloka sya.

Kay Kuya Evan naman ako makiki chicka!

"Hello kuya Evan"

"Hi" -Kuya Evan

"Kuya Kamusta yung festival namin kahapon?"

"Buti naman pinaalala mo sakin kasi alam kung planado mo lahat yun" Mygosh ito na..

"Kuya ang torpe mo kasi kaya ako na ang gumawa ng moves. So kamusta kayo ni Miss Chloie? Kayo na ba? Pweede ko na ba syang tawaging ate?" excited pa naman ako maging ate si Miss Chloie

"Walang ganun" -Kuya Evan

"Naku naman kuya! Ayun na nga yung chance na makausap mo sya wala ka paring ginawa" bakit ba ganito ang mga kuya ko?

"May ginawa ako! Pero punyetang principal nyo panira sya ng moment namin" -Kuya Evan

Hala sya! Galit si kuya Evan nag mura pa sya. Omejii!

"Kuya kalma ka lang, may ibang araw pa naman makaka damoves ka rin ng walang epal. Ako bahala"

"Summer tumigil ka na nga sa ganyan mo. Saka kung para talaga kami sa isat isa tadhana ang gagawa ng paraan" -Kuya Evan

"Kuya hindi puro ka Asa sa tadhana. Kasi ang tadhana busy rin yan sa iba hindi lang kayo ang may kailangan sa tadhana, marami kayo. Kaya ikaw na ang gumawa ng tadhana nyo ni Miss Chloie habang may time pa. Sige ka baka maunahan ka ng iba. Nasa huli ang pag sisisi"

Brother's Conflict (On-Going)Where stories live. Discover now