(Xiumin) Dwayne's POV
Valentine pala ngayon, sino ba nag imbento ng Valentine? Mapatay nga....
Pumasok sa office ko si Pau,
"Sir may bisita ka po"
"Huh? Sino naman? Wala akong appointment kahit kanino" in short ayoki tumanggap ng bisita
"Sir, Coleen daw pangalan nya" napatayo bigla
"Am papasukin mo sya"
"Okay po sir"
Nag ayos ako ng sarili ko. Teka bakit ko ginagawa to?
Pumasok na si Pulubi.
"Hays ang boring ng Valentine ko" naupo sya
"Bakit ka nandito? Akala ko na ayaw mo pumunta dito kasi baka may makakita sayo sumbong ka sa daddy mo?"
"Kasalanan mo kasi to" ano naman ba kasalanan ko?
"Ano naman yun?"
"Kung pumayag ka na sumama ako kila Seven. Edi sana masaya Valentine ko. Ayun nakita ko na lang yung mga post nila sa IG nakaka inggit" sabihin mo gusto mo lang makasama yung Seven na yun
"Tsk, di ka rin naman mag eenjoy don"
"Anong hindi? Mag eenjoy ako don lalo na nandon si Seven" mukha pa syang kinikilig tsk
"Edi pumunta ka don"
"Edi sana sinabi mo agad non, para nakasabay na ako sa kanila. Saka ang KJ halatang bitter ka ngayon. May problema ka ba sa Valentine's Day?"
"Manahimik ka na lang pweede?" bwesit
"Siguro kasi di kapa nakaka move on sa EX mo. teka sino ba yang ex mo? Babatiin ko ng Congrats kasi iniwan nya tulad mo"
"Hindi sya ang nang iwan, Ako" pinag uusapan namin ang EX ko, nasa labas lang si Pau
"Wow naman, edi ikaw na ang nang iwan pogi mo kasi. Pero sino ba ex mo?"
"Tumahimik ka na nga lang ang kulit mo"
"Siguro nandito lang sa Office yung Ex mo kaya ganyan ka mag react"
"Hays, tumigil ka na utang na loob"
Biglang pumasok si Pau...
"Sir tumawag po si Mr. Lee pinapasabi kung pweede daw ba kayo mag dinner mamaya?"
"Sabihin mo busy ako, malamang kung ano ano namang business yang sasabihin nya"
"Okay Sir" paalis na san si Pau kaso hinawakan sya ni Pulubi
"Sandali lang" ano na naman tong kailangan ni Pulubi kay Pau?
"Ano yun?" -Pau
"Kilala mo ba ex ng boss mo?" shit! Sa dami daming pweedeng tanungan si Pau pa. Tumingin sakin si Pau kay umiwas na lang ako.
"Bakit mo tinatanong?" -Pau
"Wala lang naman, gusto ko lang sya icongrats kasi nakalaya na sya sa bitter na to" turo sakin ni Pulubi "Saka syempre kailangan ko rin malaman kasi jowa nya ako"
"Excuse me lang, may trabaho pa ako" lumabas na si Pau ng office ko
"Unfairness ang ganda ng Secretary mo, buti di ka nahumaling sa kanya?"
"Kilala mo ba kung sino yung pinag tanungan mo?"
"Secretary mo malamang"
"Sya ang Ex ko"
YOU ARE READING
Brother's Conflict (On-Going)
Novela JuvenilEverything is connected On-going Started: April 14, 2017 All Rights Reserved