Chapter 54: Tanan Part 2

596 32 18
                                    

Summer's POV

After 8 hours na byahe ng bus papunta ng probinsya nila Anthonio finally nakarating na kami sa kanila myghad! Sobrang sakit ng pwet ko kakaupo. Halos mabaon na sa kinakaupuan ko ang pwet ko. Pero ayos lang Masaya naman sa byahe nakakatuw talaga kasama si Anthonio halos di maubusan ng kwento parang walang problema na dinala.
Kamusta na kaya sa bahay? Hinahanap kaya nila ako? O wala talaga silang pake sakin? Hays Summer wag mo ng isipin yun kailangan mag enjoy ka Malay mo ito na pala ang huling pag eenjoy mo char joke lang wag naman sana..

"Welcome bakla sa Hacienda namin!" Sigaw ni anthonio pag kababa naman ng trycicle. Wow ganda dito fresh air. Ang aliwalas ng kapaligiran.. "Hoy bakla, speechless lang ampeg? Abay galaw galaw ng di pumanaw"

"Grabe ka naman! Sobrang ganda lang kasi dito. Grabe Anthonio di mo manlang sinabi samin na may ganito pala kayo. Sayang wala si Maya"

"Gaga! Kalorke ka, di naman kasi kayo nag tatanong. Saka hayaan mo si Maria nag eenjoy yun bakasyon nila. Tara na nga loob. Masusunog ang Maganda kung balat dito. Iba naman ang init si probinsya mabilis maka itim"

Pumasok na kami sa loob ng bahay

"Summer, ito nga pala si manang  Linda at mang Carding. Sila ang mga caretaker's dito" pag papakilala sakin ni Anthonio sa dalawang matanda sa harap ko.

"Hello po, ako po si Summer" nag bless ako sa kanila sinyales ng pag galang.

"Ang ganda naman ng Batang to at bait pa. Senyorito nobya nyo ba ang dalagang to. Saka nag tanan ba kayong dalawa?" Tanong ni manlang Linda Kay Anthonio grabe mukha ng dudugo ilong ko lalim ng Tagalog nya.
Saka di naku mag tataka kung bakit nya natanong kung nag tanan kami. Sino ba namang matinong babae ang sasama sa lalaki na kayong dalawa lang. Wait di pala lalaki itong baklang to...

"Naku manang, opo nag tanan kami" Sabay kindat sakin ni Anthonio myghad anong binabalak ng baklang to? " masyado kasing mayaman ang pamilya ni Summer kaya tutol sila sakin" ang galing gumawa ng kwento ni Anthonio Pweede na maging Author

Brother's Conflict (On-Going)Where stories live. Discover now