Chapter 27: Heart and Heaven

624 32 4
                                    

(Xiumin) Dwayne's POV

Sobra ng daming problema sa bahay sa office. Hays.

"Ang boring talaga pag Sunday" kasama ko pala tong si Pulubi sa coffe shop..

"Edi sana di ka na lang sumama dito"

"Ang sungit mo talaga, Ay nga pala may sinabi sakin si Seven"

"Ano na naman yun? Kung puro lang sa harutan nyong dalawa. Hindi ako interesado" tsk boring naman ng kwento nila.

"Ang kontrabida mo agad. Hindi naman tungkol sa harutan namin. Tungkol to sa kapatid nya si Stephen na classmate ng kapatid mong si Summer"

"Talaga? Classmate ng kapatid nya si Summer? Tapos?"

"Nung Monday daw nung pasukan. Nandon si Summer sa kanila kasi nga partner as representative ng school sila. At may mga activities daw na plinaplano" so ayun pala ang dahilan kung bakit gabi na umuwi si Summer. Kung sinabi nya kasi agad edi sana hindi na umabot na saktan sya ni Tanda tsk..

"Lumalayo na loob ni Summer samin" hindi na sya katulad ng dati

"Baka naman kayo yung tumutulak sa kanya palayo. Alam mo kasi hindi lalayo ang isang tao kung walang dahilan. Posibleng kayo ang dahilan o kaya sya ang may dahilan. Ganun lang yun, kung ako sayo CEO kausapin nyo na sya"

"Pweede ba tigil tigilan mo na kakatawag sakin ng CEO. hindi kita impliyado" bwesit tong babaeng to.

"Bakit ikaw? Pulubi nga tawag mo sakin. Mas nakakaawa pa nga yun kesa sa CEO"

"Mukha ka naman talagang Pulubi. Bagay lang sayo yun" ang cute nya pag na pipikon

"Tsk,, nga pala si Seven

"Wag mo ng ituloy, ayoko marining mga kwento nyo" ikukumpara nya naman ako sa SEVEN na yun.

"Ito naman ang corny, gusto ko lang sabihin na nag invite si Seven sa beach para sa celebration ng barkada. Tinatanong nya kung gusto mo daw ba sumama?"

"Tsk.. Wag na busy ako" may celebration ba ang barkada?

"Okay para naman mag karoon kami ng privacy ni Seven. Baka ito na pag kakataon para umamin na sakin si Seven" kinikilig pa sya habang sinasabi yun. Nakakadiri sila.

"Kelan ba yan?"

"Huh? Sasama ka na?" nakakainis naman mukhang mapapalaban ako nito.

"Bahala na, titignan ko ang schedule ko"

"Sa Valentine pa naman, matagal pa" natatawa nyang sabi

"Valentine? Ano yun date?"

"Huh? Date? Sabi nya buong barkada daw kasama"

Mukhang inuto ka lang non. Balak ata sulohin ka. Valentine? Mag kakasama sila ng mga barkada nya? Wala bang mga sariling lovelife yung mga yun?

"Hindi ka sasama sa kanila"

"Bakit naman? Duh! Buong barkada yun" ang engot mo talaga kahit kelan. Sa beach Valentine ibigsabihin may importante syang sasabihin sayo. Kung sa mga mag karelasyon na matagal ibigsabihin non mag popropose. Kung tungkol sa inyong dalawa naman aamin na sya. At tatanungin ka nya kung pweede ka nya maging girlfriend. 

"Kaya Hindi ka sasama" Shit dapat sa utak ko lang yun na isigaw ko pa

"Bakit ka sumisigaw? Hindi naman kita sinisigawan. Kung ayaw mo ako sumama edi hindi na. Di naman ako bingi"

Brother's Conflict (On-Going)Where stories live. Discover now