Chapter 55: GOODBYE

370 15 24
                                    

Short update after one year😂

Syndrome's POV

Sana naman nandito si Summer sa mall nag papalamig ng ulo dahil sa galit nya samin. Sa totoo lang kasalanan naman to lahat ni tanda eh. Dinamay nya lang kami sa kasinungalingan nya baka nga wala ng tiwala samin si Summer dahil sa mga nangyare. Paano pa kaya pag nalaman nya na hindi nya naman talaga kami mga kapatid maliban lang kay Ahyen na bobo. Pero sa tutuusin parang di naman sila mag kapatid ni Ahyen, kasi ang talino ni summer tapos si Ahyen ang bobo siguro kay tanda nag mana si Ahyen. Pero kung malaman man ni summer na di nya talaga kami mga kuya sobra syang masasaktan, kaya kailangan na namin gumawa ng paraan para matapos na tong mga problema. Tinuring ko na ding kapatid si Summer pati rin naman silang lahat.

Habang nag lalakad ako parang may pamilyar akong nakita shit si Yumi. Malayo pa lang alam ko ng si Yumi ganun ba talaga pag sobrang mahal mo kahit malayo kilala mo na agad?

Binilisan ko yung lakad ko, nung makalapit ako sa kanya mukha syang nagulat ikaw ba naman makakita ng pogi talagang magugulat ka.

"hi!" bati ko sa kanya pero nginitian nya lang ako at tumalikod na sya baka pa sya tuloyang humakbang hinawakan ko sya braso. Tinignan nya lang ako na parang nag tataka, wala ba syang bibig? "Yumi pweede ba kita makausap kahit sandali?"

"bakit?" tipid nyang tanong

"tungkol Sana kay Summer" pero syempre tungkol din samin si Summer pang sinabi ko para pumayag. Mas gaganahan ako mag ayos ng problema ng pamilya kung may maganda akong inspirasyon.

"bakit? Anong tungkol kay Summer? Okay lang ba sya? May nangyare bang hindi maganda? Ano?"

"chill! Pweede upo naman tayo kanina pa ako nag lalakad"

"ah okay, tara" pumasok kami favorite fast food nya, nag order muna kami.

Pano ko ba sasabihin sa kanya yung tungkol kay Summer mukha namang wala syang alam. Baka mas ma turn off sakin to pag nalaman nyang nag layas si Summer ng dahil samin.

"ano na? Ano bang tungkol kay Summer?" tang ina kinakabahan ako

"Ah ano kasi" na uutal naku

"ano nga?" parang na iirita na sya

"Nakalimutan kasi namin yung Birthday nya tapos nag tampo sya"

"what?!" mukhang napalakas yung boses nya kaya may mga tumingin samin huminga sya ng malamin saka nag salita ulit "are you stupid Syndrome? Gosh Alam mo ba kung gaano ka importante kay Summer yun? Kaya hindi ko na sya niyaya lumabas kasi akala ko, kayo ang kasama nya sa birthday nya. Tapos makakalimutan nyo lang? Ano matanda na ba kayo? O baka naman puro pang bababae inaatupag mo kaya nakalimutan mo yung birthday ng nag iisa mong kapatid na babae? " ang sakit naman ng mga sinabi nito pero kahit anong sabihin nito hindi manlanh ako na tuturn off sa kanya.

" Una hindi naman namin sinasadyang makalimutan, sadyang ang dami lang problema na inaayos namin. Pangalawa hindi pang bababae inaatupag ko kasi ikaw lang naman babae ko, okay?"

"wharever" tang gala hindi manlang kinilig? Ang bobo talaga ni Ahyen mag bigay ng pang banat. "so kamusta na si Summer?" sasabihin ko ba na nag layas si Summer? Kasi Parang hindi sinabi ni Summer kasi ayaw nyang mag alala sila sa kanya.

"okay naman sya nag tatampo lang" sorry Yumi Alam kung ayaw din ni Summer sabihin

"sige una naku" hinawakan ko sya sa kamay para hindi muna sya tumayo

"Sandali Yumi may sasabihin pa ako"

"ano yun?" sabay hawi nya sa kamay ko

"Yumi, can you give me another chance? Please!" how do i get her back? I just need to convince her to give me a second chance. "Promise babawi lahat gagawin ko bigyan mo lang ng isa pang pagkakataon"

"for what? Para san pa Syndrome? Nasaktan na Natin ang isa't isa. At pag pinag patuloy pa natin yun mas masasaktan lang tayo"

"Yumi, bigyan mo lang ako chance na patunayan sayo na mahal na mahal kita"

"to late, I'm leaving"

"huh?"

"Aalis naku bukas, mag aaral ako sa korea ang momodeling. Saka may kakilala ako na may bar don mag ddj din ako para dagdag kita." fuck ganito ba talaga ako kamalas? Pero tang ina

"Sure ka na ba talaga sa pag alis mo?" please sabihin mo hindi

"Oo Syndrome, alam mo naman pangarap ko to diba?" alam kung pangarap mo yan pero sabi mo mag kasama tayong tutuparin yung pangarap mo. "Saka mas makaka move on tayo kung malayo tayo sa isa't isa"

"Putang ina ayoko mag move on!" hindi ko mapigilan yung nararamdaman ko. Kahit anong sabihin mo hindi ako mag momove on

"Syn, kailangan natin tong gawin. I mean ako kasi satin dalawa ako lang naman yung hindi pa nakaka move on."

"Mali ka hindi porket nakikita mo ako na parang wala lang sakin yung break up natin hindi naku nasasaktan. Putcha Yumi halos mabaliw ako nung nag hiwalay tayo. Pero pinipilit ko maging okay dahil ayoko isipin ng lahat na kalalaki kung tao ang hina ko at ayokong isipin mo na niloko kita, mahal na mahal kita hindi ko kayanh gawin sayo yun. Oo inaamin ko gago ako noon pero Yumi nag bago ako ng dahil sayo kasi mahal kita"

Hinawakan nya ako sa kamay umiiyak sya. Ayoko na umiiyak sya ng dahil sakin "Syn, mahal din kita walang nag bago sa pag mamahal na yun simula nung  naging tayo hanggang ngayon mahal parin kita" mahal nya parin ako? Ibigsabihin ba nito pweede ulit kami? "Pero hindi sapat ang pag mamahal na yun para mag stay pa tayo sa nakaraan. Kailangan natin mag grow up ng malayo sa isat isa. Kailangan natin bitawan ang nakaraan para makapag umpisa ng bago. Syndrome Sorry." tumayo na sya at umalis, naiiwan akong nakatulala, bakit ganito? Ang sakit ang sakit.. Tang ina bakit ako umiiyak? Ang bakla ko naman.

Tang ina mayaman nga pala ako edi susundan ko sya sa korea. Tama Syndrome wag kang susuko.

Biglang nag ring yung phone ko si ahyen.

"bwesit ka Ahyen palpak yung binigay mong banat, bakla lang kikiligin don"

"kuya wala tayong panahon sa banat banat na yan,. Sinusundan namin si Maya. Mukhang papunta sya Kay Summer may mga dala syang gamit sumunod ka na lang samin text ko sayo. Saka na kita bibigyan ng iba pang banat pag napauwi na natin si Summer. Bye"

May kailangan pa nga pala kaming ayusin. Pangako Yumi pag natapos na tong Problema ng mga Sy susundan kita at gagawin ko lahat para ma inlove ka ulit sakin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 02, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Brother's Conflict (On-Going)Where stories live. Discover now