(Chanyeol) Evan's POV
Simula nung nagkasagutan si dad at si Summer este kami pala. Bihira na lang lumabas ng kwarto si Summer lalabas lang sya pag kakain pag tapos aakyat ulit ng kwarto.
Minsan hinahatidan pa sya ni Nanay Flor ng pagkain. Malaki na pinag bago nya siguro nga nag mamatured na sya."Hays! Na mimiss ko na si Summer, di na sya lumalabas ng kwarto at lalong di nya na ako pinapapasok ng kwarto nya. Si Ali lang pinapapasok nya" -Ahyen
"Ako din na mimiss ko si Summer, nandyan nga sya pero parang wala kasi di lumalabas ng kwarto at lalong di tayo kinakausap" -Alijah
"Hayaan nyo muna sya, magiging okay din yan. Pag nagsawa na sya mag kulong sa kwarto" -Dwayne
"Paano dahil sa di nya pag labas ng kwarto. Hindi natin alam nag suicide na sya?" -Ahyen
Binato sya ni Syndrome ng unan "Tang ina Ahyen, wag na wag ulit kita maririnig mag salita ng ganyan. Mapapatay kita"
"Paano lang naman? Di ba kayo nag aalala sa kanya? Sa sobrang depress nya magawa nya yun" -Ahyen
Paano nga kung ganun? Ang mga kabataan pa naman ang malaking kahinaan nila depression.
"Hindi magagawa ni Summer yun, alam ko na matalino at alam nya ang tama sa mali" -Max
"Wow kuya Max nag bago ka na talaga. Matured ka na"
"Eh ikaw kailan ka mag mamatured?" tanong ni Red kay Ahyen
"Matured na ako no! Di lang pansin" -Ahyen
"Talaga? Di kami na inform matured ka na pala" pang aasar ni Syndrome
"Ready na ang Dinner, paki tawag na din si Summer" -Zyrha
"Ali, ikaw na tumawag sa tita mo" utos ni Alijah kay Ali habang busy sa kanyang iPod.
"Bakit po ako? Pweede naman po kayo na lang" sabi ni Ali habang nakatingin parin sa screen ng iPod nya.
"Ako na lang tatawag sa kanya" umakyat na si Max sa taas.
"Pansin ko lang ha! Bakit pag dating kay Summer. Ang bilis mag update ng utak ni kuya Max?" -Ahyen
"Malamang si Summer lang kasi nag tya-tyaga na kausapin si Max noon. Kaya ngayon si Max naman ang kakausap kay Summer" -Syndrome
Bumaba na si Max kasama si Summer. Nginitian ko sya pero di nya ako pinansin diretso lang sya sa kusina.
Kumain na kami pero ang tahimik. Di na tulad noon na ang kulit ni Summer at Ahyen di nga sila bata tulad noon.
"Tita malapit na ang comeback school. Excited ka na po ba?" tanong ni Ali kay Summer
"Sobra" maikling sagot ni Summer
"Summer kailan uuwi si Maya?" -Ahyen
"Malay ko" -Summer
Ang tipid nya na ngayon sumagot.
"Baby girl, gusto mo punuin ko yung isang pad na papel ng autograph ko para may ibebenta ka sa pasukan" -Syndrome
"Wag na" -Summer
"Summer, kinakamusta ka nga pala sakin ni Chloie" sabi ko, kahit naman hindi. Nag bakasyon kasi si Chloie
"Okay." -Summer
Nagkatinginan kaming lahat.
"Summer, nga pala nag aaral ka ba kahit na bakasyon?" naku naman Dwayne sa daming pweedeng itanong yan pa talaga.
YOU ARE READING
Brother's Conflict (On-Going)
Teen FictionEverything is connected On-going Started: April 14, 2017 All Rights Reserved