Chapter 39: Chance

432 29 7
                                    

Alijah's POV (Suho)

Nakakapagod ang araw na to, ang init init pa ng panahon... Malapit na kasi mag summer kaya ganito nakakapanghina ang init.

Bago ako pumasok ng bahay narinig ko agad yung tawa ni Ali nakakawala ng pagod. Sana laging masaya ang anak ko.

Pag pasok ko nakita ko si Ali saka si Louise. Anong ginagawa nya dito? Wag nyang sabihin na kukunin nya na ang anak ko. Naku naman kahit umabot pato sa korte lalabanan ko sya.

"Daddy" tumakbo palapit sakin si Ali kinarga ko sya "Daddy bakit ang aga mo umuwi?"

"Baby, sobrang init kasi ng panahon kaya mas mabuting di na lang ako sa bahay para makapag relax"

"Daddy, nandito po si Mommy"

Tumingin ako kay Louise

"Hi Alijah" bati nya sakin

"Anong ginagawa mo dito?" ayan agad tanong ko sa kanya

"Pweede ba tayong mag usap?" shit kinakabahan ako baka pag uusapan namin custody para kay Ali.

"Baby punta ka muna sa room ng tita Summer mo. Mag uusap lang muna kami ng mommy mo"

"Okay daddy, mommy akyat po muna ako"

"Okay Ali, mamaya mag lalaro ulit tayo" -Louise

Umakyat na si Ali sa taas...

"Anong pag uusapan natin?"

"Pweedeng wag tayo dito?" aba nag request pa...

"Okay don tayo sa garden bilisan lang natin mainit"

Nauna na ako sa kanya papuntang garden. Sumunod naman sya naupo na kami.

"Alijah may gusto akong sabihin sayo. Mas makakabuti to satin at lalo na kay Ali"

Anak ng tokwa mukhang kukunin nya na ang anak ko.

"Ano yun?"

Hinawakan nya ako sa kamay. "Gusto kung makipag balikan sayo" nagulat ako sa sinabi nya kaya bigla akong napatayo

"Alam mo ba yang sinasabi mo?" bumalik ako sa pag kakaupo

"Alijah, ayaw mo bang mabuo ang pamilya natin? Ayaw mo bang maging masaya si Ali?" bigla akong napaisip sa sinabi nya. Kailangan ni Ali ang buong pamilya. Pero hindi ko na mahal si Louise. Para san pa kung mag sasama ulit kami?

"Louise alam kung kailangan ni Ali ang buong pamilya. Pero hindi na natin mahal ang isa't isa"

"Alam ko, ginagawa ko lahat to para sa anak natin. Pag isipan mong mabuti Alijah para sa anak mo to" tumayo na sya sa kinauupuan nya "Aalis naku may pupuntahan pa kasi ako. Ikaw na lang mag sabi kay Ali na umalis naku"  umalis na si Louise na iwan akong nag iisip dito. Nagugulohan ako shit.

Sino pipiliin ko yung taong mahal ko si Bev o ang nanay ng anak ko si Louise?

"Hoy kuya! Mukha kang tangang nakatulala dyan, nasalubong ko pala si ate Louise uuwi na daw sya" bigla bigla na lang sumusulpot tong si Summer

"Si Ali?"

"Sa kwarto ko nakatulog bigla pagod ata mag laro. Kuya anong pinag usapan nyo parang nag iisip ka? May isip ka ba? joke lang"

"Ganito talaga pag gwapo nahihirapan mamili sa dalawang babae. Pinag aagawan kasi ako"

"Si ate Bev? Kuya take note di nakikipag agawan si ate Bev ikakasal na nga yung tao. Si ate Louise lang yung nag hahabol"

Brother's Conflict (On-Going)Where stories live. Discover now