A/N: Short Update
Summer's POV
Nasa langit na ba ako? Bakit puro puti nakikita ko? Ito na ba yung tinatawag na Heaven? Ang sakit parin ng dibdib ko nasa heaven na ako pero ramdam ko parin yung sakit....
"Summer, nakikita mo ba ako?" Sino naman tong tumatawag sakin? "Summer naririnig mo ba ako?" teka pamilyar yung boses nya..si Doctor Park.
"Doc?"
"Buti naman nagising ka na" wala pa pala ako sa heaven ilaw lang pala tong nakikita ko tinapatan ni Doc ng flashlight yung mata ko kaya akala ko liwanag ng kalangitan "Kamusta pakiramdam mo?"
"Doc paano ako nakapunta dito?"
"May nag dala sayo dito nawalan ka daw ng malay sa daan" hays buti na lang dito nya ako dinala hindi sa hospital namin
"Nasan na po yung nag dala sakin dito?"
"Umalis na sya agad, Summer akala ko ba mag papa opera ka sa ibang bansa? Lumalala na ang sakit mo kailangan may gawin na ako. Kailangan ko makausap ang pamilya mo tungkol dito"
"Doc, wag na kayo mag abala eh wala na nga silang pake sakin. At sila ang dahilan kung bakit ako hinimatay"
"Pero kailangan nila malaman ang tungkol dito"
"Doc, alam kung concern kayo dahil pasyente mo ako. Pero Doc maniwala ka okay lang ako. Eh kung mamatay edi mamatay don naman tayong lahat pupunta"
"Hindi biro ang sakit mo, ano wala ka na bang pangarap sa buhay mo kaya tanggap mo na tong kapalaran mo? Handa ka na bang iwan ang mga mahal mo sa buhay?" napaisip ako sa sinabi ni Doc, Park pero paano ko sasabihin sa pamilya ko ang tungkol sa sakit ko eh sila nga ang pumapatay sakin?
"Doc, alis naku"
"Hindi ka aalis!"
"Aalis ako kung gusto ko" tumayo ako sa kinahihigaan ko at kinuha ko agad yung gamit ko lumabas agad ako ng hospital room. Hinabol naman ako ni Doc.
YOU ARE READING
Brother's Conflict (On-Going)
Teen FictionEverything is connected On-going Started: April 14, 2017 All Rights Reserved