(Suho) Alijah's POV
Mamayang gabi na yung engagement party ni FT di ko alam kung dapat ba akong pumunta sa party na yun masasaktan lang ako....
"Kuya anong tinutunganga mo dyan? Di ka ba pupunta sa party ni ate Bev?" wow bihis na bihis tong si Summer.
"Tinatamad ako"
"Tinatamad ka o nasasakta ka? Yan kasi kuya kung pinahalagahan mo sa sana noon edi sana wala kang problema. Ay nga pala sasama ko si Ali invited sya ni ate Bev"
"Okay"
Mayamaya bumaba sila Evan teka lahat sila pupunta?
"Oy di ka pupunta sa engagement party ng ex mo?" tanong ni Syndrome
"Teka nga lahat kayo pupunta?"
"Malamang, invited kami" sabat ni Ahyen
"Kung ako nga lang masusunod di ako pupunta don may mga trabaho pa akong naiwan sa opisina. Ewan ko ba bakit ako pinipilit nitong si Summer"
"Kasi nga invited kayo nakakahiya naman kung di tayo pupunta saka minsan lang to"
"Sumama ka na lang Alijah kesa maiwan ka dito mag isa" sabi ni Evan
"Si Max kasama ba saka si Red?" di ko nakikita si Max pati si Red
"Ewan ko don" sus Syndrome may galit ka lang kay Red
"Pweede ba wag nyo na lang hanapin yung mga wala saka kung pupunta man sila edi okay" -Summer
"Sige mag bibihis muna ako sasama naku" paakyat na ako sa taas ng narinig kung sumigaw si Summer
"Kuya yung black suit ang isuot mo nasa ibabaw lang ng kama mo ako pumili nyan"
Aba may papili pili pa tong si Summer...
Habang nag binihis ako may kumatok sa pinto.
"Kuya una na kami sayo sunod ka na lang sa party. Siguraduhin mong pupunta ka pag di ka pumunta isusumpa talaga kita"
"Oo na tse!"
Pag katapos ko mag bihis bumababa naku wala na silang lahat. Talagang di ako hinintay pati si Ali sinama na. Kaya ito ako mag isa pupunta sa engagement ng ex ko. Teka san ka pala yung location ng party? Tinignan ko yung invitation sa hotel namin. Lahat ng lang kung nasan si Bev pag mamay ari namin.
Kaya nag drive na ako papuntang hotel.....
Medyo traffic buti na yun para mag tagal ako dito sa kalsada para pag dating ko don tapos na wala na akong eksenang dadatnan.
~~~~~~~~~~~~~~~
After 1 hour nakarating na ako ng hotel akala ko tapos na mukhang nag sisidatingan pa lang bisita. Akala ko wala na akong madadatnan.
Mayamaya may nagsalita "Am excuse me"
"Edi dumaan ka lawak lawak ng daanan" mainit ang ulo ko ngayon wag kang sumabay
"Mag tatanong lang ako kung saan yung engagement party ni Bevvy Cavan?" ano daw? Engagement party ni Bev? Ah baka bisita.
"Tse sumabay ka na sakin don din naman ako papunta" pasalamat ka mabait ako
"By the way I'm Carlo and you are?" bakla ba tong mukong na to?
"Alijah... Alijah Sy" nung paglasabi ko ng pangalan ko parang nag bago mukha nya. Di ko na lang pinansin nag lakad na lang ako papunta kung saan yung party.
YOU ARE READING
Brother's Conflict (On-Going)
Teen FictionEverything is connected On-going Started: April 14, 2017 All Rights Reserved