(Jisoo) Summer's POV
Nandito kami ni ate Yumi sa mall. Kaming dalawa lang kasi si Maya at Anthonio busy ata ewan kung ano pinag kakaabalahan. Sila Lex at Aila naman may date daw sila edi sila na may lovelife.
"Hays ang boring, sobra" buntong hininga ni ate Yumi. Ang boring naman talaga.
"Oo nga ate, ganito na lang Mcdo muna tayo at kwentuhan"
"Ano naman pag kwekwentuhan natin?"
"Yung about sa inyo ni kuya Syndrome" na iintriga talaga ako love story nila.
"Boring na nga, boring pa yung ikwekwento ko sayo."
"Sige na ate" please pumayag ka na.
"Fine fine fine, tara na sa MCDO. Nagugutom na din naman ako" pumunta na kami ni Ate Yumi sa mcdo.
"Ate Yumi, habang pa yung order natin mag kwento ka na tungkol sa inyo ni kuya Syndrome"
"Nag hiwalay kami dahil sa ex nya, Tapos"
"Ending agad? Wala bang Prologue dyan? Kung paano kayo na fall sa isa't isa?" masyado naman excited sa ending si ate Yumi
"Okay fine, ganito kasi yun. Mag kaibigan muna kami non. Ayun! Na fall ang tanga ko nga lang sa daming taong pweede kung mahulogan sa kuya mo pa. Edi ito ako nabalian ng puso dahil mali yung nabagsakan ko" bitter ni ateng
"Okay, ito na lang, bakit kayo nag hiwalay? Ano ginawa ng Ex nya?"
"Si Mia yung Ex nya dahilan kung bakit kami nag hiwalay."
"Ah! Ano ba ginawa ng babaeng yun?"
"Hindi mo na kailangan malaman yun. Bata kapa para don" spg ba yun?
"May nangyare ba sa kanila?" ayan direct to the point ako agad
"Hoy Sammie, ikaw ha may nalalaman ka ng ganyan"
"Duh! Ate hindi na ako bata, ano may nangyare ba sa kanila?"
"Hindi ko alam"
"Paanong hindi mo alam?" ang gulo naman nito kausap
"Ganito kasi yun nag send sakin ng pic si Mia na suot nya yung polo ng kuya mo. At katabi nya sa kama. Pero may tiwala ako sa kuya mo kaya hindi ako naniniwala na may nangyare sila"
"May tiwala ka pala kay Kuya bakit mo sya hinawalayan?" kaloka si ate yumi
"Ganito kasi yun, hinawalayan ko sya para matuto sya sa mga pag kakamali nya para mag matured na sya hindi puro kalokohan ang laman ng utak. See, nakita mo naman nag eeffort ang kuya mo para mag kabalikan kami. Saka kailangan nya muna ayusin ang sarili nya"
"Ah, gusto mo sya na mag matured muna saka mo sya babalikan?" wow gusto ko yang idea nya
"Parang ganun na nga kung hindi pa sya nakakahanap ng iba" dumating na yung order namin kaya kumain na kami.
Natapos naman kami agad kaya naka isip na kami umuwi.
"Sammie, ikamusta mo na lang ako kay Ali"
"Okay ate"
Habang nag lalakad lakad kami sa mall nasa lubong namin si Zyrha may kasama syang babae. Hindi ko kilala yun hindi naman mukhang taga William Academy.
Si ate Yumi nakatingin don sa kasama ni Zyrha kilala nya ba yun?
"Ow my dear sister, and my stupid enemy" sabi ni Zyrha samin peste ka hindi ka parin natututo.
YOU ARE READING
Brother's Conflict (On-Going)
Teen FictionEverything is connected On-going Started: April 14, 2017 All Rights Reserved