(Jisoo) Summer's POVNakatulog si Ali sa kwarto ko habang nag lalaro ng mga pasalubong ko sa kanya...
8:00pm na pala malamang dinner na..
"Ali wake up, mag didinner na tayo, baka wala ka ng Itulog nyan mamaya. Naku mapupuyat daddy mo"
Nag unat muna sya ng kamay at humikab "Opo tita"
May biglang kamatok at binuksan yung door..
"Bumaba na kayo kakain na" si kuya alijah pala
"Okay po Daddy" sabi ni Ali sa Daddy nya "Tara Tita baba na tayo"
"Sige Ali, baba ka na susunod na lang ako. Sama ka na sa daddy mo" tumango naman si Ali at bumaba na sila.
Pumasok muna ako ng CR. tumingin ako sa salamin maputla parin ako. Kaya nag lagay ako ng foundation.
At bumaba na ako pumunta ako ng kitchen. Nakita ko si Zyrha katabi nya na rin si Dad. Mag katapat na kami
Ako sa right sya sa left ni Dad..
Umupo na ako.."Buonasera" (Good evening" sabi ni Zyrha di ko sya pinansin wala akong pake sa italian nya..
"DaddyLo marami pong pasalubong sakin si Tita Sam"
"Talaga Ali? Buti kapa nadalhan ng pasalubong" -Dad
Tsk.. Bakit kayo may dala ba kayong pasalubong para sakin? Si Ali lang nakaalala sakin. Di ko pinansin si Dad. Suplada ampeg ko ngayon.
"San ka ba galing Summer? Bakit parang marami kang pasalubong kay Ali?" -Kuya Evan
"Bakit? Hindi ba pweedeng mag dala ng para kay Ali? Nag shopping lang kami ni Ate Yumi at na isip kung ipag shopping si Ali. Masama ba?"
"Summer!" halatang may tono yung boses ni kuya Alijah tsk. Sige pag kaisahan nyo ako..
"Anak malapit na New Year, anong gusto mong gawin? Gusto mo bang mag handa tayo dito?" -Dad
Hindi ako nag sasalita tahimik lang ang mood ko.
"Summer kinakausap ka ni Dad" -kuya Dwayne
"Sorry! Akala ko kasi hindi ako" tsk malay ko bang ako yung kinakausap akala ko kasi si Zyrha "Wag na Dad"
Mukhang namang nagulat si Daddy"Bakit naman?" -Dad
"Wag na, mag aabala pa kayo, saka ayoko rin baka matulad lang nung Christmas nag prepare kami ni Ali pero nasayang lang. Sayang ang effort. Saka plano kung mag new year kila Mama, mas gusto ko sila makasama sa new year"
"Ganun ba? Osige mukhang gusto mo nga don" -Dad
"Tita di po kita makakasama sa New Year?" malungkot na tanong ni Ali.
"Baby Ali, diba mag kasama na tayo nung Christmas? Tayong dalawa pa nga non eh, kaya kila Mama naman ako. Saka nandyan naman sila para sayo" sorry Ali. Gusto naman kita makasama sa new year. Kung pweede nga isasama kita kila Mama.
"Okay po, basta uuwi po agad ikaw" tumango ako
Biglang nag vibrate phone ko si Maya nag text..
"Sige po akyat na ako sa kwarto ko""Tapos ka na agad kumain? Parang naka tatlong kutsara ka lang" -Kuya Ahyen
"Binibilang mo ba? Saka hindi naman kutsara kinain ko"
"Ah hindi naman para lang" -Kuya Ahyen
Umakyat na ako para makipag chikahan kay Maya.. Pumasok ako ng kwarto at nilock ko yung door. Double lock talaga.. Kay Kuya Alijah naman matutulog si Ali kay okay lang na ilock ko.
Nag patugtog ako ng music. nahiga ako sa kama at Nakipag text na ako kay Maya
YOU ARE READING
Brother's Conflict (On-Going)
Teen FictionEverything is connected On-going Started: April 14, 2017 All Rights Reserved