♫I'll show you what it feels like
Now I'm on the outside, oh oh
We did everything right
Now I'm on the outside♫
"WOOH! Bestie! Inom pa tayo! Drinks are on me!" Sigaw ni Jade habang sumasayaw na parang walang bukas. Pinagtitinginan na din sya ng mga tao sa mga ginagawa nya.
"Bestie, halika na pinagtitignan na tayo oh. Lasing na lasing ka na. Umuwi na tayo." Hila hila sya ni Bianca paalis sa dance floor. Alam nyang masasangkot na naman ito sa gulo pag di nya pa ito pinigilan.
"Ano ka ba Bestie! Kaya nga tayo nandito para magsaya di ba? Saka para damayan mo ko" Tuloy na pagsayaw ni Jade at di pinapansin ang pag hila sa kanya ni Bianca.
"Bestie naman! Gabi gabi na tayong ganito. Di ka pa ba nagsasawa? Lagot ako nito sa parents mo eh. Halika na kasi. Alas dos na ng umaga." Pilit ni Bianca sa kanya.
Sasagot pa sana si Jade ng maramdaman nyang may humawak sa bandang likuran nya. Pag lingon nya nakangisi pa ang loko sa kanya. DI na nagdalawang isip si Jade at sinapak nya ito sa muka.
"Gago! Manyak! Sino ka sa tingin mo para hawakan ako ng ganun?!" PInagsisipa nya pa ito. Napansin naman ni Bianca na padating na ang mga kaibigan nito kaya madali nyang hinila si Jade palabas ng club. Agad na isinakay ni Bianca si Jade sa sasakyan at pinatakbo ito ng mabilis.
"Ano bang nangyayari sayo Jade?! Lalaki lang yan nagkakaganyan ka na." Galit na sabi ni Bianca sa kanya.
"Bestie, ang sakit sakit eh. Ginago ako ng lalaking yun. Masakit pa dahil nakabuntis sya. Di ko na alam ang gagawin ko. Sobrang sakit bestie." Tuloy tuloy ang luhang dumadaloy sa mata ni Jade
di nya alam na ganto pala kasakit ang mararanasan nya.
"Bestie, hayaan mo na sya. Tignan mo nga yang sarili mo? Hindi ganyan ang Jade na kilala ko. Sige na magaayos ka na malapit na tayo sa inyo."
"Thank you Bestie. Buti nandyan ka." Yakap nito kay Bianca.
"Oh nandito na tayo. Di na ako bababa ng sasakyan. Magpahinga ka na." Yakap din ni Bianca sa kanya.
"Thanks Bestie. Ingat ka pag-uwi ha? See you." Bumaba na ito at dire-diretsong pumasok sa kwarto nya. Humiga sya sa kama nya at nakatulala lang sya sa ceiling ng kwarto iniisip nya kung ano ng mangyayari sa kanya bukas.
"Jade! Huy!" Nagising sya sa mahinang yugyog ng kapatid nyang si Paul. Di nya namalayan na nakatulog na pala kakaisip ng madaling araw.
"Kuya naman. Ang aga aga pa. Mamaya na lang please." Irita nyang sabi sa kapatid nya.
"Jade, hindi pwede. Pinapatawag ka ni Dada sa office nya. Yung mga gamit mo na sa luggage na dadalhin ka sa province ni Dada." Muling yugyog ni Paul kay Jade.
"Huh?! Bakit?!" Tumayo agad ito at direstong pumunta sa office ng Dada nya. Pagpasok nya kitang kita nya ang galit sa muka ng Dada nya. Umupo sya malapit dito at may inabot sa kanyang newspaper ang Dada nya.
Laking gulat nya ng makita nya ang picture nya na may sinasapak na lalaki sa bar. Ang di alam ng dalawa ay may nakasunod na photographer at nakuhaan lahat ng mga pinagagawa niya.
"Dada, let me explain. BInastos kasi ako ng lalaking yan! Kaya ko sya sina-" Di na natuloy ni Jade ang sinasabi nya ng makita nya ang plane ticket na nasa lamesa at nandun ang pangalan nya.
"Jade, ayoko ng marinig yang mga explanations mo. Ilang beses mo na bang ginawa yan? Nakakahiya sa pangalan pamilya ang mga ginagawa mo. Ipapadala muna kita sa bahay ng lola mo sa Iloilo. Kasama mo ang yaya mo. Sana magtino ka na this time Jade. Gumaya ka naman sa mga kuya mo."
"Pero Dada? Anong gagawin ko dun? Dito na lang ako magpapakatino na ako please." PIlit nito sa kanyang Dada.
"Jade, final na yung decision ko. Nakapack na yung bag mo mamaya na ang flight mo kaya mag-ayos ka na."
Lumabas si Jade sa office ng Dada nya nang nanlulumo. Ayaw nyang umalis dito pero baka nga tama ang Dada nya na para ito sa kanya. Nag-ayos na ito para sa pag-alis nila ng yaya nya.
"Jade, nandito na tayo." Tapik ng yaya nya. Marahan syang ginising at mukang napagod ito sa byahe. Napakalayo kasi ng bahay ng lola nya sa airport.
Minulat ni Jade ang kanyang mata at medyo kinusot ito. Bumaba na din sya sa sasakyan at nakita ang lola nyang nakasalubong ng yakap sa kanya.
"Jade, kamusta ang byahe mo? Ang tagal mo ng hindi nakabalik dito. Tara sa loob at may hinanda kaming pagkain sa inyo." Bati ng lola ni Jade sa kanya. Ngiti lamang ang nasagot nya dito dahil sa pagod nya sa mahaba nilang byahe.
"Kumusta na ang papa at mama mo jade? Huling pumunta kayo dito ay napakabata nyo pang magkakapatid. Nakaka-miss din ang ka pilyohan ni Paul at Gab." Pag-usisa ng lola nya.
"Ok naman sila Ama. Sasabihan ko sila bumista dito para makita mo din sila."
"Sige iha. Magpahinga ka muna. Ayun yung kwarto mo sa may dulo. Yan talaga ang pinalinis ko sa kanila para makita mo ang ganda ng hacienda."
"Salamat po Ama." Pumasok na sya sa kanyang kwarto. Inikot nya muna ang kanyang paningin. Pinagmasdan nya ang mga gamit sa bahay. Mga lumang kagamitan na maayos pa rin naman. Napansin nya rin ang lumang telephone. Natawa pa sya ng bahagya dahil sobrang antique na talaga ng itsura nito.
Humiga na sya sa kama upang magpahinga. Naalala nyang nakalimutan nyang sabihin kay Bianca na pinadala sya sa probinsya ng kanyang Ama. Sinubukan nyang tawagan ito pero laking gulat nya na walang signal sa lugar. Sobrang inis man ay wala syang magawa dahil napakalayo nga naman sa siyudad ng hacienda ng kanyang Ama.
Matutulog na sana ito ngunit biglang kumidlat ng malakas kasabay ng pag ring ng telephone na nasa tabi nya. Tumayo sya para sagutin ito.
"Hello?" Tanong ni Jade sa nasa kabilang linya.
"Magandang Araw. Anong maipaglilingkod ko sa inyo?" Sagot naman nito.
"Ikaw kaya yung tumawag. Sino ba to?" Medyo pagtatakang sabi ni Jade.
"Binibini kayo po ang tumawag dito. Sinagot ko lamang ang telepono." Pagpapaliwanag ng nasa kabilang linya.
"Wait—Baka party line ka? Hanggang ngayon uso pa pala yung party line. Siguro malapit ka lang dito." Tanong ni Jade.
"Party line? Wala akong alam sa iyong mga sinasabi binibini."
"Well uhh nevermind. So anong pangalan mo? Bago lang ako dito eh. Galing akong Manila. Buti na lang tumawag ka kasi wala akong makausap dito." Usisa ni Jade sa kausap.
"Maynila? Gustong gusto ko makarating doon binibini. Ngunit di ako pinapayagan ng aking Itay na pumunta ng Maynila. Ako nga pala si Althea Guevarra. Ikaw anong iyong pangalan binibini?" Sagot ng kanyang kausap.
"I'm Jade Tanchingco. Sobrang lalim naman ng tagalog mo. Haha. Sa tingin ko magkasing edad lang tayo. I'm 20 years old."
"Ang salita mo naman ay napakabanyaga binibini. Nasa ika dalawampu't isa na ang aking edad. Matanda pala ako sa iyo ng isang taon."
"Wag mo na akong tawaging binibini. Medyo nakakailang kasi masyadong pormal. Jade na lang tapos Althea na lang itatawag ko sayo. Ok ba yun?"
"Sige kung iyan ang iyong gusto Ja—"
"Hello? Hello Althea?" Ngunit wala nang sumasagot sa kabilang linya. Mukang naputol na ito.
"Ano kayang nangyari? Bat biglang naputol?" Pagtatakang tanong sa isipan ni Jade.
YEAR 1940
"Jade?" Mukang naputol ang aming linya.
"Althea anak. Halika rito at tulungan mo ako para sa piging na gagawin bukas ng gabi." Tawag kay Althea ng kanyang Ina.
"Opo Inay. Sandali lang."
TO BE CONTINUED...
BINABASA MO ANG
Dear Jade
RomanceAnong gagawin mo kung nagmahal ka ng taong nasa ibang panahon? Book 1 - Completed Book 2 - On going