PAHINA 16

99 4 0
                                    

ENNATA

Pagmulat ng aking mga mata, mga wangis ng aking mga kaibigan na pusa ang nakita ko. Diko maiwasang mapangiti dahil sa mga ekspresyon ng kanilang mga mukha.

Bumangon ako ng dahan-dahan tinatantya ko pa ang lakas ko. Lumundag silang pito sa higaan ko.

"Nagising ka na ring muli! " masayang sabi ni dylan na may hmm, alam ko ang bagay na yun yung nilalagay sa tenga upang makinig ng musika. Uhmmm... Ayun Earphone..

"Halos dalawang araw mo kaming pinagalala Ennata, ni hindi ka humihinga" pagaalalang salaysay ni Henry

Oo halos dalawang araw akong nakahimlay sa higaan ko, maging ang diwa ko ay sinama ko sa aking pagpapagaling. Kaya ang katawan ko ay naiwan ng walang hininga. Sabi ng aking ama, wala daw sa pamilya namin ang ganoong kakayahan bukod sakin.

"Ipagpaumanhi niyo kung lubos ko kayong pinagalala" sabi ko medyo nanghihina pa ang aking pisikal na anyo dahil kababalik ko lamang dito

"Buti na lang hindi nahalata ng kamahalan ang ginawa mo, kung hindi lahat tayo ay mananagot" paguulat ni molly

"Magaling umarte ang huwad mo ennata mula sa kilos at pananalita ay di paghahalataang hindi ikaw" sabi naman ni rosie

"Kung ganun ay matagumpay nating naitaguyod ang dalawang araw. Lubos ko kayong pinasasalamatan dahil sa tulong niyo

"Wala naman kaming naitulong bukod sa pagbabantay sayo" sabi ni ted

Nagtinginan ang pitong pusa, hindi talaga nila batid ang tulong na kanilang ginawa.
Pero bago pa man ako tuluyang mawalan ng lakas ay gumawa ako ng huwad ko na kawangis na kawangis ko, para sa ganoong paraan ay di mapansin ni ama ang biglaang pagkawala ko. Mula sa kilos at pananalita ay ipinagkapareho ko sakin.

"Hindi niyo alam na sadyang malaki ang inyong naitulong. Kaya maraming salamat" sambit ko sakanila gusto man nilang tumanggi, wala na rin silanf nagawa kundi tanggapin ang pasasalamat ko.

Sinubukan ko ang tumayo,nagalak naman ako sa tuwa dahil naiapak ko ng maayos ang aking mga paa sa sahig. Sinubukan ko din ihakba at laking tuwa ko ng mailakad ko ito ng normal.

Sa tuwing babalik ang aking diwa sa aking pisikal na katawan, nahihirapan akong igalaw ang mga parte ng aking katawan, tila isang malambot na unan ang aking katawan.

"Ennata! Baka maaari na naming itanong kung ano talaga ang nangyari sayo?" Tanong ni daisy na halatang nagtataka parin, humarap ako sakanila

"Tulad ng aking sinabi, kami ay gumawa ng isang activity sa paaralan, masyado lamang nabugbog ang aking katawan dahil sa mga pisikal na ginawa namin at hindi ito nakayanan ng aking katawan" pagsasalaysay ko. Hinawakan ko si daisy sa kanyang balahibo.

"Kung ganun, nakakatakot pala ang magaral doon" sabi ni dylan nakikinig pala siya kahit na may earphone siya sa tenakong
"Parang ganoon na nga, pero masaya" sagot ko kay dylan upang hindi siya ganoon matakot

"Ehh bakit hinayaan mo na ganun? Eh samantalang kaya mo namang gamitan ng kapangyarihan" sabi ni rosie

"Uhmm siguro naenjoy ko? Tama ba ang sinabi ko? " paninigurado ko para kasing mali ang binigkas kong salita

"Oi wow ahh, improvinv ka teh. Matulog ka na ulit baka sakaling mas umimprove pa ang mga salita mo " pangaasar ni rosie binato ko siyang unan kaya napaungol siya

"Ikaw patulugin ko eh, ahmm teka lilly hindi kaba nagalala sakin? " tanong ko kay lilly na nakapikit na naman

"Sa aming pito, siya ang sobrang nagalala, ni hindi niya nga kami pinasama sa pagbabantay sayo eh, lagi niya kami tinataboy" pagsasalaysay ni molly na ang sama ng tingin kay lilly pero walang paki si lilly

"Ni ayaw niya din kaming gumawa ng anumang ingay o kaluskos" pagsusumbong din ni daisy

Ibig ko ng tumawa ng malakas dahil sa mga sumbong nila sakin.

"Ang iingay niyo kasi" singit ni ted

"Maingay daw, kayo nga daldalan kayo ng daldalan sa harapan ni ennata, ehh kami halos walang lumbas na salita sa aming bibig kapag maguusap kami" pagsusumbong din ni Dylan

Lalo akong natawa dahil ipinakita talaga niya sakin kung paano ang ginawa nilang paguusap na apat na walang boses HAHA! Nakakatuwa

"Hmm, tama na yan, basta ang mahalaga" binuhat ko si lilly dahilan para dumilat ito. Nilagay ko siya sa kandungan ko at hinimas-himas ang balahibo niya " lahat kayo ay nageffort para huwag lang akong maisturbo, kaya salamat ulit" sabi ko

"Improving na talaga ang word mo teh" pangaasar na naman ni rosie

"Salamat" sabi ko inilapag ko sa kama si lilly "hmm, oras na upang pumasok. Namiss ko ang magaral kaya jan na muna kayo dahil maliligo na ako" paalam ko sa kanila

"Pero teka paano ang buhok mo? Hindi pa ayos? " pagaalala na sabi ni henry

Tumingin ako sa kanya ngumiti ako at nagwink. Simulan talaga ng bumalik ang diwa ko , pakiramdam ko ay mas lalo akong lumakas at mas lalo akong
Bumilis na natuto, pero ewan lang dahil lahat halos ng mga pinagaralan kong salitang english ay natatandaan ko na at di na ako nahihirapan pang sabihin o gamitin.

----
Nicodemus

Sa dalawang araw na absent si Ennata, tumahimik ang school parang bumalik sa dati. Pero kasabay nito ang paglungkot ni Misty ang may malaking Salamin. Pero gaya ng ipinangako ko kay misty, hahanapin ko ang may gawa nito kay Ennata.

Binigyan ko ng leksyon ang mga bumugbog kay Ennata, pati ang may pakana na buhusan siya ng lubak na galing sa kanal, sino ba naman ang may matinong isip na gawing pampaligo yun? Ang daming pwedeng ibuhos yun pa.

Hindi ako huminto ng dalawang araw para lang parusahan ang mga may sala. Oo alam ko na I am just a Student President of this School, but I have the rights para parusahan sila. Oo president ako kahit sa College. Syempre diko magagawa yun ng hindi dahil kay Drake he have the  power in everything, dahil he is the son of the owner of this school.

This is the third day na wala parin si Ennata, gusto man namin siyang puntahan ay di rin namin magawa. I was walking in the hallway When I see Misty. Tumakbo ako para puntahan siya at syempre may hawak na naman siyang mga libro.

"Misty! " I shouted pero ang bilis niyang maglakad pero buti na lang..
"Oh what's wrong with you? And how you? " tanong ni Misty na tinuturo ang kinaroroonan ko

"I just ran fast, ang bilis mo kasing maglakad. I just wanted to tell you na I found them, at binigyan ko na sila ng leksyon" sabi ko sa kanya habang nakalagay sa bulsa ang kamay ko

"That's good, pero bakit kailangan mo pang sabihin sakin yan? " walang ganang sabi ni misty

Oo nga bakit kailangan ko pang ibalita na pinarusahan ko ang mga yun eh ang ipinangako ko lang naman ay hanapin sila. Tss! Umubo ako kunyari. Tsaka sinabayan siyang maglakad.

"Ahh wala lang just incase na gusto mong malaman. Uhmm.. May balita kanaba kay Ennata? " tanong ko lalo lumungkot ang mukha niya

"Wala parin, tsaka paano ako magkakaroon ng balita ehh wala namang cellphone yun"sagot nito tsaka inayos ang malaki niyang salamin

Oo nga nu, ni hindi ko nga nakitang may mga gadgets sa Kamay o sa katawan si Ennata. Yun totoo malayo ba sa kabihasnanang dati nilang lugar. Pati kasi pananalita niya ang epic

"Kung sa bagay, pero huwag kang magalala papasok na yun ngayon" sabi ko in a positive way nakita ko namang ngumiti si Misty, kahit pilit

"Sana, namimiss ko na kasi siya ehh, eh teka paano mo naman nalaman hah?" Tanong nito sakin

Napasmirk naman ako. Huminto ako sa harapan niya at hinawakan siya sa balikat niya. Tsaka inilapit ang mukha ko.

"I can feel her presence right now, huwag ka ng magtanong, just thank me" sabi ko then her mouth fell

"Hah? "

Binitawan ko na siya at umalis sa harapan niya. Nauna na rin ako maglakad sa kanya.

"Makikita mo na siya mamaya bye!" Sigaw ko tsaka ako kumampay para magpaalam

"BALIW! " sigaw nito napangiti na lang ako . Tapos nun ay tumalikod na ako tsaka muling naglakad

Extra Ordinary [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon