PAHINA 29

63 1 0
                                    

Ennata's POV

" ere mekla tabung-ning ineaa ?" Sa klase pa lang ng boses na yun ay malamang si itay na yun

Pero bakit ba naririnig ko ang boses na yun? Nahihimbing pa ako sa aking pagtulog.

"Yesaru imekk " isa pang boses yun, si lilly yun

Unti-unti ko ng idinilat ang aking mga mata para sa kasiguraduhan na hindi ako nanaginip.

Sa bahagyang pagbukas ng aking mga mata, nakita ko agad ang dalawanh nilalang na naguusap sa harapan ko. Ano ba ang nagaganap? At bakit tila iba ang lenggwaheng kanilang sinasambit?
Wala naba kami sa mundo ng mga tao?

"Uissha iiehga hanes? " sabi ulit ni itay na siya sinangayunan ni lilly sa pamamagitan ng pagyuko nito sa harapan.

Dahil sa aking kuryosidad ay iminulat ko na ang aking mata ng tuluyan at binanggit ko agad ang ngalan ng aking itay.

"Itay?" Pagtawag ko nilingon naman ako ni itay

"Bakit?" Tanong nito 

Mula naman sa pagkakahiga ko, bumangon ako para malapitan ang aking ama na nakatayo malapit sa pintuan ng aking kwarto.

"May gusto lamang po ako hilingin na sana ay mapagbigyan niyo kahit isang beses manlang" seryoso kong saad sa aking itay na naghihintay ng aking mga susunod na sasabihin

"Siguraduhin mo lamang ennata na ang iyong hihilingin ay hindi mo ikakapahamak o kahit na sinuman sa atin dito" seryoso din nitong saad sakin,

Sa mga binanggit niya palamang ng mga salitang iyon ay nagdadalawang isip na akong sabihin ang aking hinihiling. Ngunit kahit na, gusto ko mapagbigyan ako ng aking itay anuman ang kapalit.

"Nais ko po sanang puntahan ang himlayan ng aking ina sa zinea.." dire diretso kong sinabi kay itay.. hindi agad siya nakapagsalita kaya sinundan ko ito

" anuman pong kapalit o kaparusahan ay malugod ko pong tatanggapin basta pahintulutan niyo lamang po ako makabalik muli sa zinea upang mabisita ko ang aking ina" walang sinuman ang nakapigil sakin na sabihin yun dahil iyon ang nilalaman ng aking puso

Nakatitig lamang sakin ang aking itay, maging ang mga pusa kong bantay ay tahimik na naghihintay sa magiging sagot ng aking itay. Dobleng kaba ang nararamdaman ko sa bawat segundonh itinatagal ng aming paguusap ni itay.

Ang nais ko lamang ay mapuntahan ang namayapa kong ina sa kanyang himlayan, dahil sa tagal ng panahong hindi ko siya nabibisita. 

"Sige po na po itay, pagbigyan niyo na po ako! Nagmamakaawa po ako sainyo" huling hirit ko kay itay

"Ennata alam mong delikado na ang bumalik sa zinea, ni hindi nga tayo nakakasigurado kung nakaligtas ba ang puntod ng iyong ina?" Ang sagot ng aking itay sa gusto kong matupad na hiling

"Pero ita--" hindi ko na naman naituloy ang aking sasabihin dahil sa pagpigil nito

"Ennata huwag mo ng ipilit ang bagay na ikakapahamak mo lamang" sagot nitong muli

Halos manlumo ako sa naririnig ko kay itay, ganun naba siya nilamon ng kanyang takot para hindi na maging sigurado sa zinea? At maging ang puntod ng aking ina ay nadamay pa?

"Sige na ennata, ibang kahilingin na lang aking anak" sabi ni itay lumapit ito sakin at hinaplos ang aking pisnge

"Pero itay gusto ko talaga bumalik doon kahit isang minuto lamang" pagpupumilit ko pa rin

Mula sa aking pisnge ay dumapo ang kamay ng aking itay sa aking baba, mula sa nakayuko ay unti-unti itong itinaas ni itay

"Ina mo ang naging kapalit dahil sa aking pagiging iresponsable, kaya hindi ko na hahayaan pa na pati ang kaisa isa ko na lamang na anghel ay mawala pa sakin, kaya sana anak intindihin mo na lamang ako" nanggilid ang aking mga luha sa aking mga mata dahil sa sinabi ni itay, ramdam ko ang kanyang lungkot at nakita ko yun kung paano siya nahirapan upang malagpasan ang hinagpis na yun. Kaya wala na akong nagawa kundi ang sumang-ayon. Hinalikan ako sa noo ni itay. Ngumiti na lamang ako ng may pait.

"Maghanda kana ennata, diba ngayon ang inyong Foundation day?" Biglang sigla ni itay na alam kong palabas lang

"Opo, pero hindi ako pupunta doon" walang gana kong sagot

"Bakit naman?" Tanong ni itay

"Alam mo na ang sagot doon itay" walang gana ko paring tugon

"Anak, pumunta ka. Hindi ba't magandang experience ito sayo? Lalo na ngayong nagaaral ka?"

"Itay wala naman akong gagawin doon, wala akong kakilala, wala ang mga kaibigan kong duwende upang tumugtog, at mas lalong hindi ko kapwa zaouns ang makakahabilo ko" pagiisa isa ko sa mga dahilan ko upang hindi makapunta

"Ano kaba ennata, You must Go!" Maarteng sabi ni rosie

"Yeaahh! G-O! Mageenjoy ka doon" tugon naman ng kapatid ni rosie na si daisy

"Ayoko nga" sagot ko sakanila

Bumalik muli ako sa aking kama, tsaka humiga.

"Ennata pumunta ka, kailangan mong tanggapin na ang mundong iyong ginagalawan, malulungkot ang iyong kaibigan na si misty kung hindi ka darating" pagpupumilit din ni itay

Bigla ko naman naisip si misty, tama si itay malulungkot iyon dahil naipangako ko na darating ako, at isa pa sinabi ko na tutulong ako para doon sa ming booth.

"Sige na ennata magbihis kana. Rosie!daisy!lilly! Ayusan niyo si ennata" ma-awtoridad na utos nito sa kanila

"Masusunod po" sagot ng tatlong babaeng pusa

"Teka paano kami? Ano gagawin namin?" Tanong naman ng maitim na pusa na si ted

"Soundtrip na lang tayo tol!" Aya ni henry kay ted

"Oo nga para makapagzumba naman ako " pag sasabg ayon naman ni molly na iminumustra ang kanyang sayaw

" bahala kayo sa buhay niyo, basta kami girl thing!!" Sabi ni rosie sa kanila

"Tara na ennata!" Pagaaya ni daisy

Si lilly naman tahimik lang.

Bumangon naman ako para maligo gagawin ko ito dahil kay misty, pero kailangan ko parin makagawa ng paraan upang makapunta ng zinea para madalaw ang aking ina,  dahil nalalapit na ang kaarawan nito.

Extra Ordinary [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon